START:
"O? Ang aga aga nakasimangot kana naman diyan." Sabi ng bestfriend kong si Keila.
Sumimangot pa ako lalo. Sino ba naman kasing hindi sisimangot, kung ang aga aga yung taong pinaka-kinaiinisan mo pa ang bubungad sayo?! Kaasar lang.
"Hmp! May panira kasi ng araw eh! Feeling niya ang gwapo gwapo niya. Tsss."
Sige ako na talaga bitter. Psh. Bakit totoo naman ah?
"Hay nako Samantha Nicole. Tigil-tigilan mo nga yang ka-bitteran mo. If I know crush mo rin naman yang si Jay." Sabay sundot niya pa sa tagiliran ko.
ANO?! Napatingin ulit ako dun sa pwesto nung Jay na yon na napapaligiran ng mga babaeng nagpapa-picture.
Yang lalaking yan crush ko?! NO WAY! Tsss. Masyado siyang feeling 'no! Feeling niya siya na ang pinaka-gwapo sa buong mundo. Bwisit!
Sinamaan ko nga ng tingin si Keila. "Hay nako ves! Kilabutan ka nga diyan sa pinagsasabi mo! Kadiri ka ha. Never akong magkakagusto diyan sa mayabang na yan 'no! Ang pangit pangit naman niya!" Sabay irap dun sa lalaking yon kahit hindi naman siya nakatingin.
But to my surprise tinawanan lang ako nitong si Keila. Napabaling na naman tuloy ako sa kanya. Is she really my best friend?! Argh!
"Tinatawa tawa mo diyan?" Pagsusungit ko sa kanya.
"Hahahaha! Ang bitter mo kasi ves. Ikaw lang nagsasabi na pangit si Jay. Ang gwapo gwapo kaya niya. Tingnan mo nga sa sobrang gwapo niya para na siyang celebrity! Daming nagpapa-picture." Kinikilig-kilig pang turan niya.
Inirapan ko siya. "Eh kasi pa-famous siya! Akala mo ba friendly yan? Hindi 'no! Kunwari lang yang mga ngiti niyang ganyan para maging famous siya." Sagot ko pa.
"Grabe ka naman ves. Mukha naman talagang friendly si Jay ah. Sus! Baka naman kaya ka lang naiinis sa kanya kasi halos lahat close niya samantalang ikaw hindi niya napapansin. Yieeee selos lang yan ves!" Pang-aasar pa niya lalo sakin sabay tawa ng malakas.
Napatigil ako. Totoo ba yon? Ganon nga ba talaga yung nararamdaman ko kaya ako naiinis sa kanya? Wala naman siyang nagawa saking masama pero bakit nga ba ako galit na galit sa kanya? Selos nga lang ba talaga 'to kasi hindi niya ako pinapansin?
No way! Bakit naman ako magseselos, aber? Hindi ko naman siya gusto ano!
Actually alam ko namang kilala niya ako kasi kasama ako nung isa ko pang bestfriend na si Shara nung time na nagpakilala ito kay Jay.
May crush kasi Shara kay Jay dati. As in super crush kaya lagi niya itong pinapansin.
Akala ko nung una mabait at friendly si Jay kasi kahit ako nginingitian niya kapag kasama ko si Shara pero simula nung lumipat na ng school si Shara dun ko nalaman na pangit pala ang ugali niya.
Napabalik ang pag-iisip ko ng banggain ni Keila yung balikat ko. "I knew it! Silence means yes. Crush mo nga talaga si Jay-- Hmmpff!" Tinakpan ko agad yung bibig ni Keila. Isigaw ba naman yon?! Haysss! Napatingin ako dun sa direksyon ni Jay.
Nakahinga ako ng maluwag. Hindi niya naman siguro narinig diba? Diba?!
I look dangerously at her, bago ko dahan dahang inalis yung kamay ko sa bibig niya. Nag-peace sign lang siya.
Sinamaan ko siya lalo ng tingin. Saka ko siya hinila na palayo. "Kailangan talaga isigaw?! Besides how many times do I need to tell you na wala. akong. gusto. sa.kanya! Wala! As in wala!" Singhal ko ng makalayo na kami.
She raised her hands in defeat. "Edi wala. Easy." Sabay ngisi. Hayy nako. Pano ko ba talaga naging best friend 'tong babaeng 'to?
Pumunta na kami sa classroom namin but to my disappointment halos puro pangalan na naman niya ang bukambibig ng mga classmates ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/39283540-288-k112591.jpg)