2

12 4 0
                                    

Her

Pilit kong tinatanaw mula sa maliit naming bintana ang labas kung mayroon bang tao o wala na. Pero wala akong nakikita, dahil siguro gabi na nga.

"Kanina ka pa dungaw ng dungaw riyan sa bintana. Ano bang sinisilip mo?"

Napalingon naman ako sa kaibigan kong kakatapos lang magsipilyo at basa pa ang buong mukha.

Inabutan ko ito ng towel namin at saka muling sumilip sa bintana.

Sinisiguro ko lang kung wala nga ba si Felix, ayoko mayari rito kapag nahuling nasa labas pa.

Dalawang araw na ang lumipas mula ng gabing iyon sa eskinita at masasabi kong ayoko na dumaan pa doon kailanman.

Nabanggit ko naman ito kay Halla kaya ngiting-ngiti ang kaibigan ko, pero hindi ko naman na kinuwento ang buong pangyayari. Ang alam niya lamang ay nagkita kami ni Felix sa eskinita ng gabing iyon.

"Wala iniisip ko lang kung uulan ba, baka sa kalagitnaan ng tulog natin ay umulan. Alam mo naman na pati sa loob ng bahay natin naulan eh"

Narinig ko itong natawa at sumang ayon pa.

"Pero hindi naman ata uulan ngayon, maraming stars ngayon sa labas. Tara na matulog, antok na ako"

Siniraduhan ko na lang ang maliit at kahoy na bintana namin saka sumunod sa kwarto namin.

Dahil nga maliit lang naman ang kwarto namin, lalo naman ang kama na sakto lang sa aming dalawa ni Halla. Magkayakap kami nito matulog kung kadalasan para makatipid sa space, pero minsan naman ay basta makahiga lamang.

Katulad ngayon at pareho kaming pagod sa pagtitinda ng tinapay buong araw.

"Alam mo naisip ko lang Halla, ilang taon na tayong ganito"

Hindi ko man ito lingunin ngunit ramdam kong tumango ito.

"Naisip ko lang, ano kaya kung mag ipon tayo at makapangibang bansa? Katulad ng may ari ng kama na ito, tingnan mo at makalipas ang dalawang taon nakabalik na agad siya at mas asensado na"

Napabangon naman ito sa pagkakahiga at napatingin sa akin.

"Sinasabi mo bang gusto mo magpuntang ibang bansa at iiwan ako rito mag isa?"

"Gusto ko lang sana subukan, wala namang masama hindi ba? Isa pa alam kong kayang-kaya mo ang sarili mo, gusto ko lang makaahon na tayo sa kahirapan na ito"

At gusto ko rin sana na huwag na tayo maliitin pa ng sino man, at tingnan ng napakababa, gusto ko pa sanang idagdag pero tinikom ko na lang ang bibig ko.

"Pero bakit naman sa ibang bansa pa? Napakalayo naman niyon sobra, isa pa hindi kita makakausap"

Napangiti naman ako ng sumimangot ito. Halatang ayaw na rin nitong mawalay pa sa akin.

"Ayaw mo ba ako umalis?"

Napairap naman ito pero sumagot ng oo na ikinangiti ko.

"Sige na hindi na, mahirap rin naman makaalis ng bansa at malaking pera ang gagamitin. Maghanap na lang tayo ng trabaho, ano sa palagay mo?"

Napangiti ito at tumango.

"Mas magandang idea. Halika matulog na tayo"

Natulog kaming dalawa na magkayakap sa isa't-isa at nagising sa ingay ng kapit bahay.

May nag aaway lang naman na mag asawa sa katabi namin, habang sa isa namang tabi ay may umiiyak na bata.

Ganito ang bubungad sa iyo sa araw-araw, kasakit sa ulo at tengga.

The Oh So Famous Guy sa Laylayan ng LipunanWhere stories live. Discover now