Chapter Nine

11 0 0
                                    

Ipinilig niya ang kaniyang ulo.

Nang may dumaang waiter ay humingi siya ng dalawang drinks. Magkasunod na tinungga niya ang mga iyon.

"I told you, hinay-hinay lang sa pag-inom Nathalie." muling babala ni Eunice. Hanggang warning lang ang kaya nitong gawin. Alam nito ang ugali niya na hindi madaling mapasunod o mapahinahod dahil ang gusto niya pa rin ang sinusunod niya.

Nang hanapin ng kaniyang mga  mata si Raven, natagpuan niyang nakatingin sa kaniya ang lalaki. Nakakunot pa rin ang noo nito. Umalis ito sa tabi ni Keith na kinakausap ang mga kaibigan nito. Palapit ito sa kaniya. Sa pang apat na wine glass na aabutin sana niya sa serving tray ng waiter ay maagap na naawat nito ang kamay niya.

"Tama na. You're drinking too much."

"Pinakikialaman mo na naman ba ako?"

"Malalasing ka sa ginagawa mo."

"What do you care? Hindi naman ikaw ang bumili ng alak." Hindi niya nililimi ang mga sinasabi dahil medyo tinamaan na siya. Madali siyang malasing. Dahil madalang pa sa pagpatak ng ulan sa tag-araw kung uminom siya.

"Halika, ihahatid na kita sa inyo." Inalalayan siya nito para ilayo.

Pero nagmatigas siya. "Ayoko sabing umuwi!" she raised her voice. "Bakit mo ba ako pinipigilan? Masaya ako sa ginagawa ko."

Marahas itong napabuga ng hininga. "Ayokong uminom ka ng alak, Nathalie. Tingnan mo ang sarili mo lasing ka na."

"Hindi pa ako lasing, okay? Go away!"

Naagaw nila ang atensiyon ng mga bisita.
" Nathalie, come on," nagpapasensyang himok pa ni Raven. Hindi ito sumusuko. Hinapit siya sa baywang at pilit na iginigiya sa entrance ng ballroom. Nagpumiglas siya.

"What's the meaning of this?"
Natigilan silang pareho nang makita si Keith.
"I'm  going to take her home ,Keith." Sa himig ni Raven ay hindi nagpapaalam kundi sinasabi ang ibig gawin.
"At paano ako? Iiwan mo ako rito samantalang ikaw ang escort ko?"
"Nathalie is drunk. Be reasonable. Kailangan ko siyang maihatid sa bahay niya."
"Siya ang mas pipiliin mo kasya sa akin? Sino ba ang babaeng 'yan sa buhay mo?" Nakataas ang isang kilay na inikutan siya ni Keith habang ang mga mata ay gumagala sa kabuuan niya, giving her a disdainful look. "Mukhang clown. Mukhang old maid, manang kung manamit, at ang sama ng fashion sense. Ito ba?" Dinuro siya nito. "Ito ba ang klase ng babaeng mas inuuna mo pa kaysa sa akin, Raven? Cheap!" Sinabayan nito iyon ng nakakainsultong tawa.

Sumulak ang dugo ni Nathalie. "You bitch!" Sinampal niya ang babae. Sino ito para lait-laitin siya? Ni isang piraso ng tinapay ay wala itong naipakain sa kaniya!

Sinabunutan ni Keith si Nathalie. Sinabunutan din ni nathalie ang babae. Nagkagulo ang mga tao sa ballroom. Si Raven ay nalilitong hindi malaman kung paano sila aawatin. Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ni Nathalie na nagpasasadsad sa kaniya sa granite floor.
Nalasahan niya ang likidong tumagas sa kaniyang bibig. Pinahid niya iyon ng palad. Dugo! Hindi siya makatayo dahil nanlambot bigla ang mga tuhod niya. Hindi pa nakuntento si Keith. Sisipain pa siya nito. Ngunit bago nangyari iyon ay may isang taong malakas na tumulak dito

"Don't you ever hurt her again or else, I will strangle your neck!" Dinuro-duro ng lalaking hindi niya nakikilala si Keith. Natakot naman ang huli.
Dinaluhan siya ng lalaki. Nasa singkuwenta na marahil ang edad at mayaman base sa nakikita niyang mga alahas sa kamay.

"Nasaktan ka ba, hija?" tanong nito, may langkap na pag-alala sa tinig.
Bahagya na lang nasagot ni Nathalie ang lalaki habang itinatayo siyd. Ramdam niya ang pananakit ng kaniyang pisngi, ang hapdi sa sulok ng kaniyang mga labi. Yumakap siya sa matandang lalaki. Dito siya nakahanap ng kakampi. Hindi niya ito kaanu-ano subalit ipinagtanggol siya. Wala siyang kalaban-laban kay Keith dahil mas mataas ito kaysa sa kaniya. Ang lalaking inaasahan niyang unang sasaklolo sa kaniya, hayun at pigil-pigil ng malditang steady date nito para hindi siya mapuntahan. Gusto niyang maghinanakit kay Raven sa ka alan nito ng kakayahang salungatin ang babaeng iyon. Pakitang-tao lang pala ang ipinapakitang concern nito sa kaniya.

Sa isang iglap, nasa tabi na rin niya si  Eunice. "Nathalie, ano'ng masakit sa iyo?"

"O-okay na 'ko." Bumaling siya sa matandang lalaking tumulong sa kaniya. "Salamat po, Mr......?"

"Mr. Reynaldo Belmonte, hija." Nakangiti ang ginoo sa kaniya.

Hindi maipaliwanag ni Nathalie kung bakit  mabilis na napalagay ang loob niya sa matanda na sa bukas ng mukha ay nasisiguro niyang mabait.

"Kailangang madala ka sa ospital."

"Maraming salamat nalang, Mr. Belmonte. Pero wag na kayong mag-abala." Maliban sa nasaktang pisngi at putok sa labi niya, wala na siyang maramdamang masakit sa kaniya.

"Sigurado ka?" She nodded. "Kung ganoon maiwan ko na kayo." Humakbang na si Mr. Belmonte palayo sa kanila at kinausap ang isang ginang na maaaring asawa nito.

---
Yesss! Tapos na din ang Chapter #9... Makaka usad na din. Buwahahahaha,..xD ... *cough *cough *cough *cough. Overwhelm  ako masyado.....

++Ano kaya ang gagawin ni Nathalie?
Hmmmnm,

Abangan.....

When i see you SMILE( COMPLETE) UNDER-REVISEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon