Chapter 4: The Heartbreaker

38 3 0
                                        

Chapter 4: The Heartbreaker

Analeigh's POV

Kaka upo ko palang dun sa bench ng maalala ko yung dapat kong gawin kaya tumakbo agad ako papunta ng auditorium. Dun maganda venue

Pagdating ko sa auditorium, nandun na sya. Good for me, di ko na kailangang mag antay.

"Hi babe!" sabi nya sabay akbay sakin

Babe? Wala naman kaming tawagan na ganun ah. Ang kapal nito, porkt naka one week kami, akala nya gusto ko sya? 

"Break na tayo." I said coolly. Walang paligoyligoy

Ngayon ko lang napansin, ang ganda pala talaga ng timing ko. Medyo may audience kami. Sana kahit isa manlang sa mga audience na to, yung pinaglaruan nya.

 "Ha? Seryoso ka ba?" tanong nya.

Nginitian ko sya, ngiting pang-inis "Mukha ba kong nagjo-joke?"

May tumatawa, may nagulat, may walang reaction at may natuwa sa ginawa ko. Magkakaiba ang dating sa kanila.

"ha? bakit? Ginawa ko naman lahat para maging masaya ka, sinuway ko parents ko, humiwalay muna ako sa barkada ko para sa yo kasi gusto mo na lagi tayong may time para sa isa't-isa. Tapos kahit ayaw ko sunud-sunuran ako sa iyo, wag ngayon" halos pagmamaka-awa nya

humikab ako "too much explanation darling, break na tayo. Wala ka ng magagawa." I smirked

"You'll pay for this." sabi nya at umalis.

Nagulat ako ng makita ko sila Dale, Yosha, Althea at Saf. Nandito din sila. sabi na eh, susundan nanaman ako ng mga to.

"That's all? No more last goodbyes, last hug, last kiss? yun lang talaga?" tanong ni Saf habang nakangiti.

"what do you expect me to do? i-hug sya at saka ko sasabihin na 'hey. let's break up. dun lang din naman patungo to eh' ganun?" sabi ko.

"My gosh! Si Aron yun ah. Grabe ka talaga" sabi ni Dale at ti-nap nya ko sa balikat.

"Tch! Ako pa" 

oo nga pala isa rin siya sa mga heartthrobs dito maliban kay Dexter.

"May reason naman kung bakit ko ginawa yun eh." sabi ko. Meron naman talaga

"Weh? Ano?" curious nilang tanong.

"Isang araw, naglalakad lakad ako sa park at may nakita akong babae at lalake. Umiiyak yung babae at nagmamaka awa sya dun sa lalake na wag daw syang iwan. Sinabi nung lalake sa babae na niloloko nya lang daw yung babae kasi trip nya lang daw"

"Tapos?"

"Ayun, naalala kong ka batchmate pala natin sya. Kaya ginawa ko din sakanya yung ginawa nya dun sa babae. Para masaya diba? Taste his own medicine." sabi ko at ngumiti.

 Room

Biology pa pala next subject. Malas nga naman. Inaantok pa naman ako. Tapos, terror yung next teacher. Pano ako matutulog?

Maya maya pa, dumating na si sir.

"Blablablabla.." wala akong naiintindihan sa sinasabi nya.

"Ms. Ramirez!" sigaw ni sir.

Watda? Hindi kaya.. nahuli ako nito? Nakatulog pala ako.

"S-sir?"

"GET OUT OF THIS ROOM!"

"SIR?"

"NOW!" sigaw nya

"Sir, I didn't do anything." pag dadahilan ko.

"That's the problem Analeigh! YOU'RE NOT DOING ANTHING IN MY CLASS!" sigaw nya.

Lumabas nalang ako ng room.

Hello detention nanaman ako nito. huhu

"Community service nalang po." sabi ko dun sa nagsusulat sa slip ko sa guidance office.

"Ayaw mo ng detention?" tanong nya sakin.

"Nah. Mas gugustuhin ko nang maglinis, kaysa makulong dun sa detention room ng walang ginagawa. mababaliw ako" sabi ko at tumawa naman si ateng nagsusulat.

Binigay nya na sakin yung slip at naglakad na ko palabas.

---

Analeigh on the right

Their Love Story [UNDER REVISION]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon