Chapter 14

8 0 0
                                    

Kinabukasan ay bumisita si Raven sa bahay nila. Niyaya siya nitong mag-horseback riding sa isang bahay-bakasyunan nito sa Sumulong Highway sa Antipolo. Ipinagpaalam sya nito kay Nanay Linda. Pumayag naman ang matanda.

Malaki ang sinasabi nitong bahay-bakasyunan.  Kung susumahin, isa iyong hacienda sa isang bulubundukin. Mababa ang mga bakod na yari sa kahoy na nakukulayan ng puting pintura. Pwedeng pasukin ng kahit sino. Ngunit ang sabi ni Raven ay wala pa raw nangahas na pasukin ang property. Mag-isa na lang pala itong namumuhay. Sa isang condo unit sa Greenhills ito nakatira ngayon.

Pumasok sila sa malaking bahay na may ikalawang palapag. Puti rin ang pintura niyon sa labas. It was fully-furnished house. Antique ang mga gamit simula sa mga cabinet,divider, at sala set.  Ang malaking sala at komedor ang unang tumambad sa paningin ni Nathalie. Dalawa ang silid sa ibaba at apat naman sa itaas.

"Dito kami ipinanganak at lumaki ng nakakabatang kapatid ko."

"May kapatid ka?"

"You mean...."

"Patay na si Sabrina."

Namayani ang katahimikan sa kanila.

  "I'm sorry, Hindi ko alam---"

"Matagal na rin naman yon. Pero hindi ko pa rin makalimutan."

"She's your younger sister?"

"Alam mo ba kung ano ang ikinamatay niya?"

  Hindi umimik si Nathalie. Nais nyang malaman kung ano ang ikinamatay ng kapatid ni Raven pero ayaw nyang maging malungkot ang araw nito. Nandoon sila para libangin ang mga sarili nila.

"Saka mo lang ikuwento."

"Ni-rape si Sabrina isang tao dn na ang nakakaraan," pagtatapat nito. May lambong dumaan sa mga mata nito. "Nakita ang bangkay niya malapit sa Balete Drive. Pero nahuli rin ang kriminal nang makonsiyensiya ito at sumuko sa pulisya."

Kaya pala hindi siya nito maiwanan sa Balete Drive nang masiraan siya ng kotse. Ayaw nitong mapahamak siya tulad ng nangyari sa kapatid nito. Kaya pala ganun na lang kung tratuhin siya nito at anp pagmamagandang-loob nito sa kanya. Maaaring nakikita ni Raven sa kanya ang namatay na kapatid nito.

Pero bakit siya hinalikan nito kung  kapatid lang ang turing nito sa kanya?

"Sorry, I Justine carried away." Bumalik muli ang sigla nito. Tumayo ito mula sa sofa at hinatak ang kamay niya. "Tara nang mangabayo. Tamang-tama, pahapon pa. Hindi masyadong mainit."

Magka-holding hands na tinalunton nila ang likod ng bahay. May katamtamang laki ng kuwadra doon. Apat na kabayo ang nakakulong doon.

"Ito si Winter. Babae siya at maamo. Hindi siya nangingilala ng sasakay sa kanya. Siya ang sasakyan mo." Hinaplos ni Raven ang ulo ng puting kabayo.  "Siya naman si Speed. Sa akin lang 'yan pumapayag na magpasakay." Itinuro nito ang isang kabayong kakulay ng kahoy. Malaki yon at puti ang kulay ng buntot.

"Hindi ako marunong mangabayo." Bakit ngayon lang niya naisip iyon?

"Walang problema. Tuturuan kita." Walang kahirap-hirap na isinakay nito kay Winter. Mabuti nalang nakapantalon sya. She wore a skinny jeans.

Inalalayan muna ni Raven sa paglalakad ang kabayo. Mabagal lang iyon. Ibinalanse ni Nathalie ang katawan sa ibabaw ni Winter. Nagpaikut-ikot lang sila sa tabi ng kuwadra. Nang masanay siya ay iniwan muna siya ni Raven sandali. Mga sampung minuto siguro itong nawala. Sakay na ito ni Speed nang magbalik sa kinaroroonan nya. May dala itong isang bagpack sa likod nito. Kinuha nito ang leash ng kabayo niya at ito ang humawak niyon. Binagtas nila ang patag na lupa na may berdeng puno sa di-kalayuan.

"Oh, this is amazing!" Bulalas ni Nathalie nang matanaw ang kalawakan ng Maynila mula sa malayo. Nasa isang talampas pala sila at nakikita niya buhat doon ang naglalakihang gusali.

"Mas maganda rito sa gabi. Bukod sa malamig ang simoy ng hangin na nanggagaling sa mga bundok ay makikita mo ang mga ilaw sa magandang tanawin na nakikita mo ngayon."

Parang nai-imagine ni Nathalie ang sinabi ni Raven. It seemed like it was a romantic place for lovers. Minsan ay babalik siyang muli roon para saksihan iyon.

Bumaba ito ng kabayo at inalalayan siya sa kaniyang baywang. Sa anggulong binubuhat siya nito ay hindi maiiwasang magkalapit ang mga mukha nila. Napatitig sila sa isa't isa hanggang sa maibaba siya nito.

Tumikhim siya. "Ahm.... Raven, ano 'yang mga dala mo?"

Nahismasmasan naman ito. "Ah, ito ba?" Binuksan  nito  ang bagpack. "Nagdala ako ng makukukot natin habang nandito tayo." Inilabas nito ang isang picnic blanket at inilatag sa mababang damuhan. Sunod nitong ibinaba sa blanket ang mga junk foods, isang bote ng palamang Cheez Whiz, isang malaking tasty bread na naka-seal, at mga drinks na naka-pack.

"Pasensya na. Iyang lang kasi ang nakita kong makakain sa bahay. Iyan ang natira sa mga pinamili ko noong ikalawang araw."

"Okay na 'yan. Laman-tiyan din ang mga iyan," biro niya.

Nagkatawanan sila.

Pa-yoga style  na naupo sila blanket. Naglabas si Raven ng dalatang plastic gloves at isinuot sa mga kamay nito. Nagpalaman ito ng mga tinapay at binigay ang isa sa kaniya.

"Ang ganda talaga rito. Parang walang sisira sa pananahamak mo," wika ni Nathalie habang nginunguya ang tinapay.

"Kaya madalas ako dito. Pag wala akong shooting, nandito ako. Dito ako nakakasumpong ng kapayapaan. Malayo magulong mundo ng showbiz. Kaya nga hindi ko tinanggap ang offer nila na mag-artista ako. Mawawalan na ako ng panahon para sa sarili ko."

"Tama. Kahit ako ay hindi ko ipagpapalit ang napakagandang lugar na ito----" Naputol siya sa pagsasalita nang makakita ng mga  saranggola sa himpapawid na may iba't ibang hugis at kulay. "Look!"

Nakita ni Raven ang tinitingnan niya. "Ah, 'yan ba? Kapag ganito dng buwan ay may paligsahan ng mga burador dito sa Antipolo. Kung sinong saranggola ang matira sa ere ay siya ang panalo."

"Nakakatuwa naman."

  Nang matapos silang kumain ay iniligpit na nila ang mga pinagkainan. Muling isinilid ni Raven ang mga iyon sa bagpack nito. Malakas ang hangin doon kaya hindi mapigilan ni Nathalie ang maghikab.

"Mahiga ka rito." Tinapik nito ang kandungan. "Pwede kang umidlip kahit sandali." Suhestiyon nito.

******

PLEASE: FOLLOW! VOTE!  AND COMMENT!

When i see you SMILE( COMPLETE) UNDER-REVISEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon