"Iha Kamusta naman ang pag sasama niyo ni Vince?" tanong ng Mommy ni Vince habang kumakain kami sa mahabang mesa.
"Ayos naman po Tita," sagot ko.
Ngumiti ito sakin at nagtinginan sila ni Mommy.
"Ahm nag tatabi naba kayo anak?"
Tanong ni Mommy habang nakatago ang mga ngisi sa labi nila ng Ina ni Vince. Talaga bang dito mo ako tatanungin niyan mom sa harap ng pamilya natin? Napatitig sakin si Kate at Tita Espe habang si Lea naman ay tahimik lang na kumakain.
"Kagabi lang," sagot ko at saka ako yumuko dahil pakiramdam ko namumula na ako sa hiya.
"We are actually planning to have a child," sabat pa ni Vince at saka humawak sa kamay ko.
Fuck you Vince! I will kill you when we get home!
"Oh Wow! Totoo ba yan anak?" masayang tanong ni Mommy sakin at parang hindi pa siya makapaniwala sa mga nangyayari.
"Yeah." simple kong sagot.
Napabaling ako kay Lea ng marinig ko ang pag bagsak niya ng tinidor sa mesa. Hindi ba siya masaya? Kung sabagay may gusto pala siya kay Vince noon pa.
"Buti naman at naisip niyo na yan tumatanda na kami at Alam niyo naman na matagal na namin gusto ang mag ka apo," sabi ng Mommy ni Vince habang hinihiwa ang steak sa plato niya.
Tumayo si Lea at bumaling kami sa kaniya.
"I'm done and I'm just going to call someone," sabi nito at tumalikod paalis.
I grinned when I saw her face was about to burst with annoyance.
Naiinggit ka ba Lea? Mula noon naman sakin talaga si Vince.
Si Lea at kate lang ang babae kong pinsan at alam ko na noon pang may gusto si Lea kay Vince naging sila din noon dahil mas malapit ang edad nila At dahil Ako ang pinaka bata saming mag pipinsan nasa akin lagi ang atensyon. Ako ang madalas mapuna sa mga mali ko. At masaya pa sila kapag palagi akong kino kontrol.
"Miracle nabalitaan ko ang pag papagawa mo ng bahay. Para saan yun at bakit kailangan mo pang mag sayang ng pera, may condo kana at may mga bahay tayo sa kung saan saang lugar," sabi ni Tita habang nakakunot ang noo.
"I used my money for that Tita Espe, and that's still not enough to pay Tita Amelia's arrears," sagot ko sa kaniya na nag paigting ng panga niya.
"Hayaan mo na ang anak ko Espe, kung tutuusin si Amelia ang dapat na gumagawa niyan para makabawi sa ginawa niya kay Luna," sagot ni Mommy habang naka tingin siya sa plato niya.
Mariin ang titig sakin ni kate at ni Tita Espe pero hindi ko yun inintindi ganiyan naman na sila noon pa. Kahit minsan hindi sila naging masaya kapag nakikita nila ako.
Naramdaman ko ang pag hawak ni Vince sa kamay ko habang naka sandal siya sa upuan at tapos na kumain.
"Baby I want to go home," malambing na bulong ni Vince sakin.
"Matigil ka diyan Vince, baka marinig ka ni Tita."
Ngumisi siya sakin at pinag laruan ang singsing na nasa daliri ko. Nang matapos kami kumain ay nag libot ako sa bahay habang si Vince ay nasa opisina ng Mommy niya. Narinig ko na may pag uusapan sila tungkol sa Ate ni Vince na ikinasal sa probinsya namin.
Pinag masdan ko ang malalaki naming picture na naka dikit sa dingding. May mga pictures ako nung baby pa ako at nung debut ko na kung may makakakita nito mapagkakamalan akong prinsesa. Na realize ko na mas maayos ang buhay ko kumpara sa mga kasing edad ko na walang maayos na damit at hindi nakakakain ng tama. Masuwerte parin pala ako pag dating sa ganitong bagay.
BINABASA MO ANG
Still Yours COMPLETED
RomanceMiracle Gray Liñarez comes from a rich family, she is the only child and the heir. So since her Father's death, someone want's to take her position and An attempt was made to kill her but she survived and was adopted by an old couple living on the i...