Her
"Hoy babaita ka, nakatanaw ka nanaman riyan. Hindi ka naman niyan papansinin"
Sinimangutan ko ang kaibigan kong kahit kailan ay panira ng araw.
Alam ko naman na malayong-malayo ako mapansin nito, pero ano ba naman iyong makita ko siya kahit papaano? Masaya na ako roon.
Pero mas sasaya ako kung lilingon manlang ito sa akin. Kaso nangangarap ako ng gising.
"Alam ko gaga ka, talagang ipagduldulan sa harap ko ano? Hindi mo ba alam ang salitang kasiyahan aber?"
Tinaasan ko pa ito ng kilay at pinamay awangan. Tumaas rin naman ang kilay nito at sa mukha ko mismo inabot ang isang bilao.
"Arte mo. Magtinda na lang tayo roon, sa kalandian mo mauunahan nanaman tayo sa pwesto natin sa divisoria"
Umirap na lamang ako rito at kinuha na ang bilao na inaabot nito.
"Makapagsalita ka riyan akala mo naman hindi ka malandi. Nakita kita kagabi oy! Nakikipaglandian ka roon sa isa sa mga kaibigan ni Felix"
Tumawa naman ito at kinindatan pa ako.
Akala mo naman madadala niya ako sa kakaganiyon niya.
"Ito namang kaibigan kong ito hindi mabiro oh"
Hindi ko na lang ito sinagot pa at nagsimula ng maglakad papalayo sa grupo nila Felix na pinalilibutan ng ilang kababaihan na kagaya ko. Humaling na humaling rin sa angking gwapo nito.
"Alam mo kung tutuusin may ibubuga ka naman roon kay Felix maganda ka naman eh katulad ko. Kaya lang—"
"Hindi ako mayaman, alam ko" pagputol ko pa sa sasabihin nito.
Napatango naman ito kaya napailing na lang ako.
Hindi naman ito mayaman tulad ng itsura niya, isa lang rin siya sa kagaya namin na naninirahan sa squatter area. Ngunit kumpara sa mayroon siya, mas nakakaangat ito sa akin, sa karamihan sa amin.
Dahil sa angking kagwapuhan nito, maraming mga kababaihan rito sa amin kahit ang nasa kabilang barangay ay nagdadayo para makita siya. Ganun siya kasikat rito.
Kumpara sa bahay namin ng kaibigan kong ito at sa ilan pang kapit bahay namin, mas maganda ang bahay nito. Gawa sa samento at may kulay pa ang pader, hindi kagaya ng sa amin na puros kahoy lamang at plywood na pinaglumaan at idinikit na lamang.
Masabi lamang na may matitirhan kaming dalawa ng kaibigan kong ito.
Hindi ko alam kung papaanong ganiyon ang bahay niya, samantalang katulad lang naman namin siyang nag iisa na sa buhay at walang pamilya.
"Nariyan ka nanaman at malalim ang iniisip. Papaano tayo makakabenta nan? Kailangan pa natin makabayad sa upa kay Aling Nora, maniningil na iyon mamaya"
Nagising ako sa pagkakaisip at kumpara ng aming estado sa buhay ng kulbitin ako ng kaibigan ko.
Tiningnan ko ang aming bilao na punong-puno pa, hindi manlang nangangalahati.
"Pasensya na. Maigi pa ay magtawag ka ng mga tao, magaling ka naman roon. At ako ang magtitinda na"
Tumango ito at tumayo mula sa pagkakaupo sa maliit na karton na pwesto namin.
Lumayo lamang ito ng bahagya at nagsimula ng magtawag ng mga bibili. Dahil sa malakas na tunay ang boses nito at sa pagiging makulit, nakatawag ito ng ilang bibili kaya naman napangiti ako.
Ito talaga ang talent ng kaibigan kong ito.
Sinimulan ko ng pagbentahan ang mga taong iyon hanggang sa hindi ko namalayan na mag gagabi na pala.
YOU ARE READING
The Oh So Famous Guy sa Laylayan ng Lipunan
RomanceAng storya kung saan inilalahad ang isang makatotohanan na buhay, karakter, kaugalian, pananaw at pagmamahalan ng dalawang tao sa kabila ng mahirap na pamumuhay at sa mga mata ng mapang husgang tao sa mundo na pinangungunahan ng mga nakakataas.