Aisha's POV
Mabilis akong lumapit kay Flaire ng maubos ang lahat ng kalaban, ang mga tauhan ni Gray ay patuloy na nagmamatyag sa paligid.
Sinipat ko ang katawan nito kung nasugatan ba. Halos di ako makapagmaneho ng maayos kanina dahil sa pag aalala sa triplets lalong lalo na kay Flaire dahil hindi siya marunong makipaglaban. Si Flaze at Flame kahit papaano ay may alam sila para protektahan ang kanilang sarili also to protect their sisters.
Matapos makitang maayos si Flaire ay sinipat ko din ang dalawang lalaking anak ko.
Nakahinga ako ng maluwag ng makitang maayos sila.
Pagkatingin ko kay Flaire ay buhat buhat na ito ni Gray at inaalo.
Nanginginig ang kamay ni Flaire dahil sa takot, umiiyak rin ito sa balikat niya.
"I'm sorry, I came late, baby." Paghingi nito ng paumanhin sa anak ko. Tumingin din ito kela Flame at Flaze at sinusuri ang katawan ng dalawa gamit ang mata nito.
Hinayaan ko muna si Flaire sa kanya at hinarap ang kapatid ko.
"Ano't naging pabaya kayo?" Sigaw ko sa mga kaibigan ko ganun na rin sa grupo ni Gray.
Napayuko lamang sila
"Kasama niyo ang mga anak ko! Alam niyo kung ano kayo pero hindi niyo muna sinigurado kung ligtas ang pupuntahan niyo! " galit pa din na turan ko.
Hindi ko alam ang magagawa ko sa kanila kapag may nangyaring masama sa mga anak ko.
"We secured the area Empress but we didn't know that one of our allies was also our enemy, yung mga tauhan na inutusan naming magbantay sa paligid ay siya din palang makakalaban namin. And I think someone ordered them to spy on us. " Saad ni Rhianna
"Trust no one" madiing saad ko sa kanila.
"Sorry" paghingi nila ng tawad.
Nang humarap ulit ako kay Gray ay nakatingin ito sa akin ng walang emosyon.
Kinuha ko sa kanya si Flaire na nakatulog sa balikat niya.
Hindi ko nga alam bat kailangan niya pang pumunta dito dahil paniguradong alam niya na kaya ng mga kaibigan namin na protektahan ang sarili nila. Unless alam niya na kasama ang tatlong anak ko.
Hindi ko alam ang dahilan pero ng makita ko siya kanina ay sobrang dilim ng awra niya na kahit pinapaulanan siya ng bala tila bala pa ang umiiwas para hindi siya matamaan.
"Thank you" pasasalamat ko sa pagtulong niya sa amin, tumingin ako sa mga mata niya para makita ang emosyon nito.
Pero magaling na siyang magtago ng emosyon niya.
"I'll take you home" saad nito bigla.
Hindi ko mapigilang maglabas ng emosyon dahil sa gulat.
"No need" sagot ko ng makabawi dahil sa pagkabigla.
"No, I insist. That's an order so don't try to disobey me." Malamig na saad nito.
"Mom, I don't want to be with same air with him" masungit na saad ni Flame.
Tumaas ang kilay ni Gray matapos marinig ang sinabi ng anak ko.
"As if we're not breathing the same air at this moment" Gray scoffed.
"I don't want to be with you in the same car Mr. "
"You have no choice" nakangisi si Gray inaasar si Flame.
"Relax, Flame just pretend that he's not with us so that you won't irritate at his voice and annoyed with his ugly face" saad ni Flaze kay Flame.
Napangisi ako, silang dalawa lang ang nagsabi na pangit si Gray.
Gray just manly roll his eyes.
"Let's go" at naunang pumasok sa sasakyan.
I have no other choice kaya tinanguan ko ang dalawa.
Napabuntong hininga naman silang pumasok ng sasakyan.
Sa front seat kami pumasok ni Flaire dahil tulog pa rin ito.
Pumasok na rin sa dala nilang van ang kapatid ko at kaibigan namin dahil sa hide out kami magpapatuloy sa pag uusap tungkol sa nangyari.
Tahimik ang naging buong byahe namin, ang nag uusap lamang ay sila Flaze at Flame na nasa likod.
Habang si Gray naman ay pasulyap sulyap sa amin.
"I'm glad that the triplets are safe" seryosong saad nito.
"Yeah because if something bad happened to my sister. Their generation will be ended." malamig na saad ni Flame at tinaasan ng kilay si Gray.
Ang init talaga ng dugo nila kay Gray kahit wala namang ginagawang masama sa kanila ang tao.
"And don't let your daughter come to my sister's way, because if she will, then she deserves what will going to happen to her. " dagdag din ni Flaze.
"Flame, Flaze! " saway ko sa kanila. Their words are too much already.
"Don't say that kind of words to my daughter." Sabat ni Gray sa sinabi ni Flaze
He really loves his daughter. His family with Kazandra.
May kung anong kumirot sa puso dahil sa sariling naisip.
"Tss! Whatever" Flaze rolled his eyes to Gray.
"Hindi ko kayo tinuruan ng ganyang asal Flame at Flaze. " seryosong saad ko sa kanila.
"Sorry"
"Yeah, Sorry Mom"
Sabay na pagpaumanhin sa akin ng dalawa.
May naka unang van sa harapan namin which is ang mga magagaling na tauhan ng UW ganun din ang van nakasunod sa likod namin. Nasa likod nito ang van ng mga kaibigan namin at may nakasunod ulit na van sa kanila na puno ng tauhan ng UW.
Nang makarating kami sa UW, pagkababa ng sasakyan ay kinuha sakin ni Gray si Flaire para siya na ang magbuhat, pagkarating namin sa opisina ng UW, sumalubong agad sa amin ang pamilya ko at ang pamilya ni Gray
Mabilis na nilapitan ng mga magulang ko sila Flame at Flaze para suriin ang katawan nila.
Nakahininga naman ng maluwag ang parents ko matapos malaman na okay ang mga apo nila.
"Jusko! Kamuntikan ng may mangyaring masama sa mga apo ko" takot na saad ni Mommy. Niyakap naman siya ni Daddy, pinapakalma.
Tinignan din nila si Flaire na natutulog ng mahimbing sa kama
"You don't feel hurt ba Flame and Flaze? " nag aalalang tanong ng Mama ni Gray sa dalawa.
Umiling naman ang dalawa, nagmano muna sila parents ko, ganun rin ang ginawa nila sa parents ni Gray at sa tatlong superior.
Yan ang bagay na hindi nila kinalimutang gawin ang magmano matatanda.
Magmamano sana sila kay Gray pero nang tignan sila nito ng masama ay napangiti sila at nag apir sa isat isa.
Napatawa ang mga tao na nasa loob ng opisina dahil sa ginawa ng dalawa.
"Daddyyyy!" Sigaw ng anak ni Kazandra matapos makita si Gray, agad naman itong binuhat ni Gray at hinalikan sa pisngi.
Tumingin pa muna sa akin ito ng malamig matapos lumabas ng opisina.
Hindi kasi pumasok sa loob ng opisina si Kazandra at nakamasid lang sa nangyayari sa loob ng opisina.
Nang magtama ang paningin namin ay tinignan ako nito ng masama bago sumunod kay Gray.
Wag na kayong magtampo kung matagal ang update.
Tinatamad ako eh :>>>
Peace pandies!
Hope you like it!
BINABASA MO ANG
His Favorite Possession (McKlein- Series 1)
Random"Love is like war,easy to begin but very hard to stop." Alastair Gray McKlein- a wealthy young-man guy with an epitome of God except to his personality. He's beastly, arrogant and cold-hearted guy. When it comes in killing, he's also ferocious, bru...