Her
"Hindi ko alam kung tanga ka ba o sadyang loka-loka ka talaga Katrina, para maging crush mo pa rin iyong si Felix kahit ugong na ang balita sa buong barangay kahit nga ata sa kabila pa na may shota na nga ito"
Napapikit na lamang ako sa naringgan ko sa panglawang pagkakataon.
Umaga-umaga pero parang gabi na ang sermon na ibinibigay sa akin ni Halla.
"Ano bang masama? Hindi ko naman aangkinin yung tao doon sa shota niya. Isa pa, makasermon ka naman riyan akala mo lalandiin ko harapan iyong si Felix. Kita mo nga na tamang tanaw lang ako, huwag mo ako igaya sa iyo na lantarang lumandi"
Nakatikim naman ako ng isang mahinang batok sa ulo ko na ikinasama ng timpla lalo ng araw ko.
Bukod sa napakatalas magsalita ng kaibigan kong ito, napakabigat rin ng kamay kahit kailan.
"Ang tawag roon malakas ang loob, na wala sayo gaga ka"
Umirap na lamang ako at naupo sa upuan namin at kumuha ng isang pirasong pandesal saka kinagat.
Gusto ko man may palaman ang pandesal para masarap ang umagahan ay binalewala ko na lamang. Wala naman akong ibang choice dahil ito lang ang nakahain sa lamesa, matumal ang bentahan ng kakanin kahapon.
"Nga pala iyong mga bata nag deliver ng tubig kanina, pinaalala iyong darating nating bayaran sa kanila. 50 pesos rin iyon, mayroon ka ba?"
Umupo rin ito sa katapat ko at itinaas pa ang dalawang paa sa bangkuan habang nahigop ng kape.
Umiling naman ako.
"Kita mong mahina benta kahapon ng kakanin eh, ikaw ba ay wala riyan?"
Umiling rin naman ito kaya napabuntong hininga na lamang ako.
Ito nanaman kami sa araw-araw na problema ng aming buhay. Tuwing darating kasi ang linggo ay kailangan namin magbayad sa tatlong batang iyon sa pagdeliver ng tubig na ginagamit namin ni Halla.
Nakakapagod kasi mag igib mula sa poso ay napakalayo pa naman niyon sa bahay namin. Kaya isa kami sa kumuha ng magdedeliver kahit na may kalakihan ang bayad, mabuti at natawaran pa namin at naging kada linggo ay 50 pesos na lamang ang babayaran namin.
"Eextra ako sa paglalaba mamaya roon kila Felix, hindi kasi pwede si Mirna at masama ang pakiramdam kaya sinalo ko na lang. Kung gusto mo pwedeng ikaw na lang, makatsansing ka manlang"
Tumawa pa ito ng pagkalakas kaya naman binato ko ito ng maliit na pandesal na sakto sa bunganga nitong nakabuka.
"Huwag na. Baka naroon pa shota niya eh, pagselosan pa ako"
Napatawa naman itong muli pero tinaasan pa ako ng kilay. Tinaasan ko rin ito ng kilay at inilagay ang palad ko sa baba ko at tinapik pa ito.
"Ganda oh" pagmamayabang ko pa.
Napatapik pa ito sa lamesa namin habang tumatawa na ikinatawa ko na lang rin. Napakababaw rin talaga nito.
"Pero hindi seryoso nga, huwag na. Ikaw na lang, may raket kasi ako mamaya kasama naman sila Beauty"
"Beauty? Iyong baklang Beauty?"
"Oo. Inakit ako sa raket niya, bale magseserve lang naman ng pagkain roon sa lomihan niya at siya lang raw doon ngayon"
Napatango pa ito.
Tinapos lang namin ang aming umagahan ng pandesal, kape at tubig ang laman at puros tawanan bago naligo ng madali at umalis ng kaniya-kaniya.
Ngayong araw na ito ay day off namin sa pagtitinda, hindi nagluluto ng kahit na anong pagkain iyong kinukuhaan namin dahil sa kailangan raw niya magpahinga minsan.
YOU ARE READING
The Oh So Famous Guy sa Laylayan ng Lipunan
RomantikAng storya kung saan inilalahad ang isang makatotohanan na buhay, karakter, kaugalian, pananaw at pagmamahalan ng dalawang tao sa kabila ng mahirap na pamumuhay at sa mga mata ng mapang husgang tao sa mundo na pinangungunahan ng mga nakakataas.