"Lola kamusta kayo diyan? Baka sa susunod na linggo pa kami makaka bisita ni Vince busy pa kasi yun sa trabaho niya,"paliwanag ko habang nakatapat sa tenga ko ang phone ko.
"Ayos lang Eya naiintindihan namin. Pero miss na miss kana talaga namin! Mabuti nga at tumawag ka."
"Puwede po bang hindi ako tumawag sa inyo? Syempre miss ko na din kayo ni Lolo! Palagi kayo mag iingat diyan ah?"
"Ikaw din naku bata ka! baka nag papalipas ka ng gutom ha? Hindi maganda sa kalusugan yan hayaan mong pag silbihan ka ni Vicente! Kung malapit lang yan dito sakin papahirapan ko pa yan."
Natawa nalang ako sa sinasabi ni Lola, hindi ko alam kung maawa ako para kay Vince o matutuwa dahil sa wakas ay may kakampi nako at si Lola yun.
Masaya kaming nag kwentuhan ni lola sa phone pero nung nag paalam na ko ay biglang nalungkot ang boses niya. Siguradong naiinip si Lola dun sa bahay dahil pag wala naman si Lolo mag isa lang siya doon.
"Wala ka bang meeting mamaya?" tanong ko kay Vince habang nakaupo at may binabasang mga papaer works.
"Meron pa Baka gabihin din ako ng uwi," sabi niya habang nakatuon ang mga mata sa ginagawa niya.
"Sige mauuna nalang akong umuwi."
Tumayo ako at kinuha ang bag ko at bumaling kay Vince na abala parin sa ginagawa niya.
"Uuwi na ako," paulit kong sabi pero parang wala siyang naririnig.
Napairap nalang ako at lumabas ng office niya. Ibinagsak ko ang pinto na ikinagulat din ng mga empleyado. Nag lakad ako sa hall habang pinag titinginan ng mga tauhan.
Ano bang problema nun napaka hirap kausapin, akala naman niya pag papasensyahan ko siya. Oo busy siya pero puwede naman siya sumagot kapag kinakausap siya!
Habang nag lalakad ako ng tulala ay hindi ko sinadyang may mabunggo, naramdaman ko nalang ang init na natapon sa dibdib ko.
"WHAT THE HELL!" sigaw ko.
Bumaling ako sa babaeng matangkad at morena na nakatingin lang sa natapon niya sakin.
"Sorry tulala ka kasi, ayan tuloy natapunan ka."
Ngumisi siya at mariin akong tinitigan. Tulala ako kaya binunggo niya ako at tinapunan ng kape, Hello? Alam niya ba kung sino ako? Lumapit ako sa kaniya at nilapit ang mukha ko sa kaniya na halos mag kapantay lang kami ng taas.
"Maybe you don't know what I do to those who bump into me without even saying sorry?" I said.
"I know you. Pero hindi ako mag so- sorry kung hindi ka sana Ta-tanga tanga hindi ka mabubunggo," mataray niyang Sabi at umatras ng isang hakbang.
"Napakalaki ng hall Miss, kulang pa ba ang laki nito? Kung Oo, sabihin mo sakin ng ako na ang ang adjust para next time na dadaan ka wala ka ng mabunggo."
I crossed my arms to her habang siya ay matalim lang ang tingin sakin. Pinagtitinginan na din kami ng mga tao dahil sa tensyon sa pagitan namin.
"Tama nga ang sabi sabi," makahulugan niyang sagot sakin.
Ngumisi siya at saka ako nilagpasan paalis.
Tama ang sabi sabi na? Na masama ugali ko ganon? Sana tinuloy niya sinasabi niya para nakatikim yung mukha niya ng sampal .
Pinunasan ko ng tissue ang suot kong White fitted shirt para kahit papaano mabawasan ang basa nito at sumakay ako sa kotse ko. Inilabas ko ang phone ko na nasa bag at may mga tawag na si Vince sakin. Hindi ko yun pinansin at ibinato ko ang phone ko sa upuan dahil sa sobrang inis ko.
BINABASA MO ANG
Still Yours COMPLETED
RomanceMiracle Gray Liñarez comes from a rich family, she is the only child and the heir. So since her Father's death, someone want's to take her position and An attempt was made to kill her but she survived and was adopted by an old couple living on the i...