Her

Siraulo talaga yata itong si Felix. Matapos ako makausap, o kung pag uusap bang matatawag iyon dahil puros siya lang ang nagsalita.

Ni hindi ko magawang tapusin ang sasabihin ko kasi sisingit siya. Sa loob ng limang minuto, eksakto na limang minuto at nag timer pa ang gago, ganiyon ang nangyari sa amin.

"Aasahan ko na susunod ka" huli nitong sinabi bago tuluyang tumayo at umalis sa bahay.

Hindi rin nagtagal ay nakita ko na itong kasama ang kaibigan niyang si Julio papalabas, gayon rin si Pedro na nawala kanina.

"Hoy!"

"Ay potangina ka!"

Nakita ko si Halla na nagulat at napailing.

"Halla ano ba! Nagugulat ako sayo"

Pumasok na ako muli sa loob ng munti namang bahay at muling naupo sa upuan ko, ganiyon rin naman ang ginawa nito.

"Napakalutong ah. Nga pala, anong pinag usapan ninyo?"

Wala sa mood na tiningnan ko ito at isinampa na lamang ang dalawa kong paa sa upuan ko.

"Wala"

"Anong wala ka dyan? Sumilip ako kanina nung nakatalikod si Julio, kita ko na seryoso pinag uusapan ninyo"

Napairap naman ako ng mata sa narinig ko. Sumilip raw. Ang babaeng ito talaga kahit kailan ay isang marites.

"Siya lang naman ang seryoso" banggit ko na lamang at saka kumagat sa pandesal na walang palaman.

Masarap sana ito kung may lady's choice manlang kami, kaso wala. Pati iyon kasi mahal na rin.

"At ikaw? Hindi ka seryoso?" napalingon ako rito na binubuklat ang loob ng pandesal.

Akala mo naman may maipapalaman.

"Wala tayong palaman" sabi ko pa.

"Alam ko" tugon nito habang patuloy sa ginagawa, inulit pa nga ang ginagawa niya sa iba pang pandesal.

"Bakit mo ginaganiyan ang pandesal? Para kang tanga"

"Para kunware may palaman ng ganahan naman ako kumain, napaka nega mo kahit kailan"

Napailing na lang ako sa kabaliwan na naisip ng kaibigan kong ito.

"So ano nga? Anong nangyari sa pag uusap ninyo?"

"Wala. Sabi lang niya napaka marites mo raw"

Natawa naman ito ngunit sumang ayon rin.

"Siyang tunay" sinundan pa nito iyon ng kaniyang tawa kaya napangiti na lang rin ako.

Matapos ang tawanan habang kumakain ng umagahan ay gumayak na ako.

Naligo ako na pilit pinagkasya ang kaunting sabon sa aking buong katawan, ang paborito naming sabon ni Halla. Iyong bioderm na kulay green dahil mabango, tipid rin dahil bukod sa malaki ito ay hindi nalalayo ang presyo sa safeguard na pagkaliit.

Ang natitirang isang sachet ng palmolive na kulay green ay aking pinagkasya para sa dalawang tao.

Matapos makaligo at makapagbihis ay nag sipiliyo na ako na tipid rin ang toothpaste, para umabot pa ng ilang araw.

"Aga mo naman, saan ka papunta?"

Nagsusuklay na ako ng aking buhok niyan ng tanungin ako ni Halla.

"Trabaho" simpleng sagot ko dahil nakikipag bunong braso pa ako sa buhok ko dahil ang ganit, kulang sa shampoo.

The Oh So Famous Guy sa Laylayan ng LipunanWhere stories live. Discover now