"Alyssa, respeto naman doon sa abogado, 'wag mo titigan." saway ko kay Alyssa, kanina pa kasi ito hinahabol ng tingin si Sean na nagkakape sa snack area, habang kami ito ni Alyssa na nasa printing area, na ilang metro lang ang layo kila Sean.
"Ay, sorry ha! Kasi hanggang titig nalang talaga ako." sagot nito at napatawa ako nang pagak habang inaabangan ang mga papel na iniluluwa ng printer.
"Sa tingin mo, blondina, may chance kaya ako kay Atty. Alfonso?" Wala,
Nagkibit balikat ako, "Hindi ko alam, ikaw, shoot your shot." sagot ko rito, nanahimik ito nang bahagya kaya nilingon ko ito na nakatingin pa rin sa gawi ni Sean na nagkakape, may binabasa rin ito na mga papeles.
"Sige, sabi mo, ha!" ani nito na nakaturo pa sa akin. Nanlaki ang mata ko at nasamid sa laway.
"Hoy! Hindi, ah! Suggestion ko lang 'yon! Ikaw pa rin ang bahala, buhay mo naman 'yan. Nasa sa 'yo ang huling desisyon." ani ko at humagikhik ito bago ako hinampas sa balikat.
Ibinalik ko nalang ang attensyon ko printer. Natahimik na si Alyssa ng ilang minuto bago maya-maya ay hinampas nanaman ako sa balikat.
"Doon kaya sa Enginner--"
"Huwag!" Putol ko agad dito. Nanlaki ang mata niya bago napakunot ang noo. "Grabe ka naman! Bakit huwag?" tanong nito at napalunok ako ng laway.
Nang tumanaw ako sa gawi ng snack area ay magka-usap na si Rusti at Sean.
Nagbalik ako ng tingin kay Alyssa at napalunok ng laway, "Kasi ano... ex kasi niya iyong kaibigan ko. Ang alam ko... mahal pa nila ang isa't-isa. Masasaktan ka lang, baka paglaruan ka lang niyan." Pagsisinungaling ko,
Muling napakunot ang noo ni Alyssa bago lumingon kila Rusti at nagbalik ng tingin sa akin. "Talaga? Sino roon sa mga kaibigan mo? Iyong doktora ba?" tanong nito at napasinghap ako ng hangin.
"Basta, huwag 'yan, hindi 'yan available." turan ko bago kinuha na ang mga papel na ipini-print ko at naglakad pabalik sa cubicle ko.
Nang maibaba ko ang mga papel ay napabuntog hininga ako. Simula nang magtrabaho rito si Rusti at Sean ay parang araw-araw akong nakikipagtaguan. Sinisigurado ko na hindi kami gaanong magkikita at ayaw ko siyang maka-usap. Kinakabahan ako tuwing makikita siya. Para akong teenager na umiiwas sa crush niya.
"Lory, maglu-lunch na ako, ha? Ikaw ba? Bumaba kana sis, mag-isa ka nalang dito." ani ni Alyssa, nag-angat ako ng tingin bago tumango at nginitian ito.
"Sige lang, baka matulog nalang muna ako, puyat pa." ani ko at tumango nalang ito bago ako iniwan.
Muli akong napasubsob sa lames ko at ipinikit ang aking mga mata.
YOU ARE READING
Building The Unsure (Glow-Up Series #2)
Novela JuvenilAvery Louise Valdez is a girl with pride so high, no one can reach it. She's built walls around herself that no one can climb. You might win arguments with others, but with her? Never. She's your rich, pretty, blonde friend, full-blooded Canadian, w...