Chapter 16

662 52 10
                                    

Nagiging bangungot sa akin ang sinabi ni Judge Salimbangon. Gabi-gabi akong ginigising ng senaryong nakukulong si Mayor Yanixx. Na bumagsak ang political career niya dahil sa akin. Na binubugbog siya sa loob ng kulungan tulad nang nakikita ko sa mga pelikula sa tv.

"Tumingin ka sa akin, Graciela!" matigas na angil ni Mayor Yanixx.

Hindi ako kumibo at lalo pang iniwas sa kaniya ang paningin ko. Buti na lang at nakisama ang mga mata ko ngayon. Baka napagod na o kaya ay naubos ang mga luha ko dahil doon pa lang sa school at sa nakalipas na tatlong araw ay wala akong ginawa kundi ang umiyak.

Sa gitna namin ang pabilog na mesang salamin at sa ibabaw niyon ang annulment papers na hiniling kong pirmahan niya. Alam kong kailangan niya nang paliwanag. Wala akong maibigay maliban sa kasinungalingang tatlong araw ko nang ini-ensayo at tatlong araw na ring paulit-ulit na dinudurog ang puso ko.

"Ace," paos na sambit ni Mayor. "Tell me, may nagawa ba akong kasalanan?"

Umiling ako. Hindi ako naniniwalang nakabuntis siya ng ibang babae. Isa siyang mabuting asawa at alam kong kahit wala ako sa tabi niya ay nagiging tapat siya akin. Kaya hindi ko siya pagbibintangan sa kasalanang hindi naman niya ginawa.

"Then why?" pagalit niyang tanong.

"Pirmahan mo na lang iyan, pakiusap. Ayaw ko na. Nasasakal ako. Ang bata ko pa at marami pa akong gustong gawin pero hindi ko magawa nang malaya. Isa pa, ayaw ko naman talagang magpakasal sa iyo, napilitan lang ako kasi natatakot ako. May ibang lalaki akong gusto."

"Si Irlan?"

Hindi ako sumagot. Sabi nga nila, silence means yes. Hahayaan ko siyang isipin na ang pinsan niya ang gusto ko kung iyon lang ang paraan para bumitaw siya.

"Hindi ako naniniwala."

"Bahala ka."

Wala naman siyang katibayan kaya siguro hindi siya naniniwala. Isa pa, mula nang magsama kami ay wala na akong balita kay Engineer. Ang alam ko lang ay pumunta ito ng ibang bansa at sinamahan sina Nicolo at Keth doon habang nag-aaral. Bukas kay Mayor kung ano ang nasa isip ko sa nakalipas na taon. Wala akong itinatago sa kaniya. Lahat ng bagay tungkol sa aming dalawa na kailangang pag-usapan ay pinag-uusapan namin.

"Ace-"

"Hindi kita mahal, Mayor. Siguro 'yong nararamdaman ko para sa iyo ay puppy love lang. Basta hindi ko maipaliwanag, nitong mga nakaraang araw na-realize ko na lang na hindi na kita mahal. Siguro naman hindi mo ako ikukulong sa isang kasal na hindi na ako magiging masaya pa. Inagaw mo na nga sa akin ang kabataan ko, pati ba karapatan kong lumigaya ay ipagkakait mo rin?" Tumayo na ako at hindi na hinintay ang magiging sagot niya. Hindi ko na kaya. Mismong puso ko at kaluluwa ang pinatay ko sa aking mga sinabi.

Damang-dama ko ang paglalim ng galit niya. Ang pagkalito. Ang walang kapantay na pagkawasak.
Hindi niya sinubukang pigilan ako at habulin habang tinutunton ko ang pintuan. Umiiwas pa rin akong tingnan siya kahit sa huling pagkakataon man lang. Alam ko kasing mawawalan ng saysay ang pagkukunwari ko oras na makita ko ang emosyon sa kanyang mukha at ang pagkadurog ng kanyang puso mula sa kanyang mga mata.

Pati anak ko ay nadamay sa ginawa kong iyon dahil kailangan ko ring abandonahin pansamantala ang pagiging ina ko. Nag-usisa si Mama pero wala akong sinabi. Umiiwas akong makipag-usap sa kahit na sino roon sa condo. Sinasarili ko ang dagok na iyon.

Minsan naiisip kong pagkatapos ng termino niya bilang Mayor ay sasabihin ko sa kanya ang katotohanan. Pero may posibilidad na hindi na siya handang makinig nang paliwanag at kung papakinggan man niya ako malamang ay hindi rin siya maniniwala.

Naitawid ko ang masalimuot na yugto pero daig ko pa ang may sakit na naghihingalo at malapit nang mamatay. Nagkaroon ako ng depression pagkatapos pirmahan ni Mayor ang annulment papers at isama pauwi ng isla si Vince habang ako ay naiwan para tapusin ang aking pag-aaral.

ISLA SEÑORITA : LUHA AT BARYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon