Captivation

81 4 0
                                    

Isabel's POV

Today is Friday and tomorrow na ang flight ko pauwi ng Pinas. Bakit parang masyadong mabilis ang mga araw at gusto na talaga nito akong makauwi. Nakaharap ako ngayon sa human sized mirror ko dito sa aking walk in closet at nakatitig sa aking kabuuan.... Sa apat na taon kong paglayo sa aking pamilya at pananatili dito sa New York parang wala naman nag-iba bukod sa pagkalat ng aking pangalan. Hinawakan ko ang aking mahaba at kulay itim na buhok, 'Paano nila makikita na hindi na ako si Sabel ang tahimik at basta nagmamasid na dalaga' Gusto kong makita nila ang mga pinagbago ko ang malaking pagbabago sa buhay ko. Lumabas ako ng closet at pumunta sa lamesa doon ay naupo ako sa upuan. Binuksan ko ang aking pangmake-up at nagsimula akong maglagay nito sa aking muka.

Tinawagan ko si Bernard ang aking driver na antayin na niya ako sa baba. Matagal nang nagttrabaho si Bernard sa akin, simula pa ng dumating ako dito sa NY ay siya na ang driver ko. My father picked him for me to be my driver and personal body guard. Nagrerent siya ng appartment sa may di kalayuan dito sa condo.

While on our way ay may naisip ako, agad kong kinuha ang aking cellphone at tinawagan si Angeline ' Hello Good morni....' Hindi ko na siya pinatapos sa kanyang sinasabi

'I'll be late, call my brother to attend the board meeting.' Then I ended the call. 'Bernard let's go to the nearest Mall'

'Okay Ms. Isabel' ayaw kong tinatawag niya akong mam dahil hindi naman siya naiiba sa pamilya ko at pansin ko ding close sila ni Pa Pa. There's no need for such formality between us. 'we're here Ms. Isabel'

I open the door when he stop at the parking lot, nagdare-daretso ako sa loob at pinuntahan ang sadya ko.

Angeline's POV

Hay. Kaloka as ever talaga siya. Sino kamo? Edi si Isabel, tsk! At isa pa ayaw kong nakikita ang gwapong nilalang na kapatid ni Mam Isabel, nawawala ako sa focus pero anong magagawa ko eh balak pa niyang umuwi at iwan kay Izrael ang firm. Sanay kaya ito? Hindi basta basta ang industriya ni Mam Isabel kilalang kilala ang construction company na ito dito sa America. Hindi na mabilang kung ilan ang gusali ang naitayo nito sa loob at labas ng New York, may mabigat sigurong dahilan para umuwi siya sa Pilipinas. Nawala ako sa pagmumuni-muni ng matanaw ko ang padating ng isang mataas, maputi at well built na lalaki sa aking harapan. Juice ko lerd ang gwapo naman tlaga ng lalaki na ito! (*.*). Nagpapanik ang aking hormones ng makita ko siya, 'Okay okay relax Angeline, sit up straight chest out and be prepared when he approach you' Mahina kong sabi sa aking sarili. Eto malapit na siya 'Good morning' then he winked at me.... Hay shet na pwet ano ba ito? Yun lang pero kung kiligan naman ako. Agad akong tumayo at sumunod sa kanya sa loob ng main office. 'Good morning sir Izrael, the meeting will start very soon. Some of the major business partners are already inside the confirence room.....' Natigilan ako ng humarap siya sa akin at ang kanyang hintuturo ay nasa tapat ng kanyang mga labi 'Shhhhh 2 words is enough, let's go sweetie'

'So-sorry Sir' sabi ko habang naglalakad kami palabas 'Don't be' nkangiti nitong balik sa akin. He is totally opposite of Mam Isabel magkaiba ba ang magulang nila? Haha charot! They both have the same eyes.

After almost 2hours nang panggigisa kay Sir Izrael sa loob ay natapos din ito. I understand them about questioning him about the sudden turn over of the company, kahit naman ako ang investor sisiguraduhin kong nasa tamang kamay ang aking pera. Nasa lahi siguro nila ang pagiging Engineer dahil pati pala siya ay inhinyero. Pero one degree holder lang siya sabagay feeling ko hindi siya mamaw katulad ni Mam Isabel kung mag-aral. At opo kung hindi niyo alam pedeng pagsabayin ang dalawang kurso lalo at Engineering ito. Paupo na sana ako ng matigilan ako sa babaeng nakikitang kong palapit sa aking direksyon, mayroon itong kulay light brown na buhok na ang haba ay lagpas ng 3inches sa balikat, may ilang din itong bangs. 'You look stupid' mabilis lang itong dumaan sa harapan ko. Nagpakurap kurap pa ako ng ilan sandali at naupo. Anyare??? Mula sa itim na itm at mahabang buhok niya ay nagpakulay ito napansin kong binawas din at nagkastyle ang kanyang buhok. Napailing ako 'Bakit may mga nilalang na katulad niya' bilang babae ay kahit ako mismo ay muling napahanga sa taglay nitong ganda.

They Call Me WitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon