Chapter 27: Greatest Downfall

242 7 1
                                    

A/N: So ayan, nag update na ako. *O* Ansaya kasi nag number 1 si Kuya MarcoJose sa romance genre. Congrats po Idol! ^_^ Enjoy!

PS: Excited narin ako sa 3rd generation ng COnsunji that's why I'll dedicte this chapter to her. :)

Chapter 27: Greatest Downfall

YNA's POV

I immediately went to my their house to check if Jun was there. Sinabi naman ng katulong nila na nandoon raw siya sa kwarto niya. Palagi raw itong nagkukulong at hindi lumalabas. Si mommy naman, Jun's mother ay nasa ibang bansa checking their business.

Pumunta na ako dun sa kwarto niya. Alam ko ito dahil tumira naman ako ditto noong kakikilala pa lamang namin ni Jun.

Naaalala ko pa yung mga panahon na yun...

Yung mga pantitrip niya sa akin para lamang mainis ako.

Yung paglagay niya ng kahon na may palaka sa harap ng kwartong tinutuluyan ko... At yung pagdedeny niya. Yung palagian niyang pambubwisit sa akin sa boutique. Those were the moments I'd love to remember. Sa mga panahong iyon, mukhang nainlove na yata ako sakanya kaso in denial lang ako. Sa likod ng maraming pang aalaska at pang-iinis niya sa akin napamahal na pala ako sakanya. Grabe, ngayon ko lang naramdaman. Nakakatawa. Ganun ba talaga? Hindi ko namalayan na naiiyak na naman ako. Ano ba to. Grabe na. Kailangan ko ng saihin na mahal ko siya. Oo, tama. Sasabihin ko na kahit pa hindi niya ako mahal. Mas gugustuhin kong umamin nalang kesa sa pagsisihan ko ito sa bandang huli.

Yes, tama mahal ko si Jun Isagani Third Valdez.

Kakatok na sana ako sa kanyang pinto ng may marinig ako.

"Jun I'm pregnant. Anak mo ito."

"B-but how?"

Boses ni Jun yung isa pero hindi ko malaman kung sino pa yung isa pero alam kong babae siya. Pero parang narinig ko na ang boses na iyon.

The woman is pregnant. Shit. Naiiyak nanaman ako. No I need to be strong. Ipinagpatuloy ko ang pakikinig hanggang sa nagimbal ang mundo ko sa mga sunod na narinig ko.

"Do you remember two weeks ago? Tinext mo ako na pumunta sa bar kasi nandun ka. Sumunod ako tapos dahil lasing na lasing ka na iniuwi kita sa condo mo. Then you told me you love me and make love to me. I love you Jun alam mo iyan kaya pumayag ako. Kaya Jun, gusto kong panagutan mo ang magigng anak natin. I don't want this child in my womb to grow up without his or her father. Magagalit ang daddy ko kapag nalaman niyang nabuntis ako ng hindi pa naikakasal. At alam mo ang pakiramdam na mabuhay na walang tatay right? Just like me, wala na rin si mommy. Mahirap Jun so I want you to marry me. Yes marry me."

Hindi ko na kinaya ang sinabi ng babaeng yun. Kung sino man siya.

Agad akong umalis sa bahay nila at nagdrive. Nagdrive lang ako ng drive. Hindi ko alam kung saan na ako papunta. Wala akong direksiyon ngayon basta ang alam ko lang gusto kong magpakalayo-layo muna. I don't know what to do this time. Ang sakit.Pinagtaksilan niya ako. Ngayon pa na mahal na mahal ko na siya.

Nakalabas na ako ng Maynila kasi nadaanan ko narin ang NLEX. I need to be alone this time. Masyado pang masakit. As in masakit na masakit. Ang sakit sakit sana pala hindi ko nalang siya minahal. Damn!

"I hate you JUN! I hate you! Shi- Ahhhhhhhhhh!" sigaw ko nang biglang may dumaang sasakyan na parang wala sa control and the next thing I knew tumilapon ako sa sasakyan ko and everything went blurry.

MY RETARDED HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon