BLINK - UNDERGROUND SOCIETY
Pinag-igihan ko ang pag-eensayo sa loob lamang ng tatlong araw. Bukas ay ipapadala na nila ako sa underground society. Nauna nang umalis sila Sander at Giovanni kasama ang kanilang mga tauhan. Sumunod si Timothee na sakay ng chopper patungo sa underground society. May nakapagsabing tauhan ni Bjorn na nagbabantay sa isa sa mga hideout na umaaligid daw doon si Katarina. Aalis na rin sana si Ulysses ngunit ay pinaghintay pa siya ni Bjorn ng isang araw kaya magsasabay kami patungo roon.
Kasalukuyan akong nag-aaral kung paano mas pagagandahin ang natural kong ekspresyon sa harap ng salamin. I've been working nonstop on my resting face because I want Ajax to see me like I was fiercely posing for the camera even when I'm just resting my face. I always have an unapproachable look ever since I was a kid. Perhaps that was the reason why I only had few friends in the past.
Anyway, back to practice. Naglagay ulit ako ng pulang lipstick sa bibig at nilugay ang mahaba kong buhok na natural na tuwid. I just hope Ajax would notice me from the crowd. Crossed fingers.
Dinala ko na rin dito sa kwarto ang mga damit na dadalhin ko sa underground society. Tinulungan akong mamili ni Ulysses ng mga dresses at suits na babagay sa 'kin. Natutuwa naman ako dahil siya ang naiwan sa apat na executives. I feel more comfortable when he's around. Sa pag-uugali niya ay para lamang siyang ordinaryang tao na naligaw sa Zarakis Organization.
Si Cauis naman ay hindi ko alam kung nasaan. Walang nabanggit na misyon niya si Bjorn kahapon sa pagpupulong. Sinabi sa akin ni Ulysses na mainitin daw ang ulo nito kaya mas maiging manatili na lamang ito rito sa main hideout. Bjorn made the right decision about not giving his younger brother a mission on his own. Baka magkagulo pa kung sakaling makibahagi si Cauis.
Tinitigan ko ng maigi ang repleksyon ko sa salamin. Mapapansin kaya ako ng isang Ajax Gideon Diamante? Dahil kung hindi, okay lang basta't nakikita siya ng mga mata ko. Malalaman ko naman kung ano ang mga ginawa niya at gagawin pa lamang kapag kumurap ako ng tatlo o limang beses. Hindi ako makapaniwalang magagamit ko ang abilidad ko sa maling paraan.
I can't back down now. Marami na akong natutunang impormasyon tungkol sa Zarakis Organization. Kapag tumakas ako ay baka ipapatay nila ako sa akto.
Lumabas muna ako ng kwarto para puntahan si Ulysses na may kasalukuyang tinitignan sa loob ng drawer niya.
"Nakakaistorbo ba ako?"
Naisara niya bigla ang drawer sa gulat saka dali-daling lumingon sa gawi ko. "Sarena! Nandyan ka pala?! Pasok ka!"
At pumasok na nga ako. Sinimulan kong palibutin ang aking paningin sa loob ng malinis niyang silid. Halos pareho ang mga laman ng kwarto namin maliban sa iba't-ibang klaseng patalim na nakapaloob sa mababasagin niyang cabinet.
"Naging close ba kayo ni Katarina?" Tanong ko na ikinabigla naman niya.
"Oo, dahil matagal din namin siyang nakasama. At isa pa, kapatid siya ni Timothee." Aniya.
Tumango-tango ako at nagsimulang libutin ang kabuohan ng kaniyang silid. Nakasunod ang mga mata niya sa bawat paghakbang ko.
"Why did she betray Zarakis and decided to join Helios instead?" Tumigil ako sa may kama saka umupo sa dulo no'n.
Huminga siya nang malalim bago sumagot. "That night, we were on a mission together. Me and her. The initial plan was to ambush Ajax and bring him here to the hideout. Everything was going smoothly as we planned. May nakapag-tip sa amin na tauhan ni Master Bjorn kung saan patungo si Ajax noong mga araw na 'yon. At ayon nga, nahuli namin siya. Nasa mga kamay na namin ang nag-iisang anak ni Orlando, hanggang sa nag-iba ang ihip ng hangin. Katarina revolted. Pinatakas niya si Ajax saka sumama rito. That's the last time I ever saw her."
BINABASA MO ANG
Blink (Ability Series #2)
General FictionI was a little girl who rarely blinks. They used to say that I was abnormal. A peculiar child with cursed eyes. To me, it was a blessing. I always appreciate what the God has given me. As time pass by, I learned to blink for the first time. The feel...