“Tony!” nagsisigaw na naman ang designer na bading “Asan ka na naman ba? Ayusin mo tong mga bagong labas na damit!”
“Opo. Nandyan na.” hinila nya ang tenga ko. Matatanggal na ata sa sobrang sakit ng pagkakahila nya.
“San ka naman ba pumunta? AYUSIN MO NA TO ngayon na.”
“Opo.” Hay ganito ang buhay ko dito sa shop. Ako nga pala si Tony Palegar, ako ay isang trabahador dito sa shop. Yung taga buhay ng mabibigat ng tela at nag-aayos ng damit ng mannequin. Sa totoo lang dalawa naman talaga kami dito na dapat na gumagawa kaya lang pamangkit sya ng may – ari kaya okay lang na hindi sya masyado gumawa dito. Gumagawa lang sya pagnakaharap ang Tito nya. Pakitang tao no?
Bat ba ang gaganda ng mga mannequin. Halos perfect na sila tingnan kulang na lang mabuhay sila. Kung ako magkakagirlfriend gaya ng mannequin na to. Nako hinding hindi na ko titingin sa iba kung hindi sya lang.
“Di ba? Alice.” Alice ang pinangalan ko sa nag-iisa naming mannequin.
Ginagabi lage akong lumalabas sa shop dahil madami pang nililinis at kung ano ano pa.
“Ayan tapos na. Makaka—AAAAAAAAHHH!!!” pagtalikod na pagtalikod ko may magandang babae na bumungad sakin. “Good evening po Ma’am pero sarado na po yung shop”
“Alam ko. Hi Tony hindi mo ba ko nakikilala” sa ganda mong yan malilimutan kita. Never!! Pero hindi ko talaga sya kilala eh.
“Hindi po ma’am eh sino po ba kayo?”
“Okay magpapakilala ako. Ako nga pala si Alice. Ikaw nagbigay sakin ng name nay an ako yung mannequin”
“Weh? Hahaha ikaw naman Ma’am wala naman po sainyo na mukha kayong sintosinto o magnanakaw wala naman po kayong nanankawin dito dahil dinala na ng boss ko”
“Tony ako talaga si Alice yung mannequin!!” hinila nya ko kung san nakatayo ang mannequin
O_______________________________O
“AAAAAAAAAAAAAAAAHHHH!!!!!!! Nanakawan kami!!!!!!!!!!!”
“Shut up nga! Anong nanakawan ako nga si Alice oh! Ito pa yung sinuot mo saking damit” oo nga no? white dress na may red na ribbon ang sinuot ko sa kanyang damit.
“Ahhh! Kung ikaw nga si Alice” umupo sya sa upuan.
“Wow ngayon ko na lang ulit naramdaman na umupo! Hahaha ako si Alice lage ka pa nga nagkwekwento sa bading mong boss at sa loko loko nyang pamangkin na hindi ka manlang tinutulungan”
O_________________o
“Ih… ikaw nga si Alice eh pano ka naging tao? Wooooo!! Maligno ka no?”
“No! of course not! Tong ganda kong to maligno?” kung sa bagay
BINABASA MO ANG
My One Shot Stories
Teen FictionThis is a one shot compilation. Hope you like it ^^