[9] TRUTH

446 14 1
                                    

A/N:

Last chapter na ang sunod tapos EPILOGUE. HAHAHAHA. Pero hindi ko pa din alam kung ihihiwalay ko ba yung special chapter nito o hindi? Eh kung huwag ko na lang lagyan? -_________- Bahala na nga. HEHEHE. Basahin niyo na! ;)

****

RENESMEE's POV

Puti. Isang kwartong kulay puti. Nasaan ba ako?

Umupo ako at tsaka inilibot ko ang aking tingin. Bakit walang tao?

Tatayo sana ako pero napansin kong may nakakabit sa kamay ko.

Napatingin ako sa may pintuan ng bigla itong nag-bukas.

"Renesmee!"

JASPER's POV

"Renesmee!" patuloy ang sigaw at paghagulgul ni Alice.

Nandito kami ngayon sa ospital at kasalukuyang itinatakbo si Renesmee at Asher sa operation room.

"Sir hanggang dito na lang po kayo" awat samin nung nurse

"Gawin niyo ang lahat para mailigtas sila" sabi ko at tuluyan ng pumasok ang nurse

"Ang baby ko....*huk*.....Makaka-survive...s-siya....diba? *huk*" sabi ni Alice

Niyakap ko siya ng mahigpit at tsaka ko pinunasan ang kanyang pisngi

"Oo. Makaka-survive siya kaya huwag ka na umiyak ha?" umupo kami sa labas ng operation room

.

.

.

.

.

"MISS NASAN PO ANG ANAK KO?!" napatingin ako sa babaeng sumisigaw sa may counter. Umiiyak siya.

"Ahm ma'am anu po ba ang pangalan ng anak niyo?"

"A-asher! Asher Clemente!"

"Nasa operating room pa po siya"

Tumingin ako kay Alice "Alice saglit lang ha?" tumango naman siya kaya tumayo na ako at lumapit dun sa babae

"Miss?" tawag ko sa kanya kaya naman agad siyang napatingin sa akin. "Anak mo ba si Asher?" pinunasan niya ang luha sa pisngi niya

"O-opo. T-teka kayo po si---"

"Ako si Jasper Tanner, tara nandito sila"

"S-sila?"

Bumuntong hininga ako "Oo. Pati kasi anak ko" napayuko na lang siya at tsaka sumunod sakin

"Pa-pasensya na po mayor" sabi niya sakin ng maka-upo kami sa labas ng o.r

"Wala ka naming kasalanan eh. Ang kailangan lang natin ay mag-dasal"

.

.

.

.

.

Napatingin kaming lahat ng mag-bukas ang pintuan ng o.r. kaya naman sabay sabay kaming napatayo.

"Doc kamusta na po ang lagay nilang dalawa?" agad na tanong ni Alice

"Doc kamusta na po ang anak ko?" tanong nung nanay ni Asher

Bumuntong hininga ang doctor at tininggal ang mask sa bibig niya

WANTED: A Good GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon