Chapter 31

1.1K 59 12
                                    

Umawang na lang ang bibig ko habang hinahabol sina Yanixx at Vince na nagmartsa palabas ng kuwarto. Bitbit ng anak ko ang paborito niyang unan na may mukha ni Tom at mayroong mga tainga ng pusa.

"Teka lang, saan matutulog si Vince?" atungal ko. Gusto kong hablutin ang anak ko at ibalik sa kuwarto niya. Kung ako lang mag-isa ang matutulog doon, paano na?

"Mama, I will sleep in Lola's room tonight because Nanay Rosie will change my pillows and bed sheets," inosenteng sabi ng bata at tumingala sa Daddy niya.

Bumusangot ako nang bongga habang si Yanixx ay nakangisi nang malaki. Larawan sa guwapo niyang mukha ang tagumpay. Pinandidilatan ko siya. Nananadya ba siya? Talagang hindi niya ako bibigyan ng pagkakataong makaligtas sa libog niya ngayong gabi.

"Manang Rosie will disinfect the room, it will be out of order for two nights at least," paliwanag niya matapos tumikhim.

"May usapan tayo, Yanixx, isang beses lang sa isang linggo. Hindi pa nga tayo nagsimula, umaabuso ka na!" angal kong nayayamot. Ang tuso niya talaga! Gusto ko na siyang kutusan. Umaatake na naman ang pagka-selfish niya. Sarili lang ang iniisip. Kung puwede lang magpalagay muna ng zipper sa sensitive part ng katawan ko, talagang gagawin ko hanggang sa makapagtapos ako ng pag-aaral.

"I have a much better arrangement, pag-uusapan natin mamaya." Kumindat siya at tinangay na ang anak namin.

Hindi ko pa rin siya napahinuhod kahit galit-galitan na ang peg ko. Alam niya kasi kung kailan ako seryoso at kung kailan hilaw ang inis ko at kunting lambing lang niya ay matutunaw rin. Nagmamaktol na nakabuntot ako sa kanilang dalawa habang papunta sa kuwarto ni Mama. Panay ang lingon ni Vince sa akin at napapansin ko ang aliw sa mga mata ng bata.

"Mama, why are you pouting like that?" Humagikgik ang anak ko. "Your nose is getting smaller and your eyes are getting big, you look funny."

Humagalpak nang tawa si Yanixx. "Your Mama is planning to kiss me that's why she's doing that."

"Really? Why don't you let her? Daddy can kiss her instead."

"What?" sikmat ko sa kanilang dalawa. "Huwag mong turuan ng kabalbalan iyang bata, ang kapal ng mukha mo!"

"Totoo ang sinabi ko, kaya humahaba ng ganyan iyang nguso mo kasi gusto mo akong halikan."

"I also pout when I kissed Daddy," masayang sumingit si Vince, paniwalang-paniwala na gusto ko talagang halikan ang Daddy nito kaya ako nakasimangot.

Napilitan akong ayusin ang mukha ko kahit gigil na gigil na akong buntalin si Yanixx. Pero hindi magandang makita ng anak kong magiging brutal ako sa ama nito.

Pagkahatid namin kay Vince sa silid ni Mama ay hindi ko na tinigilan sa kasasapok si Yanixx. Panay lang ang halakhak niya. Hindi umiwas at hindi ako pinigilan.

"Hindi ako nagkamali sa pagpili sa iyo, magiging bugbog-sarado ako sa pagmamahal mo," maloko niyang tudyo at sinaklot ako sa balakang. Pinasan sa kaniyang balikat na parang isang sakong bigas na kinulang sa tamang timbang.

"Walang gamot iyang kamanyakan mo!"

"Mayroon, ikaw at iyang makipot na alkansiya sa gitna ng mga hita mo. Ilang taon na ring hindi ako nakapag-invest diyan kaya gusto kong bumawi." Itinuloy niya ako sa kaniyang kuwarto. "This is the perfect time to invest my capital again inside your womb. After nine months makikita na naman natin ang pinagsama nating savings, gaya ni Vince. Hindi ka ba excited magkaroon ng cute baby girl?"

Paglapag ko sa kama ay dinakma ko ang unan at pinaghahampas ko siya. "Hindi ka tumutupad sa usapan! Sabi ko magtatapos pa ako ng pag-aaral!"

Lumungkot bigla ang mukha niya pero duda ako kung hindi siya umaarte lang. Naupo siya at natigil naman ako sa kahahataw sa kaniya. Hinaplos niya ang pisngi ko, ang buhok ko at dinala sa kaniyang bibig, hinalikan.

ISLA SEÑORITA : LUHA AT BARYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon