Kabanata 27

42.2K 1K 170
                                    

Kabanata 27

Sadie

I blinked. Twice. But Konnar in his butler suit didn't disappear. Ngumiti pa nga siya nang pagkalawak-lawak saka nag-bow sa akin bago siya bumati.

"Annyeong! Ay mali." He laughed and scratched his nape. "Korean pala 'yon."

My teeth gritted. "Anong ginagawa mo rito?"

"Uh, nagdala ng maleta mo?"

Aba't pinipilosopo pa ako ng gagong 'to?

"Alam kong nagdala ka ng maleta. Ang tinatanong ko kung ano mismo ang ginagawa mo rito sa Japan!"

"Ah!" He grinned and placed his hands behind him. "I got a new job here. Ayos ba? Bagay ba suot ko?"

Gigil na gigil akong umirap at binangga siya nang lumakad ako palabas. "Eiji!"

My brother walked out of his own room. "Why?"

Idinuro ko si Konnar na nasa tapat na ng pinto ng kwarto ko. "What is he doing here?"

"He's the new butler." He wore his trench coat. "Let's go. We gotta drop by at the building so you can check out your office," dagdag niya na para bang hindi importante ang aking naging tanong.

God, what the heck just happened? Hindi ba ay sinabi ko naman na kay Eiji na kaya rin ako nagdesisyong sumama sa Japan ay dahil kinukulit ako ni Konnar sa Pilipinas? Did he hit his head or I'm missing something here?

Nilingon ko si Konnar na ngingisi-ngisi lamang. Nang tumingin siya kay Eiji ay sumaludo pa ang gago kaya bumuntong hininga si Eiji.

"Come on, Ducani. We don't do that here." He patted my shoulder. "Let's go, Sadie."

Inis na inis na lang akong bumuntot sa kapatid ko hanggang sa narating namin ang limousine, ngunit nang pagbuksan ako ng pinto ni Konnar ay mangani-ngani ko siyang kalmutin.

"Tantanan mo nga ako!"

Imbes na makinig ay lalo pa niyang ibinukas ang pinto saka imwinestra ang kamay na tila sinasabing pumasok na ako. Bwisit tuloy akong pumasok ng limo saka ko inirapan ang kapatid kong nagpipigil ng ngisi.

"I don't appreciate this betrayal, Eiji," asik ko at inirapan siyang muli.

Eiji adjusted his coat. "You'll thank me soon. I could feel it, sis."

I shook my head. They are unbelievable. Ano ba ang sinabi ni Konnar para mapapayag niya abg kapatid kong tanggapin siya bilang butler? Did he offer a secret in business or something?

I sighed and tried to calm myself, but when I saw Konnar hopped in and started the engine, my lips parted in surprise.

"Why is he driving this thing?" tanong ko kay Eiji.

"He's the new driver," walang gana niyang tugon habang nagtitipa sa kanyang cellphone.

Napakurap ako't nakaawang pa ang mga labing bumaling kay Konnar na nasa driver's seat. The motherfucker glanced at me and winked, kaya gigil na gigil kong ikinuyom ang aking mga kamao.

Naku, malilintikan sa akin 'tong si Eiji mamaya! Baka makalbo ko ang lintik na 'to kahit na ma-deport pa ako at bumalik sa pagiging pobre!

Tumingin na lang ako sa labas ng limo at sinubukang pakalmahin ang sarili ko. Maybe if I will pretend that I don't see Konnar, my life would be a little easier. Tama. Kung butler at driver naman siya, pwede akong magpakabugbog na lang sa trabahong ibibigay ni Eiji sa opisina para hindi ko palaging makakasalamuha si Konnar sa bahay. Kung patuloy ko siyang hindi papansinin, baka umuwi rin ito ng Pilipinas pagkalipas ng ilang linggo.

I shut my eyes and breathed out a couple times to calm my nerves. Nag-usap na lang din kami ni Eiji tungkol sa kundisyon ni Daddy nang kahit paano ay maokupa ang isip ko.

"He does his dialysis every Friday. Sometimes I cannot accompany him so I let the nurse take him to the center," ani Eiji.

"I'm here now. Maybe I can come with him instead," prisinta ko habang todo ang iwas na pansinin ang nakaw na sulyap ni Konnar sa rearview mirror.

Eiji smiled. "Dad will surely love that, Sadie. Ever since he told me about you, he often tells me that it would be nice to spend a lot of time with you."

"Well, I'd rather go with him than stay at home at be around this motherfucker..."

Inirapan ko si Konnar. Nagpigil naman ng ngisi si Eiji saka siya tumikhim. "I'll introduce you to our new business partner later. I'm planning to let you lead the team foe the new project."

"Uh, I don't know if I can do that."

"Don't worry. I'll make sure you will have a good mentor. Besides, I'll still be guiding you until you get the hang of it." He patted my head as if I'm some kind of doll. "You'll be fine, Sadie."

"Tama. You'll be fine, mahal—"

"Tumahimik ka bago kita sipain palabas ng kotse at ibaon sa makapal na yelo, gago," asik ko nang sumabat si Konnar sa amin ni Eiji.

Kahit hindi naintindihan ng kapatid ko ang aking sinabi, nagawa pa rin niyang bumungisngis habang umiiling.

Umirap na lamang ako sa kanilang dalawa. Nang marating namin ang Takishima Building ay pinagbuksan ko na ang sarili ko ng pinto bago pa man nakalabas si Konnar ng limo. Eiji guided me in, at dahil hindi na sumama si Konnar sa pagpasok namin ng elevator ay akala ko makakahinga na ako nang maluwag, pero pagdating namin sa executive's floor, ganoon na lang ang inis ko nang lumabas si Konnar sa isa pang elevator. Ngingisi-ngisi pa ang gago habang ibinibigay sa isang medyo mas batang lalake ang coat ng kanyang butler attire.

Did he use the other elevator to change into a business suit?

I sighed. Pakialam ko naman?

"This way, sis," ani Eiji saka ako dinala sa opisina ko. "This will be your own office. We'll have it renovated if you wanna change a few things."

Pinasadahan ko ng tingin ang paligid, ngunit nang makita ko ang isa pang desk na malapit sa pinto ay kumunot ang aking noo.

"Why is there another desk?"

"Oh, that's for your secretary," ani Eiji.

"Is it gonna be Nikida?"

Eiji shook his head then pointed the man leaning against the door frame. Nang makita ko ang ngisi ni Konnar ay halos umakyat lahat ng dugo sa aking ulo.

"He's. My. Fucking. Secretary. Too?!"

Eiji swallowed hard. "Uhm... not just your secretary."

Tumaas ang kilay ko. "What else, hmm? Anything else you wanna tell me right now before I bury you, too, brother?"

Eiji took a step back and smiled in an awkward way. "He's uh... your mentor, too."

Napapikit na ako nang tuluyan habang nakakuyom ang aking mga kamao sa galit.

"That's it, hmm?"

"He's also your personal utility guy."

My teeth gritted. "And?"

"Your own chef..." tila kabado nang dagdag ni Eiji.

"What. Else. Hmm?" gigil na gigil ko nang tanong.

Eiji's face turned pale.

"Your own maid... and the business partner you will be working closely with for our new project..."

Napasandal na ako nang tuluyan sa aking desk habang nanginginig ang katawan ko sa galit.

"I swear to God, Eiji. If you will tell me about one more fucking job that you decided to give to that man, I swear, I'm gonna smack you on the face..." Matalim kong tinitigan ang kapatid ko. "What else?!"

Eiji's adam's apple bobbed up and down as he maintained a sage distance from me.

"He's your... personal masseur..."

Namula na ako nang tuluyan sa galit.

"Putangina mo, Eiji!"

DUCANI LEGACY SERIES #2: KONNARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon