Chapter 12-I'll Do Anything

72 5 0
                                    

Mas naging malalim pa ang pagiging magkaibigan namin ni Kyle simula nung nag usap kami last week. Mabilis nagdaan ang mga araw at patuloy parin sa pagdadown sakin sila Kiana. Patuloy parin sya sa pamamahiya sakin. Sa kabilang banda, naiintindihan ko kung bakit ganun sakin si Kiana. Marahil sa kadahilanang nag merge ang companies ng mga parents namin. Siguro mas papahabain ko nalang ang pasensya ko sakanila. Sabi nga sa kantang Breakaway,

~I spread my wings and I learn how to fly

~I do what it takes, na na na nanana....

Nakalimutan ko na yung lyrics eh, basta yun! Breakaway lang sa mga Bitter sa pagiging mataba ko. Speaking of Kyle Alvarez. Ewan ko ba parang nafafall na yata ako dun. Nauutal ako sa tuwing nakakausap ko sya. Napapatulala, Natatae at minsan naiihi pag may nakakakilig syang mga sinasabi. Yung feeling na ganun! First time ko lang maramdaman yun.Di ko ma intindihan tong nararamdaman ko dahil siguro sa humahanga ako sakanya. Pero, ayaw ko mag assume mahirap na mafall ng tuluyan baka kasi di nya ako mabuhat. Charot. Bukod kasi kay Dad, sya lang yung nagsabi sakin na, Don't mind those people who insult you. In other term, Forgive and Forget lang ang peg.

"Hoy Ven, launch na tara baba na tayo baka maunahan pa tayo sa mga upuan sa cafeteria." Ang pag aaya sakin ni Cyra.

"Sige Besty nagugutom narin ako eh. Wait lang Bes, napansin mo ba si Kyle?" Ang tanong ko sa Bestfriend kong nangungulangot at ipinahid nya naman ang kulangot nya sa ilalim ng armchair ko. Ang dugyot lang.

"Hay nako girl, about sa nagugutom ka always naman yan. At tungkol kay Boylet x crush mo, hindi ko alam."

"Hoy anong pinagsasabi mo? Mamaya may makarinig sayo." Ang sita ko rito. Buti nalang at halos palabas na ang mga classmates namin.

"Achuchuchu. I know naman Bes, you're inlove na kay Pafa Kyle. Amin amin na te pag may time."

"Ang jeje mo talaga Cyra. Oo hinahangaan ko lang sya. Yun lang!" Ang pag didipensa ko sakanya.

"Aaaaaahhhhh! Sabi na nga eh! Pa hard pa ang mataba!" Ang pagsigaw nya habang niyuyug pa ako.

"Sira ka talaga! Tara na nga!" Ang nasabi ko nalang.

Papunta na kami sa cafeteria. Kasalukuyan kaming pababa sa lobby nang makita namin ang nakapaskil sa Bulletin Board. About ito sa pag aaudition sa Glee club or Choir club nang school. Mag uumpisa ang audition tommorow ng 3 pm onwards. Hindi naman sa pag mamalaki kahit malaki na ako. May kagandahan din akong boses at alam yun ni Besty dahil naririnig nya akong kumakanta sa karaoke sa entertainment room sa mansyon.

"Uy! Tignan mo oh? May audition ang Glee Club Bes, mag audition ka Bes maganda ang Voice mo diba?" Ang pag aaya nya. Sabi ko sainyo eh.

"Alam mo Be--" ang hindi ko pa natapos na sasabihin.

"Hindi ko pa alam." Ang bigla nyang pag sabat.

"Patapusin mo muna ako. So yun, gusto ko man mag audition baka i boo ako nang mga tao agad dahil sa ganito ako. Atsaka nahihiya ako."

"Well prove them wrong, kung may talent ka talaga Venus." Ay Shocks! Bakit bigla bigla nalang talaga syang sumusulpot. Kabute ba sya?

"K-kyle ikaw pala. Bakit ka nandidito?" Yan bigla nanaman akong nauutal. Tapos bakit ang bilis ng tibok ng heart ko.

"Well, nakita at napansin kasi kita." Ang pagsagot nya. Ayan, naiihi nanaman ako! Ano ka ba Kyle! Kaasher ke telege. Chosera. Hahaha.

"Kung sabagay Bes, makikita ka talaga nyan. Sa lapad at laki mong yan" Ang pabulong sakin na sabi ng Bestfriend kong dugyot na nangungulangot. Kaibigan ko ba talaga to?.

Perfectly Imperfect (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon