CHAPTER 38: Truth and Surprises

179 4 1
                                    


A/N: Hi. Thank you for making this far!

CHAPTER 38: Truth and Surprises

JUN's POV

"Yna, this man in front of you is your...husband."

Agad napatakip ng bibig si Yna matapos ang rebelasyong sinabi ko. May naaalala siya. Naalala niya ako. Pero hindi pa iyon sapat para bumalik siya sa akin.

"H-how?" nanginging na sabi niya. Pareho na kaming umiiyak ngayon. Yes. I am crying because I feel so overwhelmed. Konti nalang at babalik na siya sa akin.

Nalaman ko ang rason kung bakit naaksidente si Yna. Pinagtagpi tagpi ko lahat ng mga alaala ko at pati narin ang mga sinabi ng mga kaibigan naming ni Yna. Nagalit ako kay Kelly. Yes, she's the reason. Nalaman ko iyon sa mga kaibigan namin. I almost killed that woman pero naalala kong hindi ako maaaring pumatay ng tao. I don't want to be a murderer. Ipinatapon ko siya sa ibang bansa. Sa malayong malayo para hindi na siya makauwi dito sa Pilipinas. I even pulled out all my stocks in their company para agaran itong bumagsak. Kulang pa iyon kumpara sa mga sinapit naming dalawa. Ikinuwento ko lahat-lahat kay Yna. Walang labis, walang kulang. Mula sa una naming pagtatagpo.

Iyak parin siya ng iyak. Pati ako ay umiiyak rin. Hinawakan ko ang kamay niya at hinalikan ito. Hindi naman niya ito binawi kaya nanatiling magkahawak ang kamay namin.

"Yna, please come back to me. I... I need you. I've been longing for you. Ilang taon kang nawala. Ang akala ng lahat ay patay ka na. Pero hindi ako naniwala. I know deep inside me that you're alive and now you're here. Please come back honey. I want you and our son." Pagsusumamo ko. I want her back with my son.

"Pero paano? Paano si Chris? I can't just leave him. We-we're engaged." Sagot nito.

"But you are still married to me. And you will remain married to me forever and always." Tugon ko. Umiiyak parin siya. "Alam kong magiging mahirap to pero maghihintay ako. Yna, hihintayin kita kahit gaano katagal pero pangako mo na ako lang at walang iba. Walang Chris o kahit na anong lalaki. If you cannot decide now, I will wait. Hindi kita pipilitin Yna that's how much I love you honey."

Pakakawalan ko muna siya ngayon para makapag isip isip. Alam kong nabibigla pa siya pero sisiguraduhin kong sa akin siya uuwi. Maybe not now pero I can feel it. Mahal parin ako ni Yna. I can sense and I can see it in her eyes. I know that there's a feeling of longingness within her pero kung hindi pa niya kaya ngayon ay hindi ko siya pipilitin. Pero sa oras na magdesisyon siyang umuwi sa akin, I will never ever think twice. I will accept her with our son. That's how much I love her. Sana hindi nalang ako nagbulag bulagan sa feelings ko sakanya pero huli na para magsisi. What's good now is that she's here, alive. Panatag na ang puso't isipan ko.

YNA's POV

It's been exactly 150 days since we parted ways. And yes, naalala ko na lahat-lahat. Nakatulong ng malaki ang pagkukuwento niya sa akin sa pag-alala ko sa mga nangyari sa akin bago ang aksidente. It's been freaking 150 days and I miss him. Sa loob ng mga araw na hindi kami nagkita ni Jun ay inayos ko ang lahat-lahat. Sa trabaho at pati narin ang pagsasabi ko kay Chris ng detalye at ang mga naalala ko. I also told him about Jun at mukhang matagal na niyang alam pero hindi niya sinabi sa akin. Nagkasagutan kami pero agad din naman naming naayos. And yes, we broke up. Inaamin kong nasaktan ako para kay Chris and at the same time ay naaawa rin pero wala akong magagawa. I need to face the reality. Hindi ito ang buhay ko. There's a life out there. Iba ang buhay ko kumpara rito at may isang lalaking naghihintay sa pagbabalik ko. Muling sumibol ang damdamin ko para kay Jun. Hindi mali... natulog lang ito at nang makaalala na ako ay nagising muli ang damdamin ko para sakanya. Sinabi ko na rink ay Race na malapit na niyang makilala ang tunay niyang ama. He's so excited about it. Palagi niya iyon tinatanong sa akin kung kelan ko daw ba siya makikita. Kung kamukha daw ba niya ang daddy niya. I laughed every time he asked those questions. Gustong-gusto na niyang makita ang ama niya. "Soon baby. Malapit mo na siyang makita. Just be patient okay? Mom loves you very much." Sagot ko sa anak ko.

Bukas ay kaarawan na ni Race. Nagdinner kaming mag-ina sa bahay at inimbitahan naming si Chris. We're still in good terms dahil mabuti naman kasi siyang kaibigan. Race is so happy dahil sa cake na binake ko at pati narin sa laruang sasakyan na binili ni Chris para sakanya. Chris spoils my son kaya minsan ay pinapagalitan ko ito. Ayaw kong masanay siya pero he keep on insisting it.

"Mom I want to see may Daddy already." Sabi ni Race habang nasa kama na kaming dalawa. Katabi ko siyang matutulog ngayon.

"Will you give him as my gift tomorrow my?" natawa naman ako sa hinihingi ng anak ko. Kung alam lang nito. Bukas ay luluwas kaming mag-ina. Ihahatid kami ni Chris. Sa una ay ayaw ko pa sana kaso nagpumilit siya kaya in the end wala din naman akong nagawa.

On our way, medyo kinakabahan na ako pero I know God is with me. Tulog si Race buong biyahe. Maaga kasi kaming umalis at medyo inaantok pa ang anak ko. Sigurado akong masosorpresa siya sa ipapakita ko sakanya. Masosorpresa silang mag ama.

Alas dies na ng umaga nang makarating kami sa lungsod. Gising na gising na ang anak ko at tuwang-tuwa sa mga naglalakihang buildings at pati narin sa mga sasakyang nakikita niya.

"Wow mommy! Cars!" Masayang masaya siya at pati ako'y natatawa narin sa reaksyon niya. Pagkadating naming sa isang village ay agad sumibol ang kaba sa dibdib ko. Papunta kami sa bahay ni Jun. Kay Chris ko nalaman ang address niya at maraming salamat na rin dahil sinamahan niya kami ni Race.

"Mommy I want to live here. The place is beautiful." Saad ng anak ko. Tumingin tingin ako sa mga bahay na aming nakikita at totoo nga. This is an exclusive village. Ang gaganda ng mga bahay at halatang lahat ay puro mayayaman.

"We're here." Tumigil ang sasakyan namin sa tapat ng isang malaking mansiyon. Ito yata ang pinakamalaking bahay rito kumpara sa mga nakita namin.

"Mommy this house is so big. I want to play inside." Nagtatalon talong sabi ng anak ko habang inaayos ko siya pati narin ang sarili ko bago kami bumaba. Kaming dalawa lang ni Race ang papasok dahil kailangan na ni Chris umuwi ulit dahil Nagka aberya daw sa site. Agad naman akong humingi ng pasensya dahil nakaabala pa yata kami ng anak ko. "Ano ka ba Yna. Wala ito. Anything for the two of you. I am glad that finally you will have the happiness you deserve. I wish you luck." Saad nito. "Maraming salamat Chris. I don't know how I am going to repay you sa lahat ng itinulong mo sa aming mag-ina. Swerte ang babaeng mamahalin mo because you are already a complete package. Maraming salamat talaga."

Nagpaalam na kami sa isa't isa at tinahak na niya ang daan pauwi. Ako naman ay huminga ng malalim bago magdoorbell. Alam kong nandito si Jun kasi Sabado ngayon at alam kong hindi siya papasok sa opisina ayon kay Chris dahil tinanong nito sakanyang sekretarya ang schedule nito.

Bumukas ang gate at ang kasambahay nito ang bumungad sa amin. Nagulat ang kasambahay at parang nakakita ng isang multo. Naalala ko siya. Siya si Nanay Lydia. Siya ang naging yaya ko simula noong bata pa ako. Naluluha siyang tumingin sa akin.

"Yna ikaw ba yan anak?" lumapit siya sa akin at hinaplos ang mukha ko. Naluluha narin ako.

"Opo. Ako po 'to nay." Sagot ko. "Hindi ako makapaniwalang nandito ka na anak. Ang akala naming ay patay ka na. Paanong..." agad kong pinutol ang sasabihin niya at sinabing ikukwento ko lahat sakanya mamaya. Tinanong ko si Nanay Lydia kung nasaan si Jun at habang pumapasok kami sa loob ng mansiyon ay hindi ko maiwasang kabahan. Tinanong din ni Nanay Lydia kung sino ang batang kasama ko at sinabi kong siya'y anak ko. Nagulat si Nanay ngunit sumilay ang ngiti sakanyang labi ng mapagtantong kamukha ni Jun si Race.

Natutulog pa raw si Jun dahil nag overtime daw ito sa trabaho niya. Sinabi ni Nanay na gigisingin niya si Jun ngunit inunahan ko na at sinabing kami nalang ng anak ko ang gigising sakanya. Ngumiti si Nanay Lydia sa akin at nagpaalam na para maghanda ng meryenda.

Pumanhik kami ni Race sa ikalawang palapag at agad naman naming nahanap ang kwarto ni Jun. Pinihit ko ang seradura ng pintuan at bumungad sa aming mag-ina ang aking asawa na mahimbing na natutulog sakanyang kwarto.

ttps:/@A

MY RETARDED HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon