Chapter 61

3.2K 54 31
                                    

⚠️: Typographical and grammatical errors ahead

Aishaleya's POV

Nagulat ako sa sinabi nito. Hindi ko inaakala na siya ang ama ng anak ni Kazandra.

"You fooled me" I said as a matter of fact

Hindi ito sumagot.

"Put your fucking gun down Kazandra" malamig na saad ni Gray.

"May magagawa ka ba kung maiputok ko na sa pinakamamahal mo ang baril na hawak ko?" She tease Gray at idinikit sa noo ko ang bunganga ng baril.

"Mommyyy!" Umiiyak na sigaw ni Flaire habang nakatingin sa amin.

I didn't glance at my daughter, I can't bear to see her hurting. She's too fragile and innocent for this.

"None, but I will make sure I can do something before you pull the trigger" Gray said dangerously.

Ibinaba ni Kazandra ang baril

"Don't worry ang boring naman kasi kung isang bala lang siya. Papahirapan ko muna siya bago papuntahin sa impyerno"

"Stop it Kaz" sabat ni Frazier

"You shut up Luke! Ilang taon kang nagpaka ama sa mga anak niya!" Sigaw ni Kazandra kay Luke.

"Dahil hindi mo ako hinayaan na magpakaama sa anak natin Kazandra. Limang taon mo tinago sa akin ang totoo! " sigaw din pabalik ni Luke.

"No! Ang sabihin mo, minahal mo siya kaya tuwang tuwa kang magpakaama sa mga anak niya." Balik na sagot ni Kazandra

"Bakit? Hindi ka ba masaya na kasama mo ang mahal mo at nagpakatatay din sa anak mo?" Saad ni Luke pilit na pinapahinahon ang boses.

"Paano ako sasaya kung ang taong mahal na mahal ko at ang ama ng anak ko ay umiibig sa nag iisang babaeng kinaiinisan ko sa lahat!" Galit na sigaw ni  Kazandra at muling itinutok sakin ang baril.

"Mommy" bumaling ang tingin ni Kazandra sa hagdanan ng marinig ang iyak ng anak nito.

Mabilis kong siniko si Frazier at inagaw sa kamay ni Kazandra ang baril.

Naagaw na rin ni Gray at Draze ang mga baril sa taong may hawak sa kanila.

Nakatutok ang baril sa bawat isa ganun din ang mga tauhan ni Kazandra at tauhan namin

Pero hindi maipagkakaila na lamang na ngayon ang mga tauhan namin sa loob at labas ng mansion.

Umiiyak si Thalie habang hawak ng isang tauhan sa UW na galing sa gangster world.

Hinila ako ni Gray palapit sa kanya habang tinututukan ng baril si Luke.

Halata ang matinding gulat sa mukha ni Kazandra dahil sa nangyari. Mabilis siyang pinosasan ng mga tauhan namin ganun din si Luke.  Kinuha nila sa kamay ni Kazandra ang isang maliit na remote para sa bomba.

Lumapit ang ilang tauhan namin sa mga magulang at kaibigan ko para pakawalan sila.

Mabibilis ang mga hakbang naman na lumapit ako sa mga anak ko at nakasunod naman sakin si Gray

Ang mga tauhan na marunong sa mga bomba ang siyang tumanggal ng mga nakayakap na bomba sa katawan nila.

Mahigpit na yakap ang naigawad ko sa kanilang tatlo ng makuha na ang bomba sa katawan nila. Binigyan ko ng madiin na halik ang tuktok ng mga ulo nila habang tumutulo ang luha sa mga mata

His Favorite Possession (McKlein- Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon