KABANATA 1: Eya

37 5 0
                                    





"Eya bumangon kana diyan at mag agahan dahil maaga tayo mag tutungo ngayon sa simbahan"

Kinusot ko ang mata ko agad bumungad sakin si lola na nakatayo sa pinto.

"Opo babangon na."

Bumangon ako at nag ayos humarap àko sa maliit na salamin at pinag masdan ang mukha ko.

"Isang taon na ang lumipas pero hanggang ngayon hindi ko pa din alam kung sino ka ba talaga," bulong ko sa sarili ko.




Isang araw Nagising ako na para akong isang sanggol. Walang kahit na ano sa isip ko napakarami kong gustong maalala pero napaka blangko ng lahat.  Kahit pangalan ko ay hindi ko alam. kahit pa ang mga kasama ko ngayon ay hindi ko kilala pero kahit ganon kailangan kong maging matibay.


Itinuloy ko ang buhay ko kasama si lola at lolo. Sumasama ako sa kanila sa pag titinda ng mga bulaklak sa labas ng simbahan at sa loob ng isang taon ay kahit papaano naging maayos naman ako marami akong nakilala na kaibigan. Sinasabi nila hindi daw ako taga rito sa kileyo dahil napulot lang daw ako ni lolo sa pampang.

"Bili na ho kayo ng bulaklak maam sir!" sigaw ni lola habang naka upo siya sa gilid ng simbahan.

"lola ako na po dito mukhang pagod kana."

"Naku hindi na Eya, kung dalawa tayo ay mabilis natin to mapapaubos at sabay tayong uuwi."



Tumango nalang ako kay lola at tinuloy niya ang pag aalok sa mga taong dumadaan.


Nag lakad aka sa harap ng simbahan dahil naisip ko na baka mas marami ang bumili sa parte na yun. Marami kasing nag titinda sa pwesto ni lola kapag inaaya ko naman siyang lumipat ng pwesto ayaw din niya.

Ito lang ang ikinabubuhay namin at si lolo naman ay isang mangingisda. Simple lang ang buhay namin pero masaya parin dahil kuntento naman kami sa kung ano lang ang meron.

"Hi Miss pabili nga ako ng dalawa," sambit ng lalakeng kakalapit lang sakin.

Inabot ko sa lalake ang dalawang kumpol ng bulaklak saka ko tinanggap ang bayad niya sakin.



"Taga dito ka talaga miss no?"

Napaangat ako ng tingin sa lalake na mukhang taga maynila meron siyang dalang camera at siguro isa siyang turista. Napaka puti kasi ng balat niya kararamihan kasi sa mga nakatira dito ay mga maiitim dahil na din sa pamumuhay nila sa tabing dagat.

"Ahh opo," maikli kong sagot.

"Parang hindi kasi sobrang ganda mo at ang kinis mo pa."

"Naku! salamat po pero dito talaga ako nakatira."

Nginitian ko siya at ganun din naman siya sakin.

"Pwede ba kita na kunan ng litrato?" aniya.

Tumango ako at saka niya ako pinapuwesto sa tapat ng simbahan. Simple lang akong nakatayo at saka niya ni click ang camera.

"Thanks miss, by the way ano nga pala ang pangalan mo?"

"Ahm ako si Eya."

Inilahad niya ang kamay niya sakin at nakangiti ko naman itong tinanggap. Matapos nun ay nag paalam na din ako sa kaniya dahil kailangan ko pang mag tinda.

"Goodmorning Eya, ang ganda na naman ng umaga ko ngayon dahil nakita na naman kita," bati sakin ni Marco na binatang anak ng kaibigan ni lola.

Madalas niya akong inaasar or pinupuri at napapairap nalang ako kapag ganun siya. Hindi ko alam pero ayoko ng pinupuri ako o pinapansin. Kung gusto niya na makipag close sakin mas mabuti na wag niya nalang ako kausapin mas okay pa yun.


"Hoy Eya saan ka? Hayyy napaka sungit naman ng pinaka magandang babae dto sa kileyo," aniya habang bakas ang matamis na ngiti sa labi niya.

"Puwede ba Marco? Wag mo ng sirain araw ko."

"Di ko naman sinisira ahhh ayaw mo kasi ko pansinin e," nakanguso pa niyang sabi.

Pinag masdan ko ang kabuuhan niya, okay naman siya. Very manly ang itsura at maganda ang pangangatawan. Nangingintab din ang kutis niya na medyo sunog na sa araw.


"Oh tas ngayon pag nanasaan mo ang katawan ko? Sige na nga okay lang sakin Eya sayong sayo lang ako," naka ngisi nitong pang aasar sa akin.

Inirapan ko siya at agad na tinalikuran."Tsk! kala mo naman to kung sino," bulong ko.

Humalakhak siya at mukhang narinig niya ang sinabi ko at saka siya lumapit sakin para tulungan ako sa pag dadala ng paninda.

"Eya mag dadala ako ng hapunan sa inyo mamaya ayos lang ba kung dun na din ako kumain?"

"Mag bibigay ka ng hapunan tas ikaw rin kakain?" sambit ko habang nag lalakad kami.

"Oo nga no?"

Ngumisi lang ako sa kanya habang siya ay masayang nag lalakad bitbit ang mga paninda ko.

"Nagsisilbi na naman ang pambansang Marco natin kay Eya ohhh!" pangaasar ng mga nagtitinda ng isda sa tabi.

Mga kaibigan ito ni Marco at halos araw araw ay lagi nila itong inaasar kapag tumutulong sakin.

"Isipin nyo ang pinaka babaerong lalake dito sa kileyo ay nag papa ilipin lang sa dayong si Eya," sabat pa ng isnag lalake.

Nagtawan sila at mukhang proud pa si Marco sa mga pangkakantyaw sa kaniya.


"Haayy nako! tumigil na nga kayo iniinis niyo naman ang Eya ko masiyado pang maaga!"


Ng mapansin ko na nag labasan na ang mga tao sa simbahan ay bumalik ako sa pwesto ko kanina.


"Bili na po kayo Maam."


Ilan din ang naibenta ko dun sa pwesto ko. Hinintay ko hanggang sa matapos ang ibat-ibang oras ng misa at hindi ako umuwi. kailangan ko din maka benta tsaka kung uuwi man ako ngayon ay siguradong maiinip lang ako sa bahay.


"Eya umuwi naba ang lola mo?" tanong sakin ng isa din na nag titinda ng bulaklak.

"Ahh opo."

"Uuwi na din kami mag didilim na rin at ikaw bata ka wag kana mag pagabi dito medyo malayo pa ang lalakadin mo."

"Opo uuwi na din ako," nakangiti kong sagot.


Ilang minuto pa akong nanatili sa simbahan bago ko naisipang umuwi. Medyo malayo din kasi ang lalakadin dito mabato pa ang daan at medyo maputik.

Tulala lang akong nag lalakad dala ang tira na paninda ko.
Madalas ako mag isa umuuwi dahil pinapa una ko na si lola para makapahinga. Madalas naman ay inaabot ako ng alas otso sa simbahan pero minsan nakong pinag sabihan ni lola, baka daw kasi may ma tyempuhan ako na masasamang tao at baka kung mapano pa daw ako kaya mula non ay alas sais palang ay nag lalakad na ako pauwi.


Malayo palang ay tanaw ko na ang kubo naming bahay medyo tago ito dahil marami na ang puno sa gawi nito. Napaka payapa ng lugar nato. Alam ko na hindi dito ang buhay ko. Ramdam ko kung gaano kalaki ang nawawalang piraso sa buhay ko na hanggang ngayon hindi ko pa mahanap at Bawat gabi na nanaginip ako alam ko na masakit ang dinanas ko nun nagigising nalang akong umiiyak at takot na takot.

Napapatanong nalang ako sa sarili ko kung ano bang klaseng tao ako noon. Nasan ang pamilya ko? At Bakit hindi nila ako hinahanap? Alam ko na napulot ako ni lolo sa dalampasigan noon at wala ng malay puro galos ako at hindi nila inakala na buhay pa ako.

Naisip ko na baka isa akong masamang tao noon kaya walang may gustong mahanap ako. Kaya pinabayaan nalang din ako At wala nakong magagawa dun kailangan ko na mabuhay dito sa lugar na ito habang ginagamit ko ang isang pangalan na alam kong hindi naman sakin.

Still Yours COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon