Chapter 29

802 54 6
                                    

TARANTA akong kumapit sa bed sheet nang dumako ang halik at maliliit na kagat ni Yanixx sa peklat na nasa ibaba ng aking tiyan. Kunti na lang mararating na niya ang sensitibong parte na kanina pa nagpupulso. Natupok na naman ako sa pakiramdam na hindi ko matukoy kung mababaliw ako o hihimatayin na lang dahil sa mala-bahagharing emosyon na bumalot sa akin.

Nilalabanan ko ang lubusang magpatangay sa masarap na sensasyong idinulot niya habang pabugso-bugsong umaalma ang aking utak. Safe naman siguro ako ngayon kaya ayos lang kung madiligan ako. Sinubukan ko pang magbilang pero sumirko ang utak ko nang lumapat ang labi niya sa aking pagkababae at kiniliti ng malikot niyang dila ang sibol ng kaligayahang nakasiksik sa gitna. Naihampas kong muli ang ulo sa unan at mariing kinagat ang labi.

"Y-Yanixx..." hiningal ako sa alimpuyong pinukaw niya at pinaghiwalay pa lalo ang aking mga hita.

"I'm dripping," anas niyang naghahabol din ng hininga at pumosisyon sa gitna ng aking mga hita.

Bago ko pa nabawi ang hangin na kailangan ng aking baga ay nadama ko na ang pagkatok ng tigas niya sa pagkababae ko. Hindi ko na nagawang huminga at sinulit na lang ang magaspang na paghagod ng kahabaan niya papasok sa kailaliman ko hanggang sa maibaon niya nang sagad ang sarili sa akin.

Ibinuga ko ang inipong hangin kasabay ang maharot na halinghing na nagpaungol sa kanya. Niyakap ko siya at ipinulupot ko ang mga binti sa kanyang baywang. Nagsimula siyang gumalaw, mabagal at mariin. Muling sinakop ang pamilyar niyang teritoryo sa ilalim at pinukaw ang natitirang bahagi na silyado.

"Ace..." ungol niya nang lubusang mabawi ang kaniyang tiyempo at bumilis ang pagsulong papasok at palabas. Wari ay may hinahabol.

Abot-abot na ang aking halinghing at paghinga. Nasasamid na ako ng sarili kong laway at sininok. Ang katawan ko na sumasabay sa kaniya, ang utak at puso ko ay nagkakasundong lumaya. Pinagbigyan ko ang sarili na maging alipin sa masarap na haplos ng nakababaliw na pagmamahal ni Yanixx.

Maaring sa ganito ulit kami nagsimula pero masasabi kong nasa tamang panahon na kami. Nasa tamang edad na ako at sigurado na sa nararamdaman ko para sa kanya. Hindi takot kundi pagmamahal ang nagtulak sa akin para pumayag. Hindi na rin ako takot sa ibubunga nito. Higit sa lahat, 'yong kunting kirot ngayon ay nakadagdag sa sarap at sidhi.

Kahit puyat at namamaga ang katawan, magaan ang pakiramdam ko nang bumangon nang madaling araw.

"Considerate naman ako, 'di ba?  Dalawang beses nga lang akong umulit at hinayaan kitang makatulog ng iilang oras," pilyo niyang panunukso sa akin.

Kinuyog ko siya nang pinong kurot sa tiyan. Ang ngisi niya ay nauwi na sa malutong na tawa.

"You're going to make that munchkin and hotcake?" tanong niyang bumangon din at dinakma ako.

Naudlot ang pagbibihis ko. "Maniningil si Vince mamaya paggising n'on. Nagpromise ako sa kanya." Pilit akong kumawala sa kaniya pero madali lang niya akong napaupo sa kaniyang kandungan.

"I love the taste of my munchkins and of course my special hot cake." Nasa nipples ko na ang kaniyang mga daliri, naglalaro.

Pasikmat ang tunog nang halinghing ko. "Gusto mo hindi ka na talaga makauulit pa, Mayor? Sige ka," banta ko pa.

"Ang tagal kong nag-diet tapos ngayon gugutumin mo na naman ako? Hindi iyon makatarungan," angal niyang pinakawalan ako. Takot palang hindi na makauulit.

Bumungisngis ako at itinuloy ang pagbibihis. Itinali ko ng loose ponytail ang buhok at sinuyod ng sulyap ang kama. Bakas sa mga gusot ng bed sheet at sa magulong kumot at mga unan ang ginawa namin.

Bumaba siya at pinagdadampot sa sahig ang kanyang boxer, pantalon at shirt.

"Sasamahan na kita. You could use a little help from me," pagmamalaki niya habang nagbibihis na rin.

ISLA SEÑORITA : LUHA AT BARYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon