Chapter 24

763 67 8
                                    

HINDI ko alam kung alin ang una kong iintindihin, ang galit ni Mayor o ang mga estudyanteng nagpipiyesta sa amin. Siguradong kakalat sa buong campus ang nangyari roon sa foodcourt at magiging palaman na naman ako ng tsismis. Tatambakan na naman nang maraming mga tanong na wala namang ambag para malutas ang problema ko.

Nasaklot ko na lang ang ulo ko sa kalituhan pagkapasok ko ng sasakyan. Tulirong bumaling ako kay Mayor na sumampa at marahas na kinabig ang pinto sa kanyang tapat.

"Ano'ng ginagawa mo rito?" tanong kong hindi sigurado kung dapat bang iyon ang unang lalabas sa aking bibig.

"Guarding my wife."

"Nagpapanggap lang ako, 'di ba?"

"Sigurado ka?" Gumalaw papunta sa akin ang matalim niyang paningin. "You signed a valid marriage contract yesterday, Ace. I told you to read the attachments. But you can always read it back home, right?" Halos marinig ko ang nag-uumpugan niyang mga bagang.

Noon lagi kong nai-imagine kung paano magalit si Mayor. Na magwawala siya. Ihahambalos sa harap ko ang anumang mahawakan niya. Susuntukin ang pader. Babasagin ang mga bintana. Ibabalibag ang mga upuan. Kahit sa imagination lang iyon pero para na akong mababaliw sa takot. Isa iyon sa dahilan kaya hindi ko ipinilit ang karapatan kong makasama ang anak ko. Dama ko ngayon ang sukdulan ng galit niya, pero kahit marahas na pitik ng daliri ay wala siyang ginagawa.

"So, is this how you are going to rendezvous with your other man? Kaya maaga kang umalis at hindi mo man lang hinintay na magising ang anak natin para makapagpaalam ka," paratang niya.

"Ano'ng pinagsasabi mo?" piyok kong protista.

"Mali ba ako?" Tumawa siya ng pagak.

"Mali ka!" giit ko.

"Really? Never mind." Umiling siya. Iniwas sa akin ang mga mata niya. "Kailan ba ako tumama sa iyo, di ba? Hindi kita pipigilan kung gusto mong makipagkita kay Irlan, magpaalam ka lang nang maayos."

"Pero wala naman kaming usapan!"

"Convince me."

"Paano kami magkakaroon ng usapan? Sabi niya sinira mo lahat ng paraan niya para makausap ako."

"Kaya inabangan ka niya rito sa school."

"Wala kaming usapan ni Engineer, hindi ko alam kung bakit nandito siya!" Palagay ko ay sobrang bad shot na naman ako sa kanya at heto ulit ako masyadong desperadang linisin ang sarili ko samantalang ako naman ang may kagagawan kung bakit wala na siyang tiwala sa akin.

"Again, convince me."

"Nagpaliwanag lang siya kung bakit hindi siya sumipot sa kasal."

"Bakit siya sisipot, hindi naman siya ang groom?"

"Siya dapat ang groom, inagaw mo lang iyon sa kanya!"

"I did not steal anything from him. Saan ba nanggaling 'to ha? Sino ba sa amin ang boyfriend mo in the first place? Siya ba? Siya ba ang kasama mo sa isla, di ba ako? Siya ba ang may sekretong affair sa iyo? Ako iyon, Ace! Ako lang iyon! Ako ang nakabuntis sa iyo! Ako ang ama ni Vince. Bakit kita kailangang agawin kung sa umpisa pa lang ay naging akin ka na?"

Kinagat ko ang labi at napapikit na lang para supilin ang mga luha. Bakit na naman ba kami napunta sa usapang ito? Para kaming nasa loob ng maze, paikot-ikot lang hanggang ngayon.

"Pwede bang mamaya na tayo mag-usap ulit? May klase pa ako." Hinawakan ko na ang pinto at bubuksan na sana nang hawakan ni Mayor Yanixx ang siko ko at hinatak ako. Binihag niya ng halik ang nakaawang kong labi at dinakma ng isa pa niyang kamay ang aking batok para pigilan akong gumalaw.

ISLA SEÑORITA : LUHA AT BARYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon