Chapter 32

531 35 3
                                    

Matiwasay na gumulong ang mga araw. Pero nakapagtatakang may mga oras na hindi ako mapakali. Kahit walang dahilan, inaatake ako ng kaba. Pakiramdam ko artificial ang katahimikang ini-enjoy namin ng aking mag-ama at hindi ko maiwasang isipin na baka may kapalit na naman. Tulad ng tawa, laging may katumbas na luha.

"Baka acid reflux iyan," sabi ni Mama.

Nasa kusina kami at naghahanda para sa mga paninda ko. Naikuwento ko sa kaniya ang pabugso-bugsong kaba na naramdaman ko nitong mga nakaraang araw.

"Nagpalpitate ka ba? Magpa-check-up ka na kaya?" mungkahi ni Mama.

Umiling ako. "Okay lang po ako, Ma. Masyado lang siguro akong nag-o-overthink."

"Mabuti na 'yong nakakasiguro tayo. Hindi natin nakikita kung ano'ng nangyayari sa loob ng katawan natin."

Muli kong binilang ang polyethylene na may tig-fi-fifty na piraso ng munchkins. Twenty-five lahat. Orders iyon mula sa canteen ng university at sa opisina ni Yanixx. Sa hapon pa ang klase ko ngayon, dadaan ako ng Mayor's Office bago tutuloy sa CTU.

"Totoo bang ipinipilit mong bayaran 'yong utang ng lolo mo at ng Papa mo?

Natigil ako sa pagbibilang ng mga sisidlan ng hotcake at kamote delights.

"Sino po ang nagsabi sa inyo?"

Si Yanixx siguro. Hindi ako makapaniwalang nagsumbong ang bakulaw na iyon kay Mama. Parang bata talaga.

"Utang natin iyon, Ma. Obligasyon nating bayaran iyon."

"Pinaiiral mo naman iyang pride mo. Mamaya maging mitsa na naman iyan ng pag-aaway ninyong mag-asawa."

"Mag-asawa? Annuled na po kami, ex-husband ko siya."

"Nagkakaayos na kayo at may balak naman daw kayong magpakasal sa simbahan."

"Ma, magsisimula po kami ni Yanixx at gagawin namin 'to sa tamang proseso. Hindi naman namin kailangang magmadali."

Sa parteng iyon ay hindi na sumalungat sa akin si Mama.

Nakapagbihis na ako at ready na rin ang mga dadalhin ko nang dumating ang aking sundo. Bahagya akong nagulat nang masumpungan si Yanixx na pumanhik ng bahay kasama ang isa sa mga back-up niya.

May pilyong ngisi na agad siya. Siyempre ako lang ang nakakaalam na paraan niya iyon nang panlalandi sa akin. Hindi ko naman itatangging masyado akong naguguwapuhan sa kaniya kapag nakangiti.

Hinagkan niya ako sa labi. "Am I late?"

"Hindi, katatapos ko lang din nagprepare. Wala kang meeting?" tanong ko na kumapit sa kaniyang braso.

Bitbit niya ang isa sa mga paper bags na naglalaman ng mga paninda ko habang ang dalawa pa ay tinangay na ng kaniyang back-up.

"I excuse myself."

"Naku, may balak ka na naman bang maghulog sa alkansiya mo mamaya?" pabirong kong pakli.

Humalakhak siya. "Wala akong lusot sa iyo."

Pero natutuwa ako kahit medyo selfish ang ginawa niya kasi importante na focus siya sa obligasyon niya sa lungsod.

"Tungkol saan ang meeting?"

"Seal of Good Local Governance, malapit na ang validation." Ipinagbukas niya ako ng pinto ng sasakyan.

"May maitutulong ba ako? Kahit sa clerical lang."

"So far, we are in good standing. But we need a bit of coaching in the technical parts and some components constituting the entire process. I have to handle that personally."

ISLA SEÑORITA : LUHA AT BARYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon