Chapter eight

15 0 0
                                    

Isang en grandeng birthday celebration ang nakatakdang daluhan nina Nathalie at Eunice. Kamag-anak ni Eunice ang birthday celebrant na isang sikat na fashion  designer. Ang taong ito ang nagbigay ng presentation para sa mga creations nito ng nauusong man's suit noon kung saan niya unang nakita si Raven.

As usual, kinaray si Nathalie ng kaibigan at never niyang tinanggihan iyon. Ang pakay niya sa pagpunta roon ay ang maglibang-libang. Pinaghandaan niya ang gabing iyon. Nagsuot siya ng magandang gown na para sa kaniya ay ang pinakamaganda sa lahat. Tiyak na hindi siya muling maa-out of place.

Ibinulong sa kanya ni Eunice na imbitado si Raven. Nang maisip ang binata ay lalo siyang na-excite. Sa gabing iyon ay hahangaan siya nito. Hindi siya pasasapaw sa nababalitaan niyang steady date nito na si Keith Starr, ang babaeng kasama nito sa Stockton Place sa Makati.

"Bakit ganyan ang make-up mo?" tanong agad ni Eunice nang magkita sila sa venue.

"Ano'ng diperensiya rga make-up ko?" Hindi niya nakasanayang mag-makeup kaya kung ano-ano na lang ang inilagay niya sa kaniyang mukha. Wala na siyang oras para magpa-parlor. Kararating lang niya mula sa isang conference meeting na hindi puwedeng ipagbawalang-bahala kay nagahol siya sa oras.

Hinila ni Eunice ang kamay niya. Nagtungo sila sa powder room. "'Ayan, tingnan mo ang sarili mo sa salamin. Saka hindi bagay ang sarili mo sa salamin. Saka hindi bagay ang shade ng mga mata mo sa kulay ng damit mo. Ang sagwa."

"Wagas ka naman kong makapanlait." Tiningnan niya ang sariling reflection sa salamin.

"Hindi kita nilalait. Nagsasabi lang ako ng totoo, Nathalie. Ayokong pagtawanan ka ng mga taong makakakita sa iyo rito. You look like a clown with your makeup on. Tara, kuskusin natin yan."

Pinigilan niya ang kaibigan. Wala siyang nakikitang masama sa mukha niya. "Huwag mo nga pakialaman ang looks ko. I told you that before, did'nt I? Im warning you, Eunice."

Walang nagawa ang kaibigan kundi ang sundin siya. "Huwag mo akong sisiin. Binalaan na kita." Nilayasan siya nito.

Ano ba ang problema sa babaeng iyon? Pinasadan ni Nathalie ang tingin ang kaniyang mukha. Gumamit siya ng foundation na light colors. Iyon lang ang nalalaman niya. Sa shade niya sa mata ay pinagsama-sama niya ang iba't ibang kulay na makita niya sa nabiling make-up kit. It was Maybeline. Mahal ang pagkakabili niya niyon kahapon.

Ang blush-on lang ang nakikita niyang may flow. Dahil hindi siya marunong gumamit niyon ay kumapal ang paglalagay niya sa mga pisngi niya. Hirap siyang tanggalin iyon dahil hindi niya basta-basta maalis kahit anong kuskos ang gawin niya.

Kahit mayaman sila at afford niyang bumili ng mga beauty products ay wala talaga siyang  hilig sa mga iyon. Kaya kulang siya sa kaalaman pagdating sa pagpapaganda. Inilugay niya ang mahabang buhok. But her hair was dishevelled. Nang suklayin niya iyon ay walang pinagkaiba. Hindi niya iyon napa-hot-oil. But it did not matter to her. Uso ang ganoong style. Ang mahalaga, wala siyang suot na antipara.

Binili niya  ang suot na gown sa isang kilalang boutique sa mall. It was a lavender jersey evening gown with long sleeves. Floor-length ang haba. Hindi iyon ang suggestion ng baklang may-ari ng shop na isinuot niya dahil mukha raw pang matanda. Hindi bagay sa isang batang edad niya. Pero pinagpilitan niyang ang gown na iyon ang babagay sa kaniya. Walang nagawa ang bakla.

Lumabas si Nathalie ng powder room. Nag-uumpisa na ang party dahil ina-announce ng emcee ang pagpapakilala sa birthday celebrant at ang pagbati rito. Masigabong palakpakan ang sunod niyang narinig. Nakita niya si Eunice sa isang mataas na mesa sa pinakagitna; may mga babaeng kausap ito. Ang mga bisita ay nakatayo. Walang upuang makita roon.

Tumabi siya sa kaibigan.

"Hindi mo pa rin binubura ang makeup mo?" bulong ni Eunice sa nanlalaking mga mata.

"Hindi ko inalis. Wala akong nakikitang masama, Eunice."

Nagbulungan ang mga babaeng kasama ni Eunice sa mesa at nagbungisngisan. Inirapan ni Nathalie ang mga babae.

Humalukipkip si Eunice. "Bahala ka na nga."

Tumingin si Nathalie sa stage kung saan nagbibigay ng talumpati si Pepito Asuncion, ang birthday celebrant. Pagkatapos magsalita ay nagpalakpakan ang mga tao. Isa siya sa mga iyon. Hinangaan niya ang mahusay na designer dahil sa mga likha nitong damit.

May waiter na nag-alok drinks sa kanila. Kumuha si Eunice ng dalawang wineglass at inabot ang isa sa kaniya.

"Huwag kang magpapakalasing. Tama na ang isa sa iyo," paalala nito.

Nakatikim na siya ng alak. Tatlong beses. Kaya alam niya ang epekto ng alak sa katawan niya. Tahimik lang siya kapag nalalasing pero nagiging emotional siya. Batid iyon ng kaibigan.

Mayamaya ay naulinigan niya ang mga alingasngas sa paligid. Tila iisa ang ulong nbgbaling ang mga bisita sa pinakaentrada ng ballroom. Papasok doon si Raven, kaabrisete ang babaeng steady date nito na si Keith Starr. May pinong kurot siyang nadama sa kaniyang puso.

"Wow! What a lovely pair."

"Bagay sila,'di ba?"

"Ang guwapo ni Raven!"

Yes, they looked good as a couple. Tila pinilas ang dalawa sa isang pahina ng magazine at nagkakaroon ng buhay. Naiinggit siya kay Keith sa taglay na ganda nito, sa magarang gown na suot na bagay na bagay rito. At aaminin niyang mahusay itong magdala ng damit. Wala siyang binatbat dito kung ganda ang pag-uusapan.

But even though Keith looked beautiful, may naaaninag pa rin siyang hindi maganda sa pag-uugali ng babae. She sensed that Keith was so possessive that she would fight  any woman to get what she wanted. Pansin niya iyon sa mahigpit na pagkakahawak ni Keith kay Raven na parang ayaw pakawalan ang binata. Ang mga mata nito ay tila nagbabanta sa mga babaeng naroon na  ito lang ang nagmamay-ari kay Raven.

Raven was so  handsome that Nathalie could not find the words to describe him. Id was eye candy in his Armani suit. Ang husay-husay nito sa pagdadala ng damit.

Agad tumutok ang mga mata ni Raven sa kaniya dahil ang mesa nila ang unang mabubungaran pagpasok nito. Hinihintay niya ang reaction nito. Na maa-appreciate nito kahit kaunti ang effort niya. Nagpaganda siya nang husto sa gabing iyon para dito. Ngunit kumunot lang ang noo nito, tila hindi nasiyahan sa nakitang ayos niya. Nahuli pa nga niya lihim na pag-iling nito. Negative. Hinding-hindi siguro siya magugustuhan nito kahit kailan. Sumama ang loob niya sa reyalisasyong iyon.

At kailan ka pa naging conscious sa sarili mo para sa isang lalaki, Nathalie? Hindi ba't galit ka sa mga guwapo?

When i see you SMILE( COMPLETE) UNDER-REVISEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon