Six

172 13 3
                                    

Iaxah's PoV


Wala sa sarili ako'ng naglalakad, hinahayaan ang sariling mga paa na dalhin ako sa kung saan hanggang sa huminto ako sa harap ng isang pinto.

Bumuntong-hininga ako ng mapagtantong nasa dorm na ako, akmang pipihitin ko na ang door knob ng bigla itong bumukas at bumungad ang isang babaeng may kulay asul na buhok.

Nakanganga siyang nakatingin sa'kin. Dilat na dilat ang mata na tila nakakita ng patay na muling nabuhay.

"Uh... hi?" I waved my hand infront of her shocked face, tryna' get her attention. "Excuse me?" di parin siya natitinag kaya nag-isip ako ng paraan. I pressed my lips together when an idea popped in my mind.


"Oh gods! Assassins! Somebody help me! There's an assassins!" I screamed and acted as if it was really true. Effective naman yung ginawa ko dahil nabalik siya sa ulirat at nagpapanic na luminga-linga sa paligid at hinila ako papasok sa dorm.Nagulat ako ng biglang nagkaroon ng apoy sa magkabila niyang kamay.


"Stay here." lumingon siya sa akin na ikinagulat ko ng makitang naging pula ang mata niyang kanina lang ay brown ang kulay.

"There's no assassins! I just wanna get you back to your senses..." pagpigil ko sa kanya, lumingon siyang muli sakin ng may pagtataka kaya't natawa nalang ako ng marahan.

"I'm Iaxah Jaix and I guess ikaw ang roommate ko?" iniabot ko sa kanya ang kamay ko na agad niya naman tinanggap.

"Lhyre Diana Dizon, mind reading is my ability and fire is my power" aniya at tinanggap ang nakalahad ko'ng kamay. Hindi ko alam pero bigla ko nalang nabalewala lahat ng naririnig at nakikita ko tungkol sa lugar na to simula nung sabihin sa'kin ng headmaster at headmistress ang ilan sa mga dapat ko'ng malaman tungkol sa mundong to. ''Eh ikaw? ano'ng sayo?" she asked so I shook my head with a smile plastered on my face.

"I don't know what kind of ability and power I have, " sagot ko. "I don't know why I'm here. I heard some rumors that this world is for immortals only but why am I here?" I asked.

"Kase Imortal ka?" patanong niyang sagot, well sarcasm na yon.

"But they said I smelled like a mere mortal, is it true?" I can't help but ask.

"Oo. Nangangamoy mortal ka pero siguro magaling ka lang mag tago ng presensya kaya di namin maramdaman." aniya.

"You said you're a mind reader... Can you read my mind?" I asked again. Kunot noo niya akong tinitigan at nagkabakas ng pagkadismaya matapos ang ilang segundo.


"I can't read yours. P-Parang nakasarado..." sinabi niya iyon ng may pagtataka sa mukha.


Napabuntong-hininga nalang ako at humiga sa kama.







Nagising ako ng may bigla'ng pumalo sa gilid ng pwet ko.


"Buti naman nagising ka, di ka pa nakakapaglunch for sure. Tara, dinner" ani Lhyre na ikinakunot-noo ko. 'Dinner?'

"Di ba masyado pa'ng maaga para magdinner?" tanong ko na ikinangiwi niya.

"Anong maaga? Gaga! alas siete na ng gabi" aniya kaya't napatingin ako sa wall clock.  '7:25 na nga'

Bumangon na ako at nag-inat saglit. Nagtataka ko naman'g tinignan si Lhyre na nakatulala sa'kin.


"Problema mo?" tanong ko, ngumiti lang siya at umiling-iling.

"Di ka man lang pumanget kahit di ka nanuklay at nanghilamos pagka gising" ngumuso siya, natawa nalang ako ng mahina.


"Never pa ako'ng pumanget kaya masanay kana" 

"Wow ha? Di ka pala maganda'ng purihin, nagiging mahangin ka eh" pabiro siya'ng umirap na ikinahalakhak ko. I don't know what's with her,basta magaan talaga ang loob ko sa kanya.






Lumabas kami ng dorm at pumunta sa cafeteria ng school dahil bukod sa di siya marunong magluto, masarap daw mga pagkain dun. Nagpatianod nalang ako sa kanya.



'Buti naman at wala ng gaano'ng tao dito'



"Try mo ang ambrosia salad nila dito" nagulat ako sa sinabi niya.' A-Ambrosia?'

"Ambrosia?"


"Oo! Yung pagkain ng mga diyos." aniya kaya't kagat-labi akong napatango- tango



"Masarap din ang nectar juice" dagdag niya kaya't tumango-tango na lang din ako.



Matapos namin'g kumain ay nag-aya na akong bumalik sa dorm kahit gusto niya pa akong ipasyal. Naglalakad na kami pabalik sa dorm ng may bigla'ng sumulpot sa harap namin.




' Yung babae kanina...'




"Hah! The peasant is here together with a Class A student... Ang kapal naman ng mukha mo'ng hampas lupa ka! " akmang sasampalin niya ako pero napigilan ko siya, mahigpit ko'ng hinawakan ang kamay niya kaya't sinamaan niya ako ng tingin. Tinignan ko naman siya ng walang kaemo-emosyon sa mukha ng bigla siya'ng mamutla at nag-iwas ng tingin. Pinagpapawisan siya at mariing lumunok.


"I'm not a peasant like you, bitch." pabato ko'ng binitiwan ang kamay niya at tinalikuran siya, nasa ganoon pa'din siya'ng posisyon, nangangatog na nakatingin sa kaninang kinatatayuan ko.


"Galing mo dun girl. Taray, alam mo ba'ng feeling  reyna yun? AHAHAHHA lahat ng trasferee binu-bully niya, sinasampal, pinagtitripan, minsan na nga siya'ng may ikinulong sa isang labyrinth eh. Buti nalang nailigtas agad namin dahil kung hindi? ubos na kapangyarihan ng babaeng kinulong niya" ani Lhyre ng medyo makalayo na kami.

"Hindi siya pinipigilan?" I asked.

"Walang makakapigil sa kanya, kahit mga alphas. Nakikinig siya sa simula pero kapag wala sila, ayun babalik na naman." sagot ni Lhyre. Tumigil kami sa harap ng pinto ng dorm at ng akmang  pipihitin na namin pabukas ang siradura ay may biglang kumalabog kaya't dali-dali kaming pumasok at nakita'ng nagkalat sa dorm namin. Nakita ko'ng nakabukas ang aming kwarto kaya't pumasok ako dun at nakakita ng isang kumikinang na espada.


"Sa'n yan galing?" wala sa sarili ko'ng tanong kaya't sumilip si Lhyre na nasa aking likuran.


"Wow..." namamangha niya'ng sabi at dali-daling pumasok at akmang hahawakan ang espada na nasa kama ko ngunit mas lalo pa itong umilaw at lumutang papalapit sa'kin. Umatras ako palayo ngunit may pumipigil sa'king umatras at nag-uudyok na kunin ang espada na siyang ginawa ko.


Nang mahawakan ko na ang espada ay bigla itong nawala kasabay ng liwanag. Luminga-linga ako sa paligid ngunit di ko makita.

"Nasaan na yun?" tanong ni Lhyre kaya't kumibit-balikat ako ng mahagip ng aking paningin ang kamay ko.May singsing na may kulay puti na bato sa palasing-singan ko na di ko alam kung saan nanggaling.

"Oh my! Naging singsing yung espada!" nagulat ako sa naging pagsigaw ni Lhyre.

"H-Huh?" 

"Look at your ring! Diba wala yan kanina? tsaka tignan mo oh? yung itsura ng singsing mo ay hawig ng hawakan ng espada!" she exclaimed, still in awe.

Tinignan ko naman ang singsing at tama nga siya, magkahawig sila ng espada na mayroong nakaukit na tila ba kristal na nagliliwanag ngunit paano? at bakit sa'kin lumapit ang espada gayung hindi naman ako interesado? Bakit hindi kay Lhyre napunta? At paano to babalik sa pagiging espada? 'Aishhh! Nakaka-stress!'

"Baka itinakda'ng mapasayo ang espada" biglang sabi ni Lhyre kaya't napatingin ako sa kanya. Seryoso na ang kanyang mukha, di katulad kanina na namamangha.





'Mood swings?'




Missing Princess of XenoaWhere stories live. Discover now