Chapter 23-BestFriend's Thought

46 3 0
                                    

Cyra's POV

Andidito na kami ngayon ni Bobby na Assistant ko sa Salon sa Bahay ko. Gaya nga na nangyari kanina, hindi ko aakalain na makikita ko pa ang Kyle na manlolokong iyon sa Bar. Nag iinit talaga ang mga singit ko sakanya!

"Nakakainis! What the F up to the letter G! Animal sya! Hayop! Minahal nya daw si Venus? It's Imposible to Dream!" Ang bulalas ko. Habang hinihilot hilot ko ang oily kong noo.

"Madam, baka naman totoo. Because, I sense, na trulalu at hindi kachenahan ang mga words that He's telling! Like Duh? Ang pogi nya kaya! Eeeehh!" Ang sinasabi naman ng Baklitang Pagirly na ito.

"My Gosh Bobby! Manloloko sya! Niloko nya si Venus! At pogi? No, Not, Hindi, Haan, Madi, ali, Dili, at lahat na nang linggwaheng nagsasabi ng Hindi! At kung mahal nya si Venus, bakit Engaged sila ni Kiana? At sa pag kaka alam ko, Mag jowa na yong dalawang yun! And FYI una palang, ang Plan nila eh ang saktan si Venus! Dahil sa pagiging Mainggitin ng Malanding Higad na Kiana na yan kay Venus! Masyado sya kasing inggit kay Venus dahil kahit ganon si Venus, Maraming nagmamahal sakanya at mas Mayaman sila Venus kaysa sa palugi nilang Kumpanya! At kaya lang naman sila nag pa merge sa Montero's dahil, palugi na sila! Palibhasa kasi, kung anong kina puti ng Kili kili ng Kianang Yan! Eh syang kina itim ng Budhi nya! Siguro nga, maitim Singit nun, kasing itim ng batok mo no?"

"Oo na! Maitim na Vatok ko! Pero atleast, hindi amoy ingrown ang Bunganga ko katulad ng saiyo Madam!" Ang sabi nya.

Tila naman, may biglang tumusok sa puso ko nang marinig ang sinabi ni Bobby.

Amoy Ingrown....

Amoy Ingrown....

Amoy Ingrown....

"Hoy! Venus! Naka nganga ka nanaman! Amoy na amoy ko yung baho ng hininga mo! Amoy panis na Spaghetti!...."

"Ay, Wow! Hiyang hiya naman ako sayo Besty! Amoy imburnal nga yang bunganga mo eh, Amoy Ingrown!...."

"Besty..." Yan na lamang ang salitang lumabas sa bibig ko. Hindi ko na namalayan na patulo na pala ang laway ko kasabay ng papatak kung luha.

"Hala! Madam? Anyare sayo? Umiiyak ka ba?" Ang tanong sakin ni Bobby.

"Ay, Hindi! Nag eemote lang! Mag auaudition kasi ako sa Star Magic. OK na ba ang acting skills ko?" Ang pag iiba ko nang usapan.

"Madam, 3 taon na tayo magkasama. 3 years mo na akong assistant sa Salon mo! At maging sa buhay mo. Alam ko na nga kong ilang beses kang tumae sa isang araw. Kung kelan ang Red tide day mo. Dito mo na nga rin ako pinatira sa Bahay mo. Since bagong bukas palang ng Salon mo, anjajaan na ako! Kaya alam ko na yang mga emo emote mong yan! Dahil yan kay Besty mo ano? At Hindi naman sa mga Boylets mo yan! Kasi, kung sakanila yan, Sinsabunutan at sinasampal mo na ako ngayon in short, ako ang labasan mo ng sama ng Balunbalunan mo." Ang mahabang saad nya.

"Huhuhu! Bobbeeeyy! Ang sama sama kong Bestfriend sakanya! H-hindi ko sya pinuntahan nung mamatay yung parents nya. Dahil sa nagtatampo parin ako sakanya! A-ang sama sama ko! Kagaya rin ako nila Kyle."

"Madam, Mali talaga yang ginawa mo! Charot! Pero, seryoso. Kung wala ka talagang care sakanya, eh di sana, hindi mo na sya inaalala mapang hanggang sa ngayon. And Madam, i think, Wala talagang titibag sa pagiging magbestfriend nyo ano? Sa laki ba naman ng katawan at tabs nung Ven..." Hindi ko na sya pinatapos dahil alam ko na ang sasabihin nya na palagi nyang sinasabi. At sinabunutan ko sya ng mahina pero, yung mamimilipit sya sa sakit.

Perfectly Imperfect (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon