Kabanata 5

46.7K 1.1K 146
                                    

Kabanata 5

Konnar

"Kuya, tantanan mo na ako. Ilang bodyguard na ang pinadala mo. I'm done spraying pepper spray on the wrong faces," asik ni Khalila.

I yawned before I poured myself a cup of coffee. "Hindi sa'kin galing 'yon. Tanungin mo sina Keios, Kreige saka si Klinn."

Umirap siya sa kawalan. "Sabi ni kuya Keeno sayo galing 'yon."

"Paninirang puri lang 'yan." I stretched my back before I settled on the high chair next to her. "Baka sa kanya pa galing 'yon."

"Hindi ako padadalahan ni kuya Keeno ng bodyguard na magtataboy kay kuya Halley at Agrain so for the last time, please, tigilan mo na."

"Hindi nga ako. Baka si Daddy."

Inirapan niya ako saka siya nag-walk out. Ngumisi naman ako bago ko tinawagan ang bodyguard na nabiktima ni Khalila ng pepper spray.

"Sir, nagka-sore eyes na yata ako."

"Bakit ka kasi nagpakita?"

"Nakabuntot lang naman ako, Sir habang may kasama siya lalake. Magka-holding hands pa nga sila kaya akala ko hindi ako napansin."

My brows furrowed. "Magka-holding hands? Sinong kasama? Was it Hall or Agrain?"

"Hindi, Sir. Iba. Parang pintor yata."

I sighed. "Find me an investigator and gather everything about that guy. Kina Hall at Agrain nga hindi na ako pumapayag, sa hindi ko pa kaya kilala?"

"Sige po."

I ended the call before I asked Cielle to transfer money to the bodyguard's account. Nang mag-reply si Cielle ay naligo na rin ako.

Bago umalis, pinuntahan ko muna si Klinn sa kwarto niya. Naabutan ko si Keios na pinapahawak siya ng kutsara.

"Oh? Umuwi ka na pala?" tanong ko.

Keios stood straight and nodded. "Wala naman gagawin sa Madrid. Puro na lang party. Kakatamad na rin. Lagi pang nag-aalala si Mama dahil baka raw maaksidente ako." Naupo siya sa kama ni Klinn. "Baka mag-stay ako ng three months dito."

I jerked my head. "Sabi ni Mama may girlfriend kang bago. Totoo ba?"

"Not really. We only needed the publicity."

Napabuntong hininga ako. "Matagal ka nang hindi pumapasok ng seryosong relasyon, Keios. Don't you think it's time to finally try again?"

Umiwas siya ng tingin. "Kung hindi ko rin naman mabibigay 'yong binibigay ni Daddy kay Mama, anong silbi ng pagkakaroon ng seryosong relasyon?"

Klinn sighed. "Is it still because of Denyse, Keios?"

Hindi kumibo si Keios. Lumapit naman ako sa pader at sumandal doon. "She's married, Keios."

"So? Si daddy rin naman noon ikinasal sa Mommy ni Klinn pero sila pa rin ni Mama."

"Mommy mo, ah," balik ni Klinn.

Keios smirked. "Mommy ni Kreige."

I shook my head. "Marinig ka na naman ni Krei. Away na naman 'yan. Mapipingot na naman kayo ni Daddy."

Keios scoffed. "Pagalitan naman siya ni Mama. Anyway, yeah. I heard she's married, pero wala pa naman anak, ah? Saka ko susukuan kung may anak na."

"So hindi mo na pala tatanggapin kung may anak na?" Klinn asked.

"I guess not everyone is like Mama, bro. Hindi ko alam kung paano tayo natitignan ni Mama na hindi niya naaalalang nagkaanak si Daddy sa ibang babae. I mean, I'm sure we can somehow inflict her pain just by existing." Keios sighed. "I don't really like it when Mama gets hurt."

DUCANI LEGACY SERIES #2: KONNARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon