A/N:
Hindi ko alam kung kanino ko ide-dedicate. :( Pero sige read niyo nalang. XD Pag-pasensyahan kung corny masyado.
****
RENESMEE's POV
Nandito ako ngayon sa isang cheap, nakakadiri, masikip, mabaho, at nakakasuka na cafe at kasama ko ang bago kong boyfriend. Nakaka-diri siya, kung alam ko lang na mahirap pa siya sa ipis edi sana hindi ko siya sinagot kahapon. HMP!
"Renesmee eto gusto mo?" tanong niya sa akin ng nakangiti habang pinapakita yung picture ng isang chocolate cake na sa tingin ko ay gawa sa putik.
Nakukuha pa niyang ngumiti ng ganyan sa akin pagkatapos niya kong dalhin sa isang pipitsuging cafe!
"Seriously? Nakakangiti ka pa talaga ng ganyan sa akin? Manhid ka ba ha! I don't like this stupid place!" singhal ko kaya naman lahat ng tao sa loob nag-tinginan sa akin "WHAT ARE YOU LOOKING AT?! MIND YOUR OWN BUSINESS RATS!" tumingin ako sa pipitsuging boyfriend ko "And you! Akala ko ba mayaman ka ha?! Hindi ko alam ganto lang pala kaya mong ibigay sa isang dyosang katulad ko, ang swerte mo nga at girlfriend mo ko! Tingin mo ba fit ako dito sa gantong lugar?! Hah!" tumayo ako at inayos na ang dala kong bag.
"W-wait Renesmee..." hinawakan niya yung braso ko
"WHAT?!" inalis ko yung kamay niya "I'm breaking up with you" sabi ko sa kanya at tumalikod na.
"WHAT?! Agad agad?! Wala pa tayong 1 week---"
"So?! I don't like you at hindi tayo bagay" tumingin ako sa kanya "Ipis ka tao ako" napanganga nalang siya sa sinabi ko at lumabas na ko dun sa nakakadiring cafe.
Hay. Stupid guy! Hindi ko akalain na ganun siya mang-treat ng isang babae! He's a campus hearthrob in our school. Ewan ko ba kung paano naging hearthrob iyan eh napaka-pangit naman at look at his attitude naman diba? Dadalhin niya ang girlfriend niya sa ganung lugar?! And look, I'm his girlfriend! Yung girlfriend niya tinitingala ng lahat tapos bigla niya kong dadalhin sa isang pang-ipis na cafe?! TCH!
Pumara ako ng taxi at sumakay ako. "Stupid person, ihatid mo nga ko sa ***** street" sabi ko sa kanya at kinuha ang make-up ko sa bag. Nakakapagod ang araw na to no, kailangan ko na mag-retouch.
"ABA! IKAW NA BATA KA WALA KA BANG GALANG SA MGA MATATANDA?!" singhal sa akin nung driver na mukhang elepante sa taba.
"Wala" tipid na sabi ko habang nag-lalagay ng lipstick.
"BUMABA KA NA---"
"I'M RENESMEE SUPLICIA TANNER!" natigilan naman siya sa sinabi ko. Mabuti naman.
"T-tanner?"
"Yes! And can you please bring me home?!" nanginginig na pinaandar niya na yung taxi.
Akala niya kung sino siya! HMP! Hindi ba niya alam kung sino ang sinisigawan niya? Hah! I will tell dad that these taxi drivers are ill-mannered! Shocks!
As I was saying hindi ba niya kilala ang kinakalaban niya? I'm Renesmee Suplicia Tanner, isa akong TANNER inuulit ko. My dad is the mayor of this place, we have 10 companies in different countries and dad was also the owner of the school that I attended.
Kahit saang lugar na puntahan ko tinitingala ako, walang hindi nakakakilala sa akin. Lahat ng inuutos ko sinusunod nila dahil kung hindi ipapalapa ko sila sa pating sa ocean park o kaya naman ilibing ko sila ng buhay.

BINABASA MO ANG
WANTED: A Good Guy
RomanceBeing bad is not bad at all. Nagagawa mo ang gusto mo ng walang nakakapigil sayo. It's not being spoiled brat instead being freely. Pero paano nalang kung humanap ang parents mo ng isang tao na mag-tuturo sayo kung panu maging mabait? Are you going...