Chapter 2:
Ang bilis.. Enrollment na agad.. Di ko man lang namalayan..
Hindi pa nga ko handang makipag break kay Gelo eh.
Ewan!! Di ko alam sa sarili ko.. Haha..
Kasi, habang tumatagal, nawawalan na ko ng gana sa relasyon namin eh..
Sabi nung mga kaibigan ko, normal lang daw to. Kasi, bata pa daw ako.
Normal lang na maghanap ako ng bago. Nung mas may thrill. Yung mas exciting.
Matututo ka lang daw magseryoso pag may sarili ka ng pamilya. O kaya naman, pag nasa edad ka na. Yung mature ka na talaga mag-isip.
Ang labo naman eh.. Pwede bang forever na lang na wag mag seryoso? Para walang sakit sa ulo. Tsk Tsk..
***
Nandito na ko sa GMATHS, school ko po. Gen. Mariano Alvarez Technical High School. Hindi yan private school. Mahirap lang kami eh. Hehe..
Nakita ko agad mga barkada ko, sila Onilee. Tapos, lumapit agad ako sakanila.
"Oi! Ipinila mo na ko?" -Ako
Ganto kasi pag public school. Uso ang pila. Walang kasawaang pila.
"Oo. Dali, singit ka na dito." -Nilee..
Ganyan kami palagi. Wala kaming pakialam kung magagalit yung naka sunod sa pila. Ang importante, matapos kami kagad.
"Ui! Si Gelo oh!" -Nilee
"Gel!" -Ako
"Hi Ma! Tapos ka na mag-enroll?" -Gelo
"Nakapila pa ko diba? Tsk." -Ako
"Hehe. Tulungan ko na kayo pumila. Dun ako sa SSG ha."
"Hmmn. Sige Pa. Thank you."
Ma at Pa ang tawagan namin. Corny no? Haha. Dati Mine, Kaso madami ng gumaya kaya nagpalit kami ng tawagan.
"Ang tyaga ni Gelo no?"- Nilee.
"yaan mo siya. Kayo ni Arvin musta?" -Ako
"Okay naman."
***
Tapos na enrollment namin..
Magkaklase kami ulit ni Onilee. Astig nga eh. Mula 2nd year magkaklase na kami..
Best friends na nga kami niyan eh. Tapos mag kapit bahay pa kaming dalawa. Magkatabi lang mga bahay namin. Haha.
Si Gelo, hindi na namin kaklase. Excited na ko malaman kung sino sino mga magiging bago kong classmate..
Hindi po kami block section. Kaya every school year, iba iba nagiging classmate ko. Hindi kasi ko nabibilang sa star section eh. (section 1-3)
Haaist..
Magkasama kami ni Gelo ngayon.. Hindi ko alam kung ngayon ko na ba siya ibebreak. SAyang kasi yung pinag samahan namin eh.
"Ma, ang tahimik mo." -Gelo
Ayan na. Nakokonsensya na ko. Aiyt.
"Hindi. MAy iniisip lang."
"Ano?"
"Secret! Haha."
"Ano nga? Dali na.."
"Break na tayo."
"What?!"
"SAbi ko, break na tayo."
Shit! Tama ba tong gagawin ko?? OMY!!
"Bakit?"
Tapos yumuko siya bigla. Nakokonsensya na talaga ko. Swear.
"MAy bago ka na ba?"
"Meron." Liar ka Lyn! Liar!
"Sino Sam?" Sam po tawag ng mga kaklase at ibang kaibigan ko sakin. Yung iba naman, Samara tawag. Ayaw ko na tinatawag akong Lyn eh.
"Wag mo na alamin. Basta. Break na tayo. Ayaw ko na sayo."
"Bakit?"
"Gangster ka kasi! May praternity ka! Pag tumiwalag ka na sa Tau Gamma, babalikan kita!"
Tapos tumakbo na ko palayo.
Ang Liar ko kasi eh..
Kelangan ko siyang saktan para kalimutan na niya ko..
Alam kong hindi niya kayang tumiwalag sa grupo niya. Kaya alam kong hindi na niya ko kukulitin after nito..
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Hehe. Vote and comment po kayo ha.. :)
Pasensya na po kung di masyadong maganda..

BINABASA MO ANG
Teen's world
Fiksi RemajaEarly pregnancy, at the age of fifteen.. Would i be able to handle it?