Chapter Ten

8 0 0
                                    

"What? Ano'ng nakain mo at gusto mong magpunta sa beauty seminar?" Takang-taka si Eunice nang ungutin niya na samahan siya sa training na tinukoy nito noon.

"I want to improve my fashion sense and personality. Maghahanap ako ng isang tour para sa personality development," pag-e-eleborate niya ng kaniyang plano.

Nagdududang tinitigan ni Eunice si Nathalie. "Kaya mo ba ginagawa 'yan ay dahil kay Raven o kay Keith?"

Nag-iwas ng tingin si Nathalie kay Eunice. Partly, may kinalaman nga si Raven sa nais niyang mangyari. Iisa ang pakay niya sa dalawa. She was going to hit two birds with one stone. Kay Raven gusto niyang ipakita rito na kaya niyang maging maganda tulad ni Keith. Her plan A was to make  him fall for her. Then, she  would proceed to her plan B----to leave him with broken heart. Para maranasan nito ang sakit na dinanas niya ng mas pahalagahan pa nito ang babaeng iyon na may pangit na pag-uugali.
Kay Keith, gusto niyang patunayan na ang isang ugly duckling na tulad niya ay may pag-asa pang gumanda. At kapag magandang-maganda na siya, ipapamukha niya na ang babaeng nilait-lait nito noon ay mas maganda pa kaysa rito.
She had to be positive  that everything would do smoothly according  to her plan. All she needed  was to endure the process of transforming herself. It was a good-bye to her old self. Nasa katwiran naman si Eunice nang sabihing dapat niyang baguhin ang panglabas na kaanyuhan at ang pananaw sa buhay. Hindi siya ipinanganak sa panahon ng makalumang si Maria Clara. Moderno na ang Maria Clara na kilala ng mga kababaigan nga ngayon.
Naisagawa  ni  Nathalie ang lahat ng plano. Sa bahay lang siya nagpapaturo. Hindi na muna siya naglalabas. Iniiwasan niyang magkita na naman sila ni Raven. Ilang beses itong nagpunta sa bahay nila, nagpipilit na kausapin siya pero hindi niya pinakiharapan. Nanawa na siguro dahil hindi na naulit ang huling pagpunta nito.
Ano pa ba ang gusto nito? Wala nang saysay ang sasabihin nito. The damage has been done. Pagkatapos nang gabing iyon ay isinumpa niya ang sarili na maghihiganti siya sa dalawa, sag pang-aapi ng mga ito sa kanya.

"Wow! Excellent!" puri ng tutor ni Nathalie na eksperto sa personality development  at nag-aral pa sa New York  para sa mastery na iyon.

Nakapatong sa ulo ni Nathalie ang isang libro na madali niyang nabalanse sa maayos niyang paglalakad. Lakad-model.

"Congratulations, Nathalie! You're doing good."Kinamayan siya ng tutor.

Iyong ang huling pagtuturo ni Miss Rodriguez kay Nathalie sa loob ng ilang buwang pagpupursigi niya. Bukas ay babalik na ito sa America. Maganda ang kinalabasan ng pagtuturo nito dahil nag-improve nang husto ang personality niya. Matalino raw siyang estudyante kaya madaling natuto.
Sa panahong nagsasanay siya ay si Eunice ang nasa tabi niya. Sinusuportahan siya nito. Ito ang higit na natutuwa sa malaking pagbabago niya. Hindi na raw siya losyang na may sampung anak.

Now, it was payback time. Maniningil Ako ng mga pautang sa paraang naiisip ko.

***
EXPECT THE UNEXPECTED!!!

PROCEED♥♥♥
⇨⇨⇨

When i see you SMILE( COMPLETE) UNDER-REVISEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon