Naniniwala ba kayo sa Angel?
Ako kasi OO and I know only one Angel.
Literally her name is Angel, Angel Villareal. I don’t know kung bakit one time bigla na lang syang nagpakita sakin. Habang naglalakad sa park bigla na lang syang nagpakita sakin. I know tao sya pero tao nga ba sya o literally she’s an angel like her name??
I’m Alden Magallanes who accidentally saw an Angel.
Hindi naman ako masamang tao, hindi din naman ako nagrerebelde sa magulang ko pero bakit ako? Mabuti naman ako. Hindi ko sinasabi na pwede na kong maging santo sa kabaitan may kasamaan din naman ako kahit papano na pwedeng bumali sa sampong utos ng Diyos. Pero bakit ako?!
Naglalakad ako ngayon sa park at sinisipa ang bato na nasa harap ko.
Alam nyo ba yung nakakainis?! Nakakainis kasi hindi pa kami pinag – exam ng mga teachers namin at ang malala pa dun kagabi ng review ako! Nakakainis! Sana hindi na lang muna ako nag – review kung next week pa pala ang exam! Nako naman!
Umupo ako sa bench na may nakaupong isang babaeng nakaputi. Ngumingiti sya sakin pero hindi ko sya pinapansin.
Hello miss?! Baliw ka ba?! Wag mo nga ako ngitian ng ganyan? Kahit cute ka hindi kita papatulan. Wala ko sa mood at nagugutom na ko.
Pinatong ko na lang ang baba ko sa kamay ko para makapagrelax.
“Ikaw si Alden Magallanes di ba?” tinituro nya ko ng pointing finger nya.
O…..O
Bat nya ko kilala? Baka naman nasa prank show ako ha?! O baka naman sikat na ko hindi lang alam? Pero bakit naman ako sisikat eh hindi naman ako magaling kumanta, sumayaw at umarte in short walang talent hahahaha.
“Alden!!!” niyakap nya ang braso ko at nakatingin lang ako sa kanya “Ang tagal na kaya kitang hinahanap! Buti na lang umupo ako dito! Dito lang pala kita makikita!! Ang saya ko!! Thanks God!!” Tinanggal ko ang pagkakayakap nya sa braso ko
“Wait lang Miss Weirdoo ha? Are you insane or what? Kasi hindi kita kilala..”
“hahahah Oo nga pala. Hindi mo talaga ako makikilala kasi ako ng Guardian Angel mo.” Nanlake ang mata ko sa kanya
BINABASA MO ANG
My One Shot Stories
Teen FictionThis is a one shot compilation. Hope you like it ^^