COPING MECHANISM
"Hay, mabuti nandito ka rin"
I looked up once I heard the voice only to find Grant on the doorway of my shop.
I creased my brows to inform him about my confusion.
"Ah, nandito kasi ako last week, may pinapagawa na naman yung may-ari kaya dumiretso ako dito, kaya lang wala ka"
Pag e-explain niya sa'kin.
"Oh, sorry, namatay kasi tatay ko n'ong nakaraan kaya naging busy at hindi nakabalik dito"
I responded with half smile.
"Hala p're, ano, ano ba tawag d'on? Condense? Basta ayun na yon p're"
I couldn't help but to laugh at him, not in a bad way though. Napakamot pa tuloy siya sa batok niya.
"Condolence yon p're, pero salamat"
"Yon! Condolence pala"
This time napakamot na talaga siya ng ulo.
"Upo ka muna, naparito ka pala?"
I pointed him to the chair beside my table. I was sorting my works and files when he came in. I'm not in the mood for any works so far, so I'm arranging my left art prints and others just to have something to do.
"Sabi ko nga dadaan lang, kukumustahin ka, pero busy ka ba?"
Sabay turo niya sa ginagawa ko.
"Hindi naman, kakabalik ko lang din kaya wala masyadong ginagawa aside sa sini-segregate ko 'tong mga prints ko"
Binuhat ko 'yong mga naunang nafile ko at inilipat sa cabinet kung saan nakalagay ang supplies ng art prints.
"Saan ba 'to ilalagay?"
Narinig kong sabi niya at binuhat niya 'yong iba pang nakacompile na.
"Naku! Ako na riyan, kaunti lang naman 'to eh"
"Oks lang, saan ba 'to banda ilalagay?"
Tinungo niya na nga ang cabinet at nagaantay kung saan ilalagay.
"Diyan lang sa may label na MCU"
Sabay turo ko ron sa upper left part ng cabinet kung saan nakastock yung mga art prints ng MCU characters.
Sunod ko ring binuhat at hinanap ang lagayan ng mga k-pop na prints.
"Ano, 'di ka naman masyadong busy, kape tayo? Treat ko!"
Bumalik siya sa lamesa ko at inayos 'yong mga natitirang prints na Hindi masyadong nacompile ng maayos.
Bumalik ulit siya sa cabinet at hindi na nagtanong pa, hindi naman siya siguro clueless sa mga TV series kaya alam niya kung saan ilalagay.
"Pwede naman, lalo pa't treat mo"
Natawa ako ng bahagya. Inayos ko yung ibang nakakalat sa lamesa at hinanap 'yong phone at susi.
"Pambayad don sa sandwich mo n'ong makailan lang"
Napatawa siya at tumingin ng makahulugan sa'kin.
"Sige subukan mong banggitin, tatapyasin kita"
Alam ko na kasing ipapaalala niya nanaman 'yong nangyari sa roof top eh.
"Pwede ka sigurong kunin sa TED Talks"
Ang laki na n'ong tawa niya at inilingan ko nlng.
"Wow! Alam mo pala 'yan ha"
"Uy! Grabe naman, syempre alam ko yan, kaya nga nasabi kong pwede ka r'on "
BINABASA MO ANG
Into The Spectrum Of Life
Adventure"The day we met, my ex and I broke up, maybe we needed each other during that course of time, I was heartbroken, you are inexperience" "All of that for nothing? All for fucking nothing?!" "Pareho nating ginusto 'yon, ginusto mo, ginusto ko! and ever...