Kabanata 9

42.4K 1K 270
                                    

Kabanata 9

Konnar

"Wala na akong pang-jeep. Dadalhan ko ng grocery si Sadie." I pulled my pocket out and showed him the three pesos left in it. "See? Wala na akong pera."

Keeno groaned, rubbed his palms on his face, and sighed. "Do you know what I need right now, brother, hmm?"

"Ano?"

"Cielle! Find me a store where I can buy patience before I throw myself on a remote island where this brother of mine can no longer pester me."

Natawa si Cielle. "Unfortunately, Sir Keeno, there is no place in this world selling patience." She shook her head while grinning. "Sir Kon, hindi mo pa rin ginagamit ang cards mo. Pwedeng ako na lang ang mag-withdraw."

"Naiwan ko sa bahay." Bumaling ako kay Keeno. "Pautangin mo na lang ako ng one hundred."

He sighed. "Give him a hundred k."

"Isandaan lang kako hindi isandaang libo. Cielle, one hundred lang. Pamasahe ko lang."

"May I remind you that you own four SUVs, two pickups, seven RVs, six limited-edition sports cars, two limousines, three yachts, a couple of private jets, and a goddamn cruise ship." Keeno laid his palm flat on the table while looking at me like a hungry leopard who's about to tear my flesh apart. "So tell me why the hell do you need a hundred peso bill for your fare, hmm?"

Ngumisi ako. "Kasi masayang mag-jeep. Close lahat ng pasahero. Share-share ng upuan at nag-aabutan ng bayad."

Napasandal siya nang tuluyan sa swivel chair niya. "That's it. I'm calling secretary Beun. I need a month-long break. I can't do this anymore."

Humalakhak ako. "Isandaan lang naman inuutang ko, ah?"

"Iyon nga ang problema, kuya! One hundred! You keep on giving me these irrational problems." He sighed. "Parang awa mo na, just use your cards or drive your cars."

Natawa ako nang tila siya na ang pinakaproblemadong tao sa mundo. "Sorry na pala. Eewee!"

"Putangina talaga..." Keeno rubbed his palms on his face while Cielle laughed while covering her face with her ipad. Mayamaya ay tinawagan na ni Keeno si Daddy at tuluyang nagsumbong. "Yes, Dad. He's making me lose my mind! I didn't sign up for this!"

Natatawa na lang akong lumapit kay Cielle. "Cielle, pautangin mo na lang ako."

She laughed. Mayamaya ay kumuha siya ng pera sa wallet niya saka iyon ibinigay sa akin. "Huwag mo nang bayaran, Sir Kon. Basta bawasan mo na lang ang pang-aasar kay Sir Keeno at baka bukas hindi na pumasok. May mga importante pa namang meetings."

I nodded. Nagpaalam na ako sa kanila saka ako umalis. I went to the basement and asked Cielle to secure the place. Tinawagan niya ang mga gwardyang nakaaalam ng sikreto ko. Nang masigurong wala nang makakakita ay binuksan ko ang kotseng dala ko at kinuha ang groceries na pinamili ko para kay Sadie.

"Ready na ba 'yong posisyon na para kay Sadie?" tanong ko kay Cielle sa phone habang isinasara ang trunk ng kotse.

"Yes, Sir Kon. The HR manager will interview her by tomorrow."

"Eh, 'yong sinabi kong sahod? Ayos na ba?"

"Yes, Sir. Eighty thousand as a starting salary."

I smirked. "Good. Iiwan ko ang susi ng kotse sa guard. Just get it from him later."

"Okay, Sir. Ingat po. Palalamigin ko lang muna ang ulo ni Sir Keeno bago 'to mag-alsabalutan."

Humalakhak ako. "Sige, sige. Pakisabi sa kanya bukas ko na ulit siya paiiyakin."

Natawa na lang din si Cielle. Nang maputol ang tawag namin ay umalis na ako ng building. Pumila ako sa sakayan ng jeep gaya ng mga ordinaryong manggagawa. Nang makasakay, hindi ko napigilang magmasid.

Some don't look happy to finally come home. Most of them seemed too exhausted with work, while there's only a few who looked excited to see their family again.

Tumigil ang jeep nang may sumakay. Pagkapasok ng lalakeng may dalang bilao ng shanghai, tumikhim ako at sandaling bumwelo.

Kadalasan kapag nakakakita ako ng mga nagtitinda, naaalala ko ang dati naming buhay kaya hangga't kaya kong bumili sa mga tindero't tindera ngayong kaya ko na, bumibili talaga ako.

I watched him wipe his face with his face towel as he held on the steel rail. Mayamaya ay tuluyan akong nagtanong.

"Kuya, magkano sa shanghai?"

Bumaling siya sa akin. "Three fifty po isang bilao."

"Wala ka bang per piraso?"

"Ha?" Natawa siya. "Ay, bro hindi ko binibenta. Handa ng kapatid ko 'to. In-order lang namin."

"Ay shet." Bumungisngis kaming pareho ng tawa. "Sorry, sorry. Akala ko nagtitinda ka."

God, that was embarrassing. Kung kasama ko lang si Sadie, siguradong namula na naman ang mukha no'n sa hiya dahil sa akin.

Nagkwentuhan kami ng may-ari ng shanghai habang nasa byahe. Dahil napasarap ang pag-uusap, binigyan niya ako ng dalawang piraso bago siya bumaba. I waved my hand and said goodbye. Nang marating ko ang kanto ng apartment ni Sadie, kagat-kagat ko pa ang nahingi kong shanghai habang bumababa ng jeep.

I carried the bag of groceries to her apartment. Nang makarating ako ro'n ay problemado na naman ang itsura niya. She looked restless, and her eyes are puffy again.

Napabuntong hininga ako. "Magdamag ka na naman bang naghanap ng trabaho sa internet?"

Sadie bit her lower lip then nodded. "Oo kaso wala talaga. Kahit graduate, ang hirap humanap ng trabaho." She opened the bag of groceries. "Nag-advance ka na naman ba?"

"Hindi, ah? Tumama ako ng jueteng."

"Jueteng-jueteng ka diyan?"

I laughed. "Oo nga!"

Umirap siya sa akin saka na inayos ang mga binili ko. Lumapit naman ako at kumuha ng tubig na inumin.

"Nakausap ko pala si Ma'am Cielle."

She paused and looked at me with her sharp eyes. "Oh, tapos?"

I smirked. Itong Tigresang Hapon na 'to, hindi pa kasi sabihin kung nagseselos.

"Sabi niya pwede ka nang magpunta sa HR bukas ng alas dies. Pwede ka raw bilang sekretarya."

"Kanino naman, aber?"

"Sa Ducani raw."

Nabitiwan niya ang de latang hawak. Muntik pa siyang tamaan sa paa ngunit kahit yata mabagsakan siya ay hindi niya mabibigyan ng pansin. Bumaling siya sa akin na nanlalaki ang mga mata at parang hindi makapaniwala.

"Seryoso?!"

"Oo nga. Sabi ko sayo, malakas ako kay Ma'am Cielle."

Sumingkit na naman ang mga mata niya at ang nguso ay bahagyang humaba. "Baka naman kasi type ka niyang Ma'ma Cielle mo na 'yan, hmm?"

I grinned. "Selos ka naman kaagad."

Umirap siya. "Asa kang magseselos ako. Hindi naman kita type."

I scoffed. "Kasi Ducani lang type mo?"

"Mismo."

"Oh, paano kung type ka ng Ducani na magiging boss mo, hmm?"

"Eh, 'di maganda! Kasal kaagad ora-orada!"

I pursed my lips and went to her. Mayamaya ay ibilabas ko ang panyo ko saka ko hinawakan ang kamay niya.

Sadie's forehead creased. "Anong ginagawa mo?"

My lips curved for a meaningful smile.

"Sinusukat ang palasing-singan mo..."

DUCANI LEGACY SERIES #2: KONNARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon