Chapter 3-Insulting Words

123 8 0
                                    

Chapter 3















Bukas na nga ang pasukan. Mejo kinakabahan ako na excited na hindi. Excited dahil, sa mga new friends New friends nga ba?. At hindi dahil, tiyak ako na lalaitin at tutuksuhin nanaman ako ng mga Bullies sa University. Nakapamili narin ako nang mga kakaylanganin ko sa pasukan. Katulad ng mga Notebooks, Pens and etc. Pupunta ako sa closet ko para ipaplantsa kay Ate Lory ang isa pa naming kasambahay ang mga uniforms ko. Gusto ko kasi Hindi ma rush at mag aligaga pag pasukan na. Nakuha ko na ang uniform ko sa closet. Napansin ko sa salamin na parang lumaki ata ako. Kaya, sinukat ko ang isa kong uniform. At sa di inaasahang pagkakataon. Nag mukha akong suman sa soot kong uniform ngayon. Konti na lang puputok at bibigay na ang mga butones. Tila mga sawa naman ang mga Belly Fats ko na nakapalibot sa tyan ko. Binilang ko ang bawat layers. 4 na layers na ang mga ito." Wow! Improving! Dumami kayo ah! Dati, tatlo lang kayo, ngayon apat na?" Nasabi ko na lang. Napag desisyonan ko na lang na lumabas at pumunta sa mall ngayon para makabili ng mga bagong uniforms. Logo lang kasi ang binibili sa university.







Pababa na ako ng kwarto ko, mula sa second floor ng House namin. Magpapa alam lang ako kay Yaya Lucia na Bibili ng Uniforms. Itinuring ko na rin kasi syang parang isang tunay na ina. Sa kadahilanang palaging ngang Busy si Mom and Dad sa businesses and to our companies.




"Ya, andyan po ba Si Kuya Elmer? Papahatid po sana ako sa Mall. To buy some Uniforms. Hindi na po kasi kasya yung mga old uniforms ko." Sabi ko habang naghihiwa ng sibuyas Si Yaya for our lunch.



"Hay naku talagang bata ka, Hindi bat, last school year ko lang binili yang mga uniforms mo? Hindi na agad kasya?" Sabi ni yaya habang patuloy parin sa paghihiwa sa mga sibuyas.








"Opo, eh. Mas lumaki pa po ata ako. Sinubukan ko naman po talagang mag diet eh. Pero habang trinatry ko. Mas lalong napaparami ang kain ko." Kamot ulo kong saad kay Yaya.





"Osya. Sige! Andun si elmer sa Garden nagdidilig ng mga Halaman. Sabihan mo na lang Sya nak, para maihanda nya yung sasakyan."






"Sige po ya! Salamat po!"







"Sandali lang Ven, dito ka ba magtatanghalian? Para ma ihanda ko mamaya."




"Tirahan nyo na lang po ako ng ulam Ya, Para sure! At mukha kasing masarap nanaman yang lunch natin mamaya. Hahaha!" Sinabi ko at dumiretso na nga ako sa Garden ng Bahay.














**************
"Salamat Kuya Elmer! I will text you na lang pag susunduin nyo po ako!" Nag nod at nagpaalam na Si Kuya Elmer.


Nakapasok na ako ng tuluyan sa Mall. At mahahalata ang mga titig ng mga tao sakin. Tila bawat, parte ng katawan ko Kini Criticized nila. Iniisip ko, ganun na ba ako kalaki? Para ma amazed sila? Baka akala nila ako si Barney? Eh kung ganun man, wala naman akong friends. Maliban lang sa chaka kung sexing friend na si Cyra the Ingrownful girl. Hindi ko na lang sila pinansin at hinayaan ko na lamang sila.






Nakapunta na ako sa Shop ng Uniforms at kasalukuyang nag fifit. Sinabi ko na agad sa sales lady na, XXL agad ang ibigay sakin. Mahirap na. Baka mangyari nanaman ang ayaw kung mangyari.








Tapos na akong mamili ng mga Uniforms ko. At itetext ko nalang Si Kuya Elmer. Nang may bigla na lang humawak sa pwetan ko.




"Ayy! Bastos! Jusko po! S-sino ka!? Manyak! Bat mo hinawakan yung ano ko?! Bastos!!"
Sinabi ko sa kaharap ko ngayon na l-lalake. Oo. Pogi sya, matangos ang ilong, mapupungay ang mata, kissable lips, mejo makapal ang kilay na bumabagay sa aura nya. P-pero Bastos parin Sya! At pinagpatuloy ko ang paghahampas sakanya ng plastic bag na lalagyan ng mga pinamili kong uniforms.






"Hoy! Tabachoy! Wag ka ngang Choosy! ah! Ah! Hindi ka chicks o seksi! Dare lang namin to! Kung tutuusin maswerte ka eh, nadampi tong palad ko dyan sa pw--"






Hindi ko na sya pinatapos sa pagsasalita dahil nasampal ko sya. Nangingilid na ang mga luha ko, dahil sa sobrang inis at pamamahiya nya sakin. Sobrang nasaktan ako sa mga sinabi nya.





"Hindi porket ganito ako! Pwede mo na akong bastusin! Hindi porket MATABA ako! Pwede mo na akong laitin! Hindi mo pa nga ako kilala eh! At Dare?! Dare ah! Dahil sa Dare nyong yan o pustahan, nasira ang reputasyon ko! Bwisit kang pogi este manyakis ka!"




"Oh di hamak naman na ang taba taba mo! Tignan mo nga naman oh, Bakit ba ang arte arte mo?!...." Ang bigla nyang sabi habang kapa kapa ang pisngi nyang nasampal ko. May dinukot naman sya sa bulsa nya na syang ipinagtaka ko."......Oh ito! Here's my calling card. Baka gusto mo pang ibigay tong Cellphone number ko? Hahaha! Hindi ka na nyan lugi ah! Lyamado ka na! Sa pogi ko namang to! Papachoosy ka pa?!" Ang pasarkastikong dagdag nyang sabi.






Oo Gwapo nga sya. Pero sa pinapakita nyang ugali, Mas lalo akong naasar sakanya. Hindi naman basihan ang panlabas na anyo Hindi ba? Hindi nya kinakailangang ipamukha sa akin na Pangit at Mataba ako. Gustong gusto ko pa syang sigawan. Pero, nakikita ko na marami ng tao ang nakapaligid sa amin at nagbubulung bulungan. Nakaramdam ako ng hiya dahil sa mga titig nila na akala mo, ako pa ang may sala. Nakaramdam ako ng panunubig ng mata ko. Pero agad ko iyong pinigilan.








Umalis na lang ako, dahil ayoko ko nang mas lumaki pa ang eskandalo. Nasa labas na ako ng Mall at agad kong tinext Si Kuya elmer. At ilang minuto lang ang lumipas dumating na sya at umuwi na kami dala ang bigat ng emosyon ko.

Perfectly Imperfect (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon