Aisha's POV
It's been a week simula nung umuwi kami ng Pilipinas. At sa loob ng isang linggo ay pinaghahanap pa rin kami ng tauhan ng Mafia King. Pati ang pamilya at kaibigan ko ay tumutulong din para hanapin ako/kami ng mga anak ko.
And I'm so thankful that Frazier stayed by my side. Hindi rin siya umuwi sa kanila dahil paniguradong siya ang sisihin ng lahat.
I don't care kung tatanggalan nila ako ng titulo. Pumunta ako dun para pormal na magpaalam. Pero hindi ko inaakala na ganun ang mangyayari, ang malaman nila na may mga anak ako. And for sure kahit sino sa underground world ay sasabihin siya ang ama dahil kamukhang kamukha niya nga ang mga ito. Mata,buhok at labi lang ang namana sakin ni Flaire.
Nakangiting tinignan niya ang tatlong anak. Si Flaire at Flaze ay naglalaro sa pambatang pool. Habang si Flame naman ay nakaupo lang habang naka lublob ang paa sa swimming pool. Seryoso itong nagbabasa ng libro.
Si Flaire ang pinakamakulit sa kanila. Iiyak yan pag hindi nilaro ng isa sa mga kapatid niya o pag hindi nakuha ang gusto nito.
Si Flaze siya parati ang nakakalaro ni Flaire. Minsan lang ito kung magseryoso. Natataranta ito pag nakitang umiiyak ang kapatid niya.
Si Flame siya ang huling lumabas sa kanilang tatlo. Seryoso at cold ito sa lahat ng bagay. Minsan lang ito makipaglaro sa mga kapatid niya. He love to read books. Makikipaglaro lang ito kapag maiiyak na si Flaire kapag inaaya siya nitong maglaro. Ayaw niya din na may masaktan sa kapatid niya. Him and Flaze are over protective to me and to his sister.
They are my world now, sa kanila na lang umiikot ang mundo ko magmula ng dumating sila sa buhay ko.
Unang dating pa lang namin dito sa mansion ay tinadtad na ako ng ni Flaire. She keep on asking kung yung nakita niya ba sa harap ay mga kaibigan at lola ko. Di ko alam kung nakita nila ang Mafia King, their father. Dahil di naman nila tinanong tungkol dun. Flaze and Flame naman ay tahimik lang ng dumating kami pinagsasabihan ang kapatid tungkol sa pagtakbo nito, takot na baka madapa ito at umiyak.
"What's your plan now? " tanong ni Frazier na nakarating na pala sa tabi ko at pinapanood rin ang tatlo.
"Kailangan kong bumalik sa UW para pormal na makapag paalam at para matigil na ang paghahanap nila. Para na rin mailayo ang mga anak ko sa mga kalaban" yan lang ang tanging naiisip kong paraan para tigilan na nila kami.
Tumango ito
Humakbang ako palapit sa mga anak ko at tumabi kay Flame. Inilublob ko rin ang paa ko sa swimming pool
"Hi mommy! " masayang bati ng anak kong babae.
"Join us mom" Flaze said.
"Sure baby, how about your brother, Flame? " nakangiti kong turan habang hinahaplos ang buhok ni Flame. Seryoso itong nagbabasa.
Napabuntong hininga si Flame at tiniklop ang librong binabasa.
"Fine" maikling sagot nito
Inilapag niya ang libro nito sa maliit na sofa na katabi ng swimming pool.
"You're so beautiful, mom" seryosong sabi ni Flame ng makalapit sakin. Humawak ito sa dalawang pisngi ko.
"I love you and also mga siblings. I'll protect the three of you to anyone even to my father" ngumiti ito sakin at hinalikan ako sa pisngi.
Tumulo ang isang butil ng luha sa mata ko na agad ring pinunasan ng daliri niya.
"I love you the three of you so much. " pinisil ko ang pisngi nito at hinalikan ang tungki ng ilong nito.
BINABASA MO ANG
His Favorite Possession (McKlein- Series 1)
Sonstiges"Love is like war,easy to begin but very hard to stop." Alastair Gray McKlein- a wealthy young-man guy with an epitome of God except to his personality. He's beastly, arrogant and cold-hearted guy. When it comes in killing, he's also ferocious, bru...