KABANATA 14: Why?

23 4 0
                                    

"Boss wala sa kahit saan mukhang natakasan kami!"

Salita na rinig namin mula sa di kalayuan siguradong yun ung mga demonyong gustong manakit sakin.

"Maam Amelia hindi kami titigil sa pag hahanap. Siguradong di pa yun nakaka layo at kapag nahuli namin yun tapos na ang problema mo wag mo lang kakalimutan ang usapan natin na bayad."


Amelia? Kung ganun Si Tita Amelia ang nag utos? Pano niya ito nagawa? Alam kong hinahangad niya noon pa ang posisyon sa kompanya pero paano niya magagawa sakin ito na kadugo niya!

"Señyorita kailangan na natin kumilos," sabi ni Lina bago siya Humawak sa kamay ko at ngumiti.

"Magiging ligtas ka Señyorita pangako ko yan sayo!"

"Maging ligtas ka din Lina! Hihingi ako ng tulong pangako yan!"



Sa unang pag kakataon ay nakadama ako ng takot. Buong buhay ko ay namuhay ako ng masaya at panatag Pero ngayon para akong mamamatay sa sobrang takot. Paano kung mamatay ako ngayon at hindi manlang alam ng magulang ko? paano kung huling buhay ko na pala ito at hindi manlang ako naging isang mabuting anak.

Nagulat ako ng biglang lumabas ng mesa si Lina gusto ko siyang habulin pero kapag ginawa ko yun masisira ko ang plano niya. Niyakap ko ang mga binti ko at umiyak ng mahina. Oh God i know i'm not a good person  but  she was so good to me please save her! Save Lina please!


Sumilip ako sa maliit na puwang at nakitang wala na sila sa paligid agad akong lumabas sa ilalim ng mesa at dahan dahang nag lakad palabas. Mukhang hinabol nga nila si Lina. Tinanaw ko ang lupa na malapit sa yate na sinasakyan ko ngayon. Hindi siya gaanong kalayuan Sigurado akong mabilis akong makakarating dun. Mas nadagdagan ang takot ko ng dumilim ang kalangitan at biglang bumuhos ang malakas na ulan kasabay ng kulog at kidlat. Ang gabi na ito ang pinaka madilim na parte ng buhay ko sa pagitan ng buhay at kamatayan.

Kung naging nasamang tao man ako kaya dinadanas ko ang mga ito. Sa unang pagkakataon humihingi ako ng tawad sa lahat ng mga taong nasaktan ko. Sa magulang ko, kaibigan, kay Lina at lalo na sa asawa ko. Kung mag tapos man ang buhay ko ngayon meron akong isang napatunayan.

Napatunayan ko na ang buhay ay walang kasiguraduhan hindi natin alam kung kailan tayo mag lalaho sa mundong ito dati ay tinatawanan ko lang ang mga pangaral sakin ng magulang ko, naging matigas ang ulo ko at wala akong sinusunod kundi ang sarili ko pero mas lalo akong naging matigas ng matuto akong mag mahal ng isang lalake na parang bato at parang walang pakealam sakin pinakasalan lang ako para sa negosyo at paulit ulit niyang pinapamukha yun sakin at dahil dun pinilit ko itaas ang sarili ko binalewala ko din siya para mawala na ang pagmamahal ko sa kaniya.

Sana lang ay mahanap niya ang babaeng karapat-dapat sa kanya at ngayon malinaw na sakin na hindi ako yun, tinatanggap ko na at hindi ko na ipipilit pa. Huminga ako ng malalim at dinama ang malakas na hangin na tumatama sakin At saka ako Tumungtong sa bakal at pumakit bago tumalon.









"Iha ayos ka lang ba?" tanong ng isang babae na katabi ko habang umiiyak ako.

Tinakpan ko ng mga kamay ko ang bibig ko para mapigilan ang paghagulgol. Kung ganon pala si Tita Amelia ang may gawa ng lahat ng yun? Si Tita ang nag plano para patayin ako. Naaala ko na ang lahat! 

Tita amelia pano mo ito nagawa?


Hindi ko inakala na may mas sasama pa pala sakin. Si Lina! Kailangan kong mahanap si Lina! Natataranta akong tumayo at umalis sa kinakaupuan ko. Habang nakatingin ang mga tao dahil sa pag tataka sa kilos ko

Oo para nakong mababaliw ngayon Dahil sa lahat ng mga naalala ko. Parang sasabog ang ulo ko sa sakit pero walang wala ito sa sakit na nasa puso ko. Si Lina. Hindi ko natupad ang pangako ko sa kaniya na ililigtas ko siya! Naiwan ko siya! Napakasama ko para gawin sa kaniya yun.





"Miracle!"

Napalingon ako sa likod ko at nakita ko si Vince na naka kuyom ang mga kamay at matalim ang mga tingin sakin. At mas lalong bumuhos ang luha ko ng lumapit siya sakin.

"S-Si Lina. Naiwan ko siya sa yate! Asan si Lina, Vince!"


"Inakala naming lahat na patay kana Miracle dahil sa natagpuang katawan sa sumabog na yate. Hindi na napa imbestigahan ang katawan na yun dahil si Amelia ang nag asikaso ng mga yun."

"Si Lina ba yun ha? Vince? Wag mo sabihin na siya yun! Bakit nagpabaya kayo! Bakit hindi niyo siya iniligtas agad! Si Tita Amelia siya ang nasa likod nito. She planned it so she could get me the position in the company."



I feel like I'm going crazy from crying and I don't care who will see me.  I'm about to explode and I want to release everything in my heart. The anger, the pain and the truths that I had long forgotten. Niyakap ako ni Vince ng mahigpit at hindi niya ininda ang pag hampas ko ng paulit ulit sa dibdib niya.




"Forgive me if I believed them that your gone. Sorry Mira! Hindi mo alam kung paano ako nabuhay noon ng wala ka! I fucking tried to kill myself. Paulit ulit kong sinisisi ang sarili ko dahil sa dami kong pag kukulang sayo! Im sorry Miracle. Sana hindi kita hinayaang umalis sana pinigilan kita."


Kumalas ako sa pag kakayakap niya sakin at pinunasan ko ang luha ko.


"Nangyari na Vince, wala na tayong dapat pagsisihan dahil nangyari na. The one thing I want to do now is to get justice for what happened to Lina and me," sambit ko habang malamig ang mga titig ko sa kaniya.

Hinawakan niya ang wrist ko at pinunasan ang nangingilid kong luha.


"Since I came here I have been investigating everything. Ikaw nalang ang hinihintay ko at  Wala silang alam na buhay ka pa. Let's make a plan here before we return to Manila. Maaayos natin to lahat Mira believe me. I will not allow anything happen to you again."

Hindi ko siya sinagot at hinila niya ako para yakapin. Now he gave me a tight hug that somehow relieved me. He makes me feel now that I'm not alone which he never did to me before. Dati ko pang inaasam ito mula sayo Vince pero bakit ngayon mo lang ibinigay kung kailan punong puno na ng galit ang puso ko sayo? Ngayon pa na matigas na ang puso ko. Ngayon pa na paghihiganti ang tanging gusto ko. Bakit ngayon pa Vince? Why?

Still Yours COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon