KABANATA 9: Wedding Ring

25 4 0
                                    

"Eya nasa labas si Marco gusto ka daw niya makausap!" sambi ni Lola.

Itinigil ko ang pag luluto ko at saka lumabas ng bahay. Agad akong Napatingin sa dala ni Marco na malaking bag at malungkot ang mga ngiti nito sakin.


"Marco saan ka pupunta?" nakakunot noo kong tanong sa kaniya.

Lumapit siya at naupo sa upuan na nasa harap lang ng bahay namin.

"Pinasok ako ng trabaho ng Tito ko sa isang kompanya sa maynila biglaan gusto pa sana kita makasama bago sana ako umalis."

Lumungkot ang mga mata niya at saka nag iwas sa pag titig ko sa kaniya.

"Maganda yung opportunity na yun para sayo Marco. Matalino ka naman at magaling makisama siguradong mag E-Enjoy ka dun."

Lumapit si Marco sakin at hinawakan ako sa kamay.

"Eya, sana hintayin mo ako pag balik ko i di-date kita kahit saan mo gusto. Kahit anong gusto mo ibibili ko sayo. Mag iipon lang ako dun at babalik ako agad sayo."

Hinampas ko siya ng mahina sa braso niya at nginitian siya. "Ano ka ba! Bakit ako ang iniisip mo? Mag sikap ka dun para sa pamilya mo para ka talagang sira!" sambit ko at Tinawan ko siya pero seryoso parin ang mukha niya habang naka titig sakin.

"Wag mo akong ipagpapalit Eya please, masaya akong babalik sayo kaya wag mo sana akong saktan."



Nawala ang ngiti sa labi ko dahil bakas sa mukha ni Marco ang sobrang lungkot, ayoko siyang umalis ng ganito dahil Kahit papano ay naging mabuti siya sakin kahit madalas ko siyang binabalewala.

"Mag kaibigan tayo Marco bakit naman kita sasaktan?"

"Ayoko ng maging kaibigan ka lang Eya! Sana pag balik ko bigyan mo pa ko ng pag kakataon para patunayan sayo na Mahal kita at seryoso ako sa lahat ng sinasabi ko. Kahit ilang buwan lang Eya please."

Nag susumamo niyang hinawakan ang mga pisngi ko at mariin ang bawat titig sakin ng mapupungay niyang mata.

"Eya mag promise ka na hindi ka hahanap ng iba."

"Marco-"

Mas lalong dumiin ang hawak niya at sobrang lapit na niya sakin.

"Oo na Marco, Promise!"

Ngumit siya at saka ako binitawan. Naka hinga ako ng maluwag dahil naalala ko na naman yung pag halik niya sakin nun at ayoko na din na maulit pa dahil hindi dapat, kaibigan ko siya at hanggang dun lang yun. Ayoko lang na malungkot siyang aalis ngayon dahil baka kung mapano pa siya sa biyahe niya.

Matapos ni Marco mag paalam ay hindi na siya tumingin ulit sakin siguro ay umiiyak na yun ngayon.


"Oh bat naka ngisi ka pa diyan?" naka taas ang kilay ni Lola na nakatingin sakin.

"Wala ho la, natatawa lang ako kay Marco iyakin kasi yun."

"Talaga itong bata na to! Kawawa naman si Marco dun siguradong maninibago yun sa maynila," sabi ni lola habang nag aayos ng mga pinggan sa mesa.

"Kaya na niya yun la, tsaka mas malaki ang kikitain niya doon para din sa pamilya niya."


Tumango lang si lola at saka ipinag patuloy ang ginagawa niya. Matapos namin gawin ang mga gawain sa bahay ay naligo na ako at saka nahiga sa kahoy naming upuan. Ipinikit ko ang mata ko at di namalayan na naka idlip nako.







"Yaya? Lina?"

Tawag ng isang babae habang bumababa ito sa mahabang hagdan pero walang sumasagot sa kaniya. Sa isip niya ay marahil hindi siya naririnig ng mga ito dahil sa Malakas ang buhos ng ulan at kasabay nito ang kidlat.

Still Yours COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon