DENOUEMENT

590 43 10
                                    

TATLONG buwan ang lumipas mula nang mailipat namin ang labi ni Bella rito sa Fuego Amore. Pinagawan namin ni Sophie ng museleo gamit ang naipon naming mga barya. Ipinakita ko sa bata kung gaano kahalaga ang ginawa niya para sa kaniyang ina, hindi man niya makakasamang buhay si Bella.  Regular din naming dinadalaw ang puntod tuwing Lunes ng hapon pagkagaling niya ng school.

"Buti nga sa mag-amang iyon, kalaboso na."

"Kulang pa iyong habang-buhay na pagkakukulong ni Judge. Kung may death penalty lang sana sa bansa. Naturingang maalam sa batas pero siya pala itong may laboratory ng shabu."

Usapan ng staff sa vet office. Tahimik ko lang silang pinapakinggan. Naging viral ang pagbaba ng hatol kina Monique at sa kaniyang ama noong isang araw. Hanggang ngayon ay usap-usapan pa rin ng mga tao lalo na sa socmed. Kontento ako sa hustisyang ibinigay ng batas pagkatapos ng lahat ng ginawa nilang mag-ama.

Napansin ko ang biglang pagtahimik ng buong opisina. Inalis ko ang mga mata sa monitor ng computer ay nag-unat sa aking upuan. Nasa sulok ang mesa ko at gumagawa ako ng accomplishment report para sa nakaraang tatlong buwan. Nangunguna ngayon sa programa ng veterinary office ang pagdayo sa mga barangay para sa libeng kapon ng mga  aso ay pusa.

Kailangan na rin kasing gumawa ng aksiyon ang lungsod dahil mas naging agresibo na ang kampanya ng animal advocates para sa kapakanan ng mga hayup lalo na ang stray dogs and cats. Maliban sa kapon ay namigay rin ng libeng bakuna.

So far, maganda ang talley ng data na naipon niya. Sumasama siya sa kada barangay na pinupuntahan ng team. Siya ang in-charge sa documentation at binigyan din siya ng topic para sa orientation ng responsible pet ownership. Gamit na gamit ang mga natutunan niya sa pag-aaral bukod sa napapanahon din.

"Doc, nasa labas daw si Mayor!" bulalas ni Faith, isa sa mga staff na naka-assign para umalalay sa akin. Nakasanayan na nila ritong tawagin akong doktora. Mas okay na rin iyon kaysa first lady, hindi pa rin kasi ako sanay kahit pormal nang ipinahayag ni Yanixx sa publiko ang tungkol sa aming dalawa noong Founding Anniversary ng Fuego Amore.

"Thank you, Faith," sabi ko at tumayo. Naglakad palabas. Pakiramdam ko ay tumalsik ang pagod at pangangawit ng aking likod.

"Mama!" hiyaw ni Vince.

Malapad ang ngiti ko nang matanaw ang aking mag-aama. Kausap ni Yanixx ang veterinarian namin na si Dr. Roque habang nakakapit sa magkakabila niyang kamay sina Vince at Sophie.

Kumaway ako at binilisan ang pagbaba sa kinaroroonan nila. Bumitiw kay Yanixx ang dalawang bata at sumalubong sa akin. Sinikop ko sila at binigyan ng matunog na halik sa pisngi. Ilang beses na rin nila akong pinuntahan dito mula nang umpisahan ko ang aking intership. Madalas tuwing tanghalian at sabay kaming apat na kakain.

"Mama, we're going to see Daddy's friends at the resort!" daldal ni Vince. "Right, Sophie?" baling pa niya sa kapatid para kompirmahin.

"Daddy's friends?" tanong ko. Hindi nai-kuwento ni Yanixx sa akin na may mga bisita siya ngayon. Baka investors. May agressive campaign ngayon ang investment and promotion office ng lungsod para makaakit nang dagdag na mga negosyante.

"Let's go, Mama!" apura ng anak ko.

"May kausap pa si Daddy, hintayin muna natin at may trabaho ring tinatapos si Mama sa loob."

Humaba ang cute na nguso ni Vince. Gigil kong hinagkan ang bata at pinisil ang mapintog niyang pisngi.
Natanaw kong nagpaalam si Yanixx kay Dr. Roque. Kumaway sa akin ang doctor bago tumuloy sa umpukan ng ilang barangay officials na may concern tungkol sa mga hayop.

"May ginagawa ka pa sa loob?" tanong ni Yanixx at dumukwang para halikan ako.

Tumingkad ako at sinalubong ang damping halik sa aking labi.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 08 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ISLA SEÑORITA : LUHA AT BARYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon