BLINK - BJORN MATTHEUS ZARAGOZA IN THE FLESH
Lumaki akong may tahimik na buhay sa piling ng aking mga magulang na minahal ako ng lubos. Ni isang beses ay hindi pa ako nakakakita ng artista sa personal kaya wala akong ideya kung ano nga ba ang hitsura nila sa totoong buhay.
Minsan, iniisip ko kung tao nga ba talaga silang tunay o gawa-gawa lamang upang maghatid ng ligaya at serbisyo sa mga ordinaryong mamamayan na mahilig manuod ng telebisyon?
Ang kaharap ko ngayon na tinitilian ng mga kababaihan sa loob ng diner ay hindi ko maikukumpara sa isang normal na tao sapagkat ayon sa nakikita ng aking dalawang mata ay isa siyang Greek God na nagbalat-kayo bilang isang tao.
Kumikirot na ang utak ko sa kaiisip kung siya nga ba talaga si Bjorn Mattheus Zaragoza, dahil mukhang hindi naman yata ito ang lalaking nakita namin ni Tobi sa mga magazines sa mall. He's disturbingly different in person. I mean it. Mas gwapo siya sa personal. Even the word handsome is not enough to describe him.
His jawline is more define and those deep set of eyes were tantalizing like they were luring me to look at them willingly. Submitting to them wholeheartedly without having the need to hesitate.
Nagpupunas ako ng counter habang naghihintay ng tawag ni Tito Otis sa loob ng kusina. Marami na akong naibigay na orders ngunit hindi pa rin mabawas-bawasan ang tao sa loob ng diner. Dumadagsa pa rin ang mga ito dahil nandito lang naman ang isa sa mga pinakamatagumpay na batang negosyante sa buong daigdig.
Tahimik itong kumakain na siyang ipinagtaka ko nang lubusan dahil sa ingay na umaalingawngaw sa paligid niya ay nagawa niya pa ring ngumuya ng mapayapa.
"Miss, kape."
Binalingan ko ng tingin ang matandang lalaki na mag-isang kumakain sa gilid ng counter. Mabuti pa 'to, pumunta talaga rito upang kumain. Nakita ko ang suot nitong wedding ring. I bet his wife and him visited this place together when she was still alive.
Inabot ko ang coffee pot na nakapatong sa ibabaw ng counter at napagtantong nasa tabi iyon ni Bjorn Mattheus.
Great.
Just great.
Napatingin siya sa akin at saka itinuro ang mga babaeng nakapaligid sa kaniya.
"It's pretty crowded in here, huh? Don't you think?" Naibubulas niya sa malumanay na tono ng boses.
Ano ba sa tingin niya ang dahilan kung bakit wala ng natitirang espasyo ngayon dito sa diner?
Gusto kong ikutin ang mga mata ko sa narinig mula sa kaniya pero mas pinili kong manatiling kalmado para na rin sa sariling kapakanan. I didn't want to disrespect him, but he needs to be aware of his surroundings whenever he's planning to go out alone in a big city full of women who basically worship him.
Nakakunot-noong hinuhuli niya ang mga titig kong nakatuon na ngayon ang buong pansin sa maliit na chandelier na iniikot ng hangin na nagmumula sa electric fan.
Wala akong naririnig mula sa kaniya. Bingi ako.
Hinawakan ko ang coffee pot at saka naglakad ako ng hindi pa rin bumababa ang tingin. Mahirap na, baka magkatitigan na naman kami at kung ano pa ang sabihin niya sa'kin.
"How odd. Ganiyan ka ba talaga kapag may kumakausap sa'yong customer?" Tanong niya ulit.
Nilunok ko ang laway na nakabara sa lalamunan ko. Ignore him, Sarena. Just do your best to ignore him. I know he's hot but he's obviously out of your league. Don't play with fire. It'll never do you any good.
And that's what I did. May pag-iingat kong sinalinan ng kape ang matandang humihingi sa akin kanina habang pinapaalala ko sa aking sarili na matatapos din ang lahat ng ito at mawawala rin siya sa paningin ko.
BINABASA MO ANG
Blink (Ability Series #2)
General FictionI was a little girl who rarely blinks. They used to say that I was abnormal. A peculiar child with cursed eyes. To me, it was a blessing. I always appreciate what the God has given me. As time pass by, I learned to blink for the first time. The feel...