Her
"Alam mo topakin ka" sabi ko pa rito habang naglalakad kami.
Matapos kasi ako nitong buhatin ng biglaan, namura-mura ko ito dahil sa gulat. Hindi nagtagal binaba na rin ako nito at mukhang narindi na sa akin.
"Alam mo yang bibig mo bubusalan ko na" ganting sagot naman nito habang diretso lang sa daan ang tingin.
"Alam mo ang sama ng tabas ng dila mo" sabi ko pa rito. Aba ako pa raw bubusalan, eh siya naman nga ang sama rin ang lumalabas sa kaniyang bibig.
Pinagtaasan naman ako nito ng kilay dahil sa sinabi ko. So itinaas ko rin ang kilay ko.
Palag palag na ito. Di na ako natatakot rito, hindi ko rin alam kung bakit wala na akong nararamdamng takot rito, siguro dahil sa kanina. Nakuha ko na kasing murahin siya ng hindi ko naman sinasadya, gumaan ang pakiramdam ko after that.
"Alam mo ang taray mo" wika naman nito na na ikinataas lalo ng kilay ko.
Ako pa raw mataray? Siya ang daig pang merong dalaw na babae kung umasta.
"Alam mo ang sungit mo" ganti ko pa ulit rito.
Hindi ako papatalo rito aba.
Tumingin lang ito sakin saka umirap ng mata na siyang kinagulat ko.
Potangina. Umiirap pala ang lalaking ito? Gosh. Ang arte naman ng gwapong ito.
Nakita ako nitong napanganga at tulala dahil sa ginawa niyang pag irap sa akin kaya naman napangiti ito at sabing "Oh ano natahimik ka rin?"
At hindi naman siya nagkamali. Literal na napatahimik nga ako. Hindi ko naman ta inaasahan na magagawa niyang umirap ng ganun, irap na kasing taray ng mga bullies sa high school na teleserye na napapanood ko.
Hindi ko na lang ito pinansin at nauna ng maglakad. At ilang saglit lang nakarinig ako ng mahinang pagtawa.
Yung tawa na pang gwapo na pang macho ang peg. Gosh pati pagtawa pala may itsura na.
Gaga ko talaga, sari-sari na ang mga naiisip ko kapag siya talaga ang pinag uusapan.
Dahil sa tinawanan ako nito na ikinakilig ko ng bahagya, pakiramdam ko nagkaroon ako bigla ng hiya kaya naman hindi ko na ito magawang kausapin pa. Patuloy lang ako sa paglalakad at ramdam ko itong ganun rin ang ginagawa ko sa likuran. Walang imik pero pakiramdam ko pinagmamasdan ako nito, pakiramdam ko lang.
Nang matanaw ko na ang bahay namin ay hinarap ko ito. Ngumiti ako rito saka nagpaalam na mauuna na. Hindi ko na hinintay itong makapagsalita pa at basta na lang tumakbo papunta sa bahay.
Hindi ko alam bakit ginawa ko iyon, kaya naman pagkapasok na pagpasok sa bahay ay tinampal ko ang sarili ko sa katangahang ginagawa.
"Ginagawa mong loka-loka ka?"
Napalingon ako sa gilid ko at nakita si Halla na nakakunot ang noo sa akin.
"Wala may katangahan lang akong nagawa"
Napatango naman ito sa sagot ko.
"Hindi naman na bago yan, lagi ka namang tanga" at sinundan pa nito iyon ng pagtawa na ikinasimangot ko.
Walanghiyang babae ito, akala mo naman hindi rin nagiging tanga.
"Nagsalita ang hindi rin tanga. Huwag ako Halla" ganting sagot ko rito na ikinatawa naman lalo nito.
"Hindi ka talaga papatalo ano 'te?" natatawang tanong pa nito pero umoo na lamang ako at dumiretso na sa higaan namin dahil ngayon ko nararamdaman ang pagod sa trabaho kanina.
YOU ARE READING
The Oh So Famous Guy sa Laylayan ng Lipunan
RomansaAng storya kung saan inilalahad ang isang makatotohanan na buhay, karakter, kaugalian, pananaw at pagmamahalan ng dalawang tao sa kabila ng mahirap na pamumuhay at sa mga mata ng mapang husgang tao sa mundo na pinangungunahan ng mga nakakataas.