Chapter 13: Blue Magic

15 1 0
                                    

Chapter 13: Blue Magic

Yosha's POV


"Waahh! Hoy Analeigh!" sigaw ko. Nakakabagot! Umalis na sila at kami nalang ni Analeigh ang naiwan dito sa bahay na to.

"Ano?" inis nyang tanong. Pano ba naman, kakalabas lang nya ng C.R at naka bathrobe sya ngayon. Kung alam nya lang kung anong itsura nya ngayon, sarap tumawa.

"Bat dyan ka naligo?" sabi ko sabay turo dun sa pinto nung C.R na pinag-liguan nya.

Tinignan nya ko ng 'bat-naman-hindi' look. "Bakit ba?" pagtataray nya

"Duh! Masama bang magtanong?" I rolled eyes habang ginagaya ko yung tono ni Saf pag nagtataray. 

"Ahh. Mas gusto ko dito eh." simple nyang sagot at umakyat na sya sa taas. 

Maya maya pa, bumaba na sya at naka bihis.

"WOOOYY!! Aalis ka?" tanong ko, pero di nya ko pinansin. Instead, nag dere-derecho sya sa pintuan.

"Analeigh naman eehh! Wag mo kong iwan dito! Lahat kayo, may pupuntahan. Ako lang wala!" jusko. kawawa naman ako. Bat ba kasi, may kanya kanya silang lakad? Pano naman ako? Eh wala nga akong maisip puntahan dito sa lugar na to.

Tinignan nya lang ako. "Keri mo na yan. Mag hanap ka nalang ng Blue Magic nila dito. Bye" nag wave sya sakin.

Blue.. Magic?

Teka, bat di ko naisip yun?

"YEAAHH! SALAMAT ANALEIGH! ANG BRIGHT MO TALAGA!" binuksan ko yung kurtina at sinigawan ko sya na mukhang papalabas na ng gate.

Kinindatan nya naman ako.

Sandali akong nag research sa IPad kung saan ang pinaka malapit nilang bilihan ng mga cute na bagay dito.

"Weh? Kailangan pang sumakay ng bus?! Ang arte naman." kaysa magreact ako ng magreact dito, nagsimula na kong mag bihis at kailangan kong makapunta dun sa 'mala Blue Magic' nila na store dito.

"Wow" ang ganda ng tindahan nila dito. Grabe! May second floor. 

May mga life size teddy bears hanggang second floor. Yung totoo, hindi talaga ako na inform na ganito pala ka-sosyal sa korea.

Inabot ako ng halos isang oras sa pamimili ng kung anong bibilhin kong teddy bear para sa sarili ko. Pero eto, naka pili na ko. Isang life sized teddybear na kulay brown. Ang cute nya. 

Binayaran ko na sa cashier yung teddybear. 58,000 KRW.

Palabas na sana ako sa store ng may madaanan akong lalake. Namimili din ata sya ng bear.

"Girlfriend mo ba ang bibigyan mo?" tanong ko dun sa lalaki. Naka talikod sya sakin.

Their Love Story [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon