Chapter 11:

337 5 2
                                    

Chapter 11:

NAgsimula na yung practice namin sa ballroom.

Si Josh na talaga ang official partner ko. Si Nilee, Steph, Leann, Chelle, at yung partners nila ang kagrupo ko.

Kila Chelle kami mag papractice ngayon. Sa kanila lang kasi yung may medyo maluwag na space, tapos malapit pa sa school.

May sariling lugar  na pinagpaparacticean sila Frank kaya halos di na niya ko naihahatid. Buti na lang nandyan si Josh para ihatid ako.

"Sam, gusto mo hatid na kita ng motor mamaya?" -Chelle.

eto na naman si feeler. Mahilig mag marunong si Chelle. Yung tipong gusto niya siya na lahat. Kesyo marunong daw siya sa ganito, alam daw niya yung ganiyan. Ah ewan. Hindi naman kasi totoo lahat ng sinasabi niya eh.

"Ayoko. MAglalakad na lang ako. Baka mamaya, madisgrasya pa ko." -Ako

"Alam mo chelle, luto ka na lang ng Sarsyado. Forte mo yun diba?"- Steph

"Oo nga naman Chelle. Para matikman naman namin yung luto mo." - Second the motion with sarcasm.

"Ha. Ayoko. Wala ko sa mood magluto." -Chelle.

 Tsk. Nag kaila pa.

"Hay nako, buti kung mapagluto niyo yan. Eh hindi naman marunong yan eh. MAg luto nga ng itlog nasusunog pa niyan. Sarsyado pa kaya." -Chelle's mom.

See. Ultimo Mama niya pinag kanulo na siya. She shooked her head.

"Bili lang ako ng juice." -Chelle.

Malamang na napahiya siya kaya ganun. Haha. Pwede naman kasing ipakita na lang niya kung ano talagang ugali ang meron siya. Hindi yung kelangan pa niyang mag panggap. Wala naman kasing taong perpekto. Walang taong kayang gawin ng perfect ang lahat ng bagay. Lahat may kahinaan. 

Mas matatanggap pa nga namin talaga siya kung ipapakita niya yung totoong siya. Hindi yung kelangan pa niyang magsuot ng maskara.

***

"Guys, Pack up na." -Kuya Joms. Choreographer namin.

"Kelan ulit practice kuya?" -Nilee.

"Tignan ko bukas. May klase kasi ko eh."

Super bait nito ni Kuya Joms. Wala ngang bayad yung pagtuturo niya sa amin. Siya pa nagpapameryenda. Bongga diba? Hindi na nga yan napasok minsan para lang maturuan kami eh.

Naglakad na kami palabas ng Tahanan after namin mag pack up.

"Kuya, magpapasama lang ako kay Sam ha. Una na kayo umuwi." -Josh

"Sige. Ingat kayong dalawa." 

Hinintay lang namin makasakay sila ng jeep. Ang sama ng tingin sa akin ni Nilee. Parang gusto na niya ko kainin. Hindi ko tuloy alam kung bestfriend ko pa nga ba siyang matatawag.

"San ba tayo pupunta?" -Ako

"Wala. Lakad lakad lang." -Josh

After 30 minutes, he decided to go home.

"Naiinis ako sayo." -Josh

"Huh? Bat naman? Ano ba ginawa ko? Wala naman ah." -AKo

"Wala na kasi yung feelings ko sayo. Tapos ngayon bumalik na naman. Sira ka kasi eh. Bat kasi ako pa ang napili mong maging partner."

"Eh malay ko bang wala na. Sorry naman. Tsaka, kayo na ulit ni Mau diba?"

"Hindi no. MAgkaibigan na lang kami nun."

"Mag kaibigan nga ba o magka-ibigan?" 

"Baliw ka talaga." tapos sinusundot niya kilikili ko.

"Hoy! wag ka mangiliti!" I was giggling. Ang kulit kasi. Parang sira.

Hanggang sa pag baba namin ng Jeep, nag haharutan kaming dalawa. Ang saya. PAra kaming mga bata. Ito yung isa sa mga bagay na hindi namin nagagawa ni Frank. He's too serious kasi.

Natigil ako sa pagtwa nung biglang naging seryoso si Josh. Tapos nakatitig lang siya sa isang tao. Tinignan ko kung sino yung tinitignan niya. It was Frank.

"Ang saya niyo ah?" -Frank

"Hiniram ko muna si Sam ah. Pinasasaya ko. Di mo kasi siya kayang pasayahin."

***

Frank's POV

"Hiniram ko muna si Sam ah. Pinasasaya ko. Di mo kasi siya kayang pasayahin."

Natahimik ako sa sinabi niyang yun. Hindi ko nga ba talaga kayang pasayahin si Sam?

Pero, nakangiti naman siya pag mag kasama kami eh.  She' never complained about us. 

"Sige, ako na maghahatid sa kaniya." -Ako

"Una ka na Josh. bbye. Salamat." -Sam

Naglakad na si Josh pauwi. Tapos nagpunta muna kami ni Sam sa bahay.

"Kumusta naman ang practice niyo?" -Ako. Wala na kong time madalas para kay Sam. KAya gusto ko sanang sulitin yung mga ganitong pag kakataon.

"Okay naman. Ah Frank, gumagabi na kasi. Hahanapin na ko ni Ate sa bahay. Alam mo naman yun pag nagalit."- Sam

Ramdam ko na naiwas siya. Pero pwede din namang baka nga magalit na yung Ate niya. Hinatid ko na siya hanggang sa gate ng bahay nila.

"pasok ka na." -Ako

"Sige ingat ka." -Sam

I planted a smack on her lips. Minsan lang namin to gawin eh. We never reached that far. Kiss kiss lang.  Smack pa.

Sampal yun sa pag kalalaki ko. But I can't  do anything about it. Mahal ko si Sam at hangga't maaari, gagalangin ko ang pagkababae niya.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Okay lang ba?? Hehe. Ampanget ng updates ko. Pasyensya po.

Penge nalang pong comments. Hehe. ^___^

Sa mha readers ko dito, be a fan sa gusto. XD 

Teen's worldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon