Kabanata 18
Konnar
"Does he know who I am?" I asked the moment Cielle was able to lock the door.
Keeno sighed. "Hindi ko alam, but you know Eiji Takishima. He's been trying to dig everything about you since his investors sold their shares in his company just to transfer to ours."
Naihilamos ko ang palad ko sa aking mukha. Yes, competition is healthy, but that guy is obsessed with my real identity. Baka mamaya ay kaya niya nakilala si Sadie ay dahil sa pangangalap niya ng impormasyon tungkol sa akin.
"He mentioned Sadie during the interview. What if he's faking about his long-lost sister? What if he's just trying to expose me using Sadie?" hindi ko napigilang itanong.
Cielle gave me her ipad. "During Sadie's background check when she applied here, Sir Kon, lumabas na buntis na ang Nanay niya sa kanya noong umuwi sa Pilipinas galing Japan. She worked there for several years, serving a wealthy family." She pointed a specific spot on the screen. "At naging housekeeper din siya sa Sakura Hotel bago siya nabuntis. I don't think he's lying about Sadie."
"Ano ba ang sabi ni Sadie? Does she have any idea na siya ang tinutukoy ni Eiji?" tanong ni Keeno.
"I joked about it, but she said it's probably someone else at pareho lang ng pangalan." I sighed. "But her eyes, it said otherwise. Pakiramdam ko may kutob siyang siya ang Sadie na tinutukoy ni Eiji."
Keeno rested his elbows on the table and entwined his fingers. "Then what are you gonna do? Sasabihin mo na ba sa kanya ang totoo? Kayo naman na, hindi ba? Nag-text brigade ka sa aming lahat kagabi."
"Did I?"
"Yeah. You're bragging about Sadie finally saying yes to you."
I clicked my tongue. "Naalala ko na. Anyway, I guess I'm gonna have to tell her the truth. Hahanap lang ako ng tyempo. Ayaw kong iba ang maging interpretasyon niya sa pagpapanggap ko."
Cielle's desk phone rang. Pinuntahan iyon ni Cielle at sinagot, at nang makabalik siya ay parang hindi na maipinta ang mukha.
"Sir Kon? Sir Eiji's executive assistant dropped by. He... wanted to invite you for dinner."
"Me?" kunot-noo kong tanong.
"He uhm... specifically asked for the janitor named... Kanor Baltazar."
Nagkatinginan kami ni Keeno bago ako bumuntong-hininga. "Puta naman. Paano kung na-contact na rin niya si Sadie?"
"Ikaw lang ang makakaalam kung na-contact na niya. I guess you need to ask her yourself," sagot ni Keeno bago tumayo. "Tapos ko nang pirmahan lahat ng documents na kailangan for next week. Hinihintay na ako nina Daddy sa airport. Do you think you can handle it o sila na lang ang babyahe?"
I ran my fingers onto my hair. Ngayon ang byahe nina Mama, Daddy, Klinn, Khalila at Keeno papuntang US para sa eye operation ni Klinn. Nakaalis na rin ng bansa si Kreige para sa laban niya, habang si Keios naman ang maiiwan sa bansa kasama ko.
"I guess I can handle everything while you're gone. Hindi naman magpapasaway si Keios."
He jerked his head. "Nandiyan naman si Cielle. Kaya ka naman niyang alalayan."
"Yeah." I stood up. "Pupuntahan ko muna si Sadie."
"Sir Kon? Are you gonna agree to Eiji Takishima's invitation?"
I sighed. "Yeah, pero ako ang magdedesisyon kung saan kami magkikita."
Tumango si Cielle at kinuha na ang contact number ng sekretarya ni Eiji. Lumabas naman ako ng opisina ni Keeno para hanapin si Sadie.
I found her in her office, staring at nowhere as if she's thinking about something. Nang kumatok ako sa pinto ay doon lamang niya naramdaman ang presensya ko.
She drew in a sharp breath. "Kanor." She cleared her throat. "Tara. Mag-lunch na tayo."
I nodded. Inalalayan ko siyang tumayo mula sa swivel chair niya saka kami magkahawak-kamay na pumunta ng cafeteria, ngunit pagpasok namin ay nakilala siya ng isa sa mga bagong empleyado.
"Sadie? Wow. Dito ka na pala?" The guy smirked and looked at our entwined fingers. "Grabe. Boyfriend mo na pala 'to? Uh, no offense pero... 'di ba utility personnel 'to?"
Parang sinaksak ang dibdib ko nang bawiin niya ang kamay niya na parang ikinahiya niya ako.
"I... I didn't know na nakapasok ka rin pala rito." She cleared her throat. "Sina Lanie? Saan nag-apply?"
Umigting ang panga ko sa inis. Bakit gano'n? Mahirap bang amining boyfriend niya ako? Nakakahiya ba na naka-janitorial uniform ang nobyo niya?
I shook my head and buried my palms in my pockets. "Hindi pa pala ako gutom. Mauna ka nang kumain. Maglilinis muna ako ng banyo."
"Kanor, sandali—"
Hindi ko na siya pinatapos pa. Masama ang loob akong lumabas ng cafeteria, pero bago ako nakasakay ng elevator ay nagawa niyang humabol.
I dodged her gaze and just pressed the fifteenth floor. Nang sumara ang pinto ng elevator ay hinawakan niya ako sa braso saka siya bumuntong hininga.
"Sorry, okay? Hindi ko alam kung papaano—"
"Papaano mo ipapaliwanag sa mga tao na sa janitor ka pumatol, hmm? Importante ba kung ano ang trabaho ko, Sadie?"
She pursed her lips and tried to take in a deep breath. "Alam ng lahat kung gaano ko kagustong makapangasawa ng Ducani. I ignored every single guy who tried to court me before. Siguradong pagtatawanan nila ako kapag—"
"Iyon na nga, Sadie. Parang mas mahalaga pa ang sasabihin ng mga tao sa kung ano ang nararamdaman mo." I looked away. "At ang sakit no'n kasi parang hindi ako sapat. Kailangan ba talagang may makapangyarihang apelyidong nakadikit sa pangalan ko para naman hindi mo ako ikahiya?"
Hindi niya ako nasagot, kaya nang bumukas ang pinto sa fifteenth floor, lumabas na ako at dumiretso sa utility room.
I grabbed my mop and started cleaning the women's room, but a few moments later, Sadie walked in, hugged me from the back and then spoke in a low, almost pleading tone.
"Hindi kita kinakahiya. Nahihiya ako sa sarili ko, dahil kahit anong tayog ng pangarap ko, hindi ko pa rin naiwasang magmahal ng taong hindi ko planong gustuhin." She sniffed. "Sorry kung sa tingin mo hindi ka sapat. Siguro may bahagi pa rin ng pagkatao kong nagdadalawang-isip kung tama ba 'tong mga naging desisyon ko, pero hindi ibig sabihin no'n na hindi na totoo ang nararamdaman ko."
I sighed and turned to face her. "Sabihin mo sa akin ngayon. Handa mo ba akong mahalin kahit ito lang ang trabaho ko?"
Her eyes flickered with confusion, and the moment her tears fell while she remains quiet, it hit me.
If she couldn't be confident about our relationship while she only knows me as the janitor who fell in love with her, I don't think it's a good idea to let her know this early about my real identity.
Humakbang ako paatras at malamig ang mga mata siyang tinitigan sa mga mata.
"Mahal kita at totoo 'tong nararamdaman ko, pero kung hindi mo handang tanggapin ang pagkatao kong 'to, mas mabuti sigurong... mag-isip ka na muna, Sadie kung gusto mo pa bang ituloy kung ano ang meron tayo. Dahil gaya ng sinabi ko sa sarili ko, oras na ikaw na ang manakit sa akin, hindi ko na alam kung makakayanan ko pa bang bumangon." I swallowed the lump in my throat. "Mag-isip ka muna, mahal. Kasi oras na ako na ang magmalaki sayo, bawat sulok ng mundo mararamdaman ang pagmamahal ko..."
BINABASA MO ANG
DUCANI LEGACY SERIES #2: KONNAR
RomanceMasked as a nobody in the world he was ruling behind the curtains, Konnar's attention was caught by Sadie's delusions and played along. When romance blooms while truth remains masked, will love be enough for Sadie to forgive the man who disguised hi...