Chapter four

7 0 0
                                    

Napabalikwas si Nathalie nang magising. Sa panaginip niya ay narinig niya ang malakas na alulong ng aso. Nakahinga siya nang maluwag ng nasa sariling kwarto na sya. Muli sana siyang hihiga nang lumilitaw sa imahe niya ang mukha ni Raven na naghatid sa kaniya mula sa bahay nila!
Umahon siya sa kama. Suot pa rin niya ang damit nang nagdaang gabi. Hindi na napalitan iyon ni Nanay Linda dahil ayaw siya nitong maistorbo mula sa pagtulog. Nagtungo siya sa banyo at nagshower. Nang matapos ay nagsuot siya ng three-piece-suit. Ayon sa wall clock ay alas-nuebe na. Tinanghali siya ng gising. Pero kahit late na siya sa opisina ay pumapasok pa rin siya. Siya naman ang boss doon.

Nang bumaba si nathalie ay kumakalam ang kanya sikmura. Sa hagdan pa lang ay amoy na niya ang niluluto ni Nanay Linda. Hindi pa rin siya nag-aagahan. She used to eat a heavy-breakfast. Hindi naman siya tumataba kahit malakas siyang kumain.

Ang paborito niyang kainin sa umaga ay sinangag, pritong boneless na bangus na ibinabad sa suka na ang katerno ay ginayat na kamatis, at sunny-side-up egg. Ang pinaka pinale ay ang purong gatas ng baka. Hindi niya alam kung saan kinukuha ng Nanay Linda ba. May tagarasyon raw dito nang nasabing gatas.

Naalala ni Nathalie ang kaniyang kotse. Dumaan muna siya sa fron porch at tinanam ang garahe. Hindi niya inaasahang makikita roon ang kaniyang Toyota Vios.

"Elda!" tawag niya sa isa nilang kasambahay.

Dumating si Elda, may hawak na basahan. Kung hindi siya nagkakamali ay nasa beinte anyos lang ito.

"Ma'am, bakit po?"

"Sino ang magdala ng kotse ko?"

Isang tao lang ang alam ni Nathalie na gagawa niyon.

  "Si Sir Raven po. 'Yong model sa TV," tila kinikilig na sabi ni Elda.

"Ma'am, mas guwapo pala siya sa personal at ang bait-bait pa. Akala ko suplado siya gaya ng naririnig ko.

Magkakilala pala kay-----" Tumigil ito sa pagsasalita ng pandilatan niya.

"Eh, Ma'am, Sorry po."

  "Paano rin ako nakarating sa silid ko kagabi?" Wala siyang natatandaang umakyat siya ng hagdan at natulog sa malambot na kama.

"Si Sir Raven din po, Ma'am.         Pinangko niya po kayo dahil tulog na tulog kayo. Siya rin po ang naghatid ng kotse ninyo ngayong umaga lang. Nag-usap lang sila sandali ni Nanay Linda, tapos, umalis na siya." paliwanag ni Elda.
May ginawa kayang kalokohan si Raven sa kaniya habang natutulog siya? But a part of her told her that Raven was not trouble. He was but a harmless guy with big heart.

  Ah, ewan!

Kasunod na pumasok ni Nathalie si Elda sa kabahayan. Nagpatuloy sa paglilinis sa sala ang kawaksi. Si Nathalie naman ay dire-diretso sa komedor. Pagbungad doon ay nakahain na ang mga pagkain sa mahabang mesa. Nakatalikod si Nanay Linda na kung anong ginagawa.

"Morning, 'Nay," bati niya, sabay hila ng upuan."

"Morning din, hija." Nakangiting idinulot nito ang gatas ng baka sakaniya. "Alam kong magigising ka na kaya ipinaghanda na kita ng almusal." dumulog ito sa hapag at sinabayan siya.

  Ganoon sila ni Nanay Linda,magkasamang kumakain. Isang ina kung ituring ni Nathalie si Nanay Linda dahil ito ang nag-alaga sa kaniya mula noong sanggol pa siya. Ito ang nag-asikaso sa lahat ng pangangailangan niya. Ito rin ang nagpapayo at gumagabay sa kaniya. Kaya mahal na mahal niya ito. Karay-karay din niya ito kapag gusto niyang magbakasyon san mang lugar
Kaibigang matalik ni Nanang Linda ang kanyang Lola Ezperansa na kasa-kasama nila sa bahay na iyon. Balo na ang itinuring niyang nanay-nanayan. May isang anak si Nanay Linda na pinag-aral ni Lola Ezperansa sa Kolehiyo na ngayon ay nasa baguio na at may asawa na. Dalawa na ang apo ni Nanay Linda.

  "Nasa garahe na ang sasakyan mo,hija," pag-iimporma ni Nanay Linda.

  "Nakita ko nga ho," ani Nathalie.

  "Alam mo, hija, gusto ko ang ugali ng batang iyon. Isang tingin ko lang sa isang Raven ford na iyon ay alam kong mabait siyang tao. Masuwerte ka at siya ang nakatagpo sa yo sa Balete Drive. Kung hindi, baka hinimatay ka na roon sa takot."       Alam nito na matatakutin siya at may Phobia sa mga multo.
Pati ba naman si Nanay Linda ay nahulog na din ang loob kay Raven tulad ni Elda? At nang ganoong kabilis?

Looks can be deceiving, iyon ang madalas marinig ni Nathalie sa kaniyang Lola Ezperansa noong nabubuhay pa ito. Iisa lang ang kulay ng mga lalaking may ipinagmamalaking kaguwapuhan--mga mapagsamantala raw. Tulad din ang mga lalaki ng ama ni Nathalie na matapos mabuntis ang kaniyang ina ay saka nagtapat na hindi mapapanagutan ang mommy niya dahil may asawa na. Iniwan ng kaniyang ama ang kaniyang ina sa maselang kalagayan.

  Walang idea si Nathalie kung sino ang kaniyang ama. Kahit pangalan nito ay hindi man lang pinagkaabalahang banggitin ni Lola Ezperansa sa kaniya. Masamang tao raw ang kaniyang ama kaya huwag na niyang naisin pang makilala. Abot-langit ang  pagkasuklam ng lola niya sa lalaking nakabuntis sa anak nito. Hindi mamamatay sa panganganak ang nag-iisang anak ni Lola Ezperansa kung hindi niloko ng lalaking iyon. Nawalan ng ganang mabuhay ang kaniyang ina kahit noong pinagbubuntis pa siya sa kumbento dahil sa kabiguan sa lalaking unang minahal. Sa kumbento ng mga madre nanirahan ang kaniyang ina.

  Habang nagkakaisip si Nathalie ay unti-unti niyang nauunawaan ang sakit na nararamdaman ng kaniyang Lola Ezperansa sa pagkawala ng anak. Gaya rin ng paghahanap at pangungulila niya sa pagmamahal ng tunay niyang ina. Hindi na niya nakagisnan ang ina. Tanging ang mga larawan nito ang nagsisilbing alaalang naiwan sa kaniya. Maganda si Juliana Laperal. Kamukhang-kamukha niya. Sayang at hindi niya ito nakita man lang. Dahil sa nangyari ay nagtanim siya ng galit sa hindi pa nakikilalang am.
  Tinapos ni Nathalie ang pagkain.

  "Tapos ka na?" tanong ng kaniyang nanay-nanayan.

  "Late na ho ako sa opisina." Ininom niya ang gatas na inihanda nito.

  "Bakit hindi mo na lang ipagpabukas, hija? Magpahinga ka naman paminsan-minsan. Wala ka nang oras para sa sarili mo. bakit hindi tayo magbakasyon sa Tagaytay, sa resort ni Ezperansa kahit isang linggo lan?" apila ni Nanay Linda.

  "'Nay naman. Ayokong matambakan ng trabaho. Dagsa ang mga kliyente namin. Next time na lang."

  "At kailan ang next time na iyon, aber?" iiling-iling na sabi nito.

  "Basta." inunat ni Nathalie ang kaniyang suit na nagusot at kinuha ang kaniyang briefcase na naglalaman ng iba pang papeles.

  "O, siya. Kung ayaw mong papigil. Ingat ka, anak. " Inihatid siya ni Nanay Linda hanggang sa main door.

  Tinungo ni Nathalie ang garahe. Natigilan siya nang may maalala. Bumalik siya kay Nanay Linda na nakatayo pa rin sa pinag-iwanan niya.

  "Bakit, hija? May nakalimutan ka ba?"

  "Sira po pala ang kotse ko. Magta-taxi na lang ako." Hindi niya ginagamit ang sasakyan ng lola niya dahil hindi siya komportableng gamitin iyon.

  "Pero minamaneho iyan ni Raven nang dalhin niya rito."

   Binalikan niya ang kotse. Nakapasok pa ang susi sa ignition. Binuhay niya iyon at umandar naman.

  "Tama nga ang kutob ko na ipinagawa muna ni Raven sa talyer ang kotse mo bago inihatid dito. Kay buting bata."

  Malaking palaisipan ang pagtulong ni Raven sa kaniya nang lubos-lubos. Ano ang totoong pakay nito sa kaniya?

When i see you SMILE( COMPLETE) UNDER-REVISEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon