Alice's POV
"Nakoo! Ayan na nga bang-- Wala na tayong upuan" I groaned habang palibot libot yung mata ko to find chairs.
Kani-kanina pa kami nakatayo. Nakakangalay na din.
"Haaaay! Wala na nga talagang seats. Tumayo nalang tayo." naiiritang sabi ni Mj.
"Oo nga eh. Gumi---
Napatigil ako nung biglang may nagsalita.
"Excuse me, are you guys looking for a seat?" Sabi nung cute na guy.
Sa tono ng pananalita niya. Parang i-ooffer niya yung seat niya for us. Kung hindi ako nagkakamali, siya yung bokalista/gitarista ng the knighthoodies. Sikat na band yun dito sa DPU.
"Ayy sakto! Inuugat na kami dito faf--"
Tinakpan ko nga yung bibig nitong si Mj, di siya nahihiya eh.
Ngumiti yung guy.
(^/////^)
Ang cute niyaaaaaa!
"If you want, I can give you my seat."
Ibig sabihin isang seat lang ang mai-ooffer niya, ehh, di naman kami kasya dun.
"Ah, no thanks! Gusto kasi namin magkakasama kami eh." tinatansya ni Monika kung i-iinsist talaga nung guy.
"Ahh ganun ba, I can tell my friends na kami nalang yung tumayo tutal kanina pa kami nakaupo. Right there!" the guy insisted sabay turo dun sa seat.
"Ahhh, hindi na nakakahiya sa in---
Di ko na natuloy bigla kaming hinatak ni Mj papunta dun.
"Alam niyo gals, wag na kayong maginarte. Di pinapalagpas yung mga ganyang pagkakataon. Hulog ng langit yan" sabi ni Mj habang hinahatak kami.
Yung 'gals' pinasosyal na girls yun.
Nakita kong nagsmile ulit yung cute na guy at sumunod siya sa likod namin.
"Dude, dun nalang tayo. Kanina pa sila nakatayo" then he pointed his thumb to us. "Paupuin natin sila."
Tinignan lang kami nung dalawang friends niya ata then tumayo na sila.
Ang bait naman nila. Umupo na kami and dun ko lang narealize na nakitingin samin yung group of girls sa kabilang gilid. Sila siguro yung fan nung the knighthoodies.
"Thanks fafas" ngiting ngiting sabi ni Mj.
"Huuy!" siniko ko nga si Mj.
Ngumiti yung cute na guy and said "No it's okay."
"Salamat!" Nagkasabay pa kami ni Monika magsalita.
Lumayo na sila at tumayo na sa gilid.
"Luh siya! Yung isa diyan, pakipot pa."
pangaasar sakin ni Monika."Nakakahiya naman talaga." sagot ko kay Monika while looking at the stage.
"Gals, if I'm not mistaken, si fafa na nagooffer ng seats ay yung bokalista/gitarista ng the knighthoodies." sabi ni Mj.
Ahhh, tama nga ako siya nga yung sa band.
"Yup you're right! Pero narinig ko sa tsismisan ng ibang student dito sa campus na umalis na siya dun sa band." sagot ni Monika.
Magrereact sana ako nang biglang may nagsalita sa stage. Nagstart na yung orientation.
***Few moments later***
Natapos na yung program. At pinapunta na kami sa section namin. Magkakaklase nga pala kami nila Mj at Monik.
First section kami at pinakilala na yung adviser namin.
"Grabeee! Parang terror yung adviser natin noh?" Mj whispered habang nagaayos kami ng gamit sa locker.
Nalaman na kasi namin kung sino yung class adviser namin. Si Ms. Reyes nga pala ang adviser namin.
"At first, mukha lang siyang terror, pero parang hindi naman. Siguro mabait naman sya." I reply while closing my locker.
Yung ibang mga students hindi dumiretso sa room nila kahit sinabing pumunta na. Well, di naman kasi regular ngayon.
"True! and malumanay naman yung boses ni Ms. Reyes di tulad nung adviser ko last year, HALIMAW! Dami daming requirements. Akala mo naman nagtuturo." sabat ni Monik na naka-rest yung back niya sa locker.
Sabagay, may mga teacher talaga na maraming requirements kahit di naman masyadong nagtuturo. Relate ba kayoo?
Nung natapos na kami kinuha ni Mj yung phone niya sa bag niya sabay sabing...
"Gals! Selfieeeeee."
***flash***
We smiled. After all, si Mj pa rin ang selfie queen este king, ayy! queen pala ewan ang labo. And we decided na mag libut libot dito sa DPU kahit kabisado nanamin 'tong place.
Sa laki ba naman ng school, marami talagang secret places dito. Kaya it's time for some exploration.
***Libot libot***
We bought some drinks and napadaan kami sa rehearsal room.
"My gooosh!!! Mabibingi tayo dito. Ang lakas ng music." Mj shouted while covering his left ear.
We saw three boys dancing.
"Gals, diba yun si Terrence? The cute guys who offered their seats to us."
"Oo nga no! Sumasayaw na pala siya." I shouted Monik.
Nilalakasan na namin yung boses namin, dahil malakas din yung music.
Napansin kong kasama niya yung dalawa pang guy who gave us the seats.Naglakad na kami palayo nung biglang namatay yung music. Out of nowhere may biglang sumigaw.
"Hey!"
We looked at our back and saw Terrence. Lumapit pa siya samin.
"Uhh, you guys still remember me?" he asked, catching his breath.
"Ofcourse fafa. Ikaw pa ba?" Mj murmur in a seducing sound.
Ano ba 'to? Ako na nahihiya para kay Mj. Sheeez! (^////^)
"By the way, I'm Terrence you can call me Rence. And you are??" he lend his hand to me.
Bigla namang umeksena si Monik at hinarangan ako.
"I'm Monik" then shake their hands.
"Fafa Rence, I'm Mj. Call me" nag-sign ng telephone sa kamay si Mj sabay open ng mouth and then wink. ;O
My gosh! nangseseduce talaga itong si Mj. But Rence still manage to smile. He's nice.
"You are???" inoffer niya sakin yung kamay niya.
And ofcourse, nagshake hands kami. I smile and say.
"I'm Alicia. You can call me Alice. Nice meeting you."
He smiled back.
Geez! Ang cuuuteee niya ngaaaa.
"Alice? Beautiful name." he whispered.
Parang may sinabi siya, di ko lang narinig.
"What?" I asked.
"Reeeenceeeee!!!!" may tumawag sa kanya.
"I gotta go. Nice meeting you all guys." he wave his hand and lumayo na.
Naglakad na kami and naiwan si Mj. Nastar struck na ata.
"Uyy, gals wait for me!"
"Ang bagal mo kaya." Monik teased.