Her
"Seryoso ka talaga rito?" tanong ko pa kay Felix ng makarating na kami sa sinasabi nitong trabaho.
Tumango ito at nagsimula ng maglagay ng apron sa kaniyang katawan habang iniwan akong nakatunganga sa may pintuan.
Nakatitig lang ako sa ginagawa nito hanggang sa matapos ayusin ang kaniyang suot, hindi naman siya nakahubad o ano pa man pero bumagay ang apron na suot niya sa kaniya.
Nakasando lamang kasi ito ngayon at mukhang ayaw pagpawisan ang kaniyang tshirt na suot kanina, kaya kitang kita ang muscle nito sa katawan.
Napakalapad ng balikat niya at kita ko mula sa pwesto ko rito ang umbok-umbok na muscle sa kaniyang braso. Dagdag pogi appeal pa at ang puti nito tapos naka apron.
Ako na nagsasabi. Maraming bibili rito panigurado. Ganito ba naman kagwapo mag iihaw ng bibilhin mo, sigurado dadamihan mo na. Libre manyak sa tingin sa biceps nito eh.
"Ano pang tinutunganga mo dyan? Igayak mo na ang mga paninda dahil mamaya lang bukas na ito. Makakagalitan ka ni Aling Cynthia sa ginagawa mo"
Nabalik ako sa wisyo ng magsalita ako. Kaya naman kahit hindi ko sigurado kung tama ba ang gagawin ko ay wala na akong pakialam, basta makakilos na ako at pakiramdam ko napakalaking kahihiyan nun sa akin.
Mahuli ba naman akong nakatingin sa kaniya sobra. Palagay ko kita niyang pinagkakatitigan ko katawan niya eh. Baka mapagkamalan pa akong manyak yano iyan.
Akala mo naman talaga hindi niya minamanyak si Felix sa isip niya.
Inisa-isa ko na ilagay ang mga paninda sa ihaw at matapos ay inayos ang mga gagamitin. Tumulong na rin ako sa paglalabas ng mga lamesa at bangko para mas mabilis matapos.
"Felix hindi ako magaling sa math" untag ko rito ng makalapit ng bahagya.
"May calculator Katrina"
"Alam ko at kita ko. Kaya lang baka kasi malito ako mamaya kapag marami ng tao. Mamaya sobra maibigay ko na sukli o kaya naman kulang sa pagkataranta. Hindi ako bagay rito"
Narinig ko itong bumuntong hininga at nilingon ako.
"Anong gusto mo? Waitress?" tanong nito pero pagalit ang tono.
Ano bang masama sa waitress? Nakita ko ang isang waitress kanina, nakausap ko ito at nalaman ko na kulang pala ng isa at nag back out na yung kahapon.
Gusto ko ang position na iyon. Bukod sa di ako mahihirapan mag isip ng mga numero ay cute ang suot nila.
Simple lang naman. Isang itim na pantalon at white tshirt na may apron rin, sakto sa suot ko. Naiba lang ang pang itaas at nakamaluwang na tshirt ako na kulay gray.
Wala na kasi akong masuot kaya ito na lang.
"Bakit hindi? Maayos naman itsura nung isang waitress rito. Isa pa mas madali iyon kesa doon magkwenta kwenta ng pera. Mamaya magkulang mayare pa ako. Dito na lang ako. Maga serve lang ng pagkain tas punas punas ng lamesa ganun"
Nakita ko ang hindi nito pag sang ayon sa sinabi ko sa pagkunot nito ng malala sa noo niya.
"Alam mo bang hanggang alas dose tayo rito ng madaling araw? Dayuhin ito ng manginginom"
"Oh eh ano naman? Sadya naman na ganun at ihawan ari. Mukhang sikat na ihawan naman ari rito, tsaka malay mo magbigay ng tip diba? Edi jackpot ako"
Ngiti ko pa rito pero ito ay nanatiling galit ang itsura.
"Bahala ka sa buhay mo" tinalikuran na ako nito matapos at bumalik sa pwesto niya.
Nagkibit balikat na lang ako at kinausap ang babaeng waitress kanina.
YOU ARE READING
The Oh So Famous Guy sa Laylayan ng Lipunan
RomanceAng storya kung saan inilalahad ang isang makatotohanan na buhay, karakter, kaugalian, pananaw at pagmamahalan ng dalawang tao sa kabila ng mahirap na pamumuhay at sa mga mata ng mapang husgang tao sa mundo na pinangungunahan ng mga nakakataas.